Chapter 10

13.1K 283 5
                                    

Travis' POV
"Bro, tara na kasi kila Chloe! Nakalabas na siya ng hospital kahapon ehh," pamimilit ni Matt sa akin. "Sige na naman bro, hindi ka nga dumalaw ni isang araw nung nasa ospital pa sya ehh. Huwag mong sabihin na guilty ka sa nangyari?" sabi naman ni Jeff.

"Kaya halika na at puntahan na natin siya," sabi ni Zack. Hinila nila ako patayo ng kama at pinagtulungang ipasok sa CR.

"Bakit? Nasa akin ba mga paa niyo at hindi kayo makapunta na kayo lang? Kailangan ba ng guardian sa pagpasok sa bahay nila? Aish!"

Haiist! Sige na nga! Ano pa nga bang magagawa ko? Miss ko na rin naman yun. Oo, miss ko na siyang i-bully syempre. ano pa nga ba? Di na tuloy exciting ang mga nakaraang araw ko sa school nung wala akong mapagtripan. 

Kung akala niyo ay nagbago na ko ng dahil sa nangyari, pasensya na pero nagkakamali kayo.

Naligo na ako at nagbihis. Ang sinuot ko ay color blue na polo at skinny jeans. Oo na mahilig ako sa skinny ok? Sinuot ko rin ang Vans kong sapatos. Ready na ko. Lumabas na ako. 

"Haay! After decades of waiting! Buti naman lumabas ka pa!" bungad ni Matt. "Bakit ganun ba ko katagal sa loob?"tanong ko. Pumasok ako sa loob mga 7:30 ata.

"Mga 2 hours and 30 minutes lang naman po. Akala namin namatay ka na sa loob o kaya naman nagdive sa bathtub," sarkastikong sabi ni Zack.

"Lika na nga lang!" Aya ni Jeff. Nagnod na lang ako at lumabas na kami ng kwarto. Hindi naman ako nag ayos masyado eh.  Sumakay na kami sa kanya- kanyang kotse. Akin ay color Black; kay Jeff ay blue; kay Zack naman ay white at gray kay Matt.

Sumusunod lang kami kay Zack dahil siya ang may alam ng daan. Nasa subdivision pala nakatira yung cheap na babaeng yun? Tsk. Siguro sa pinakacheap na subdivision. Teka nga lang, bakit sa kabilang street lang kami papunta? May shortcut? Maling pupuntahan?

Dito kami nakatira sa subdivision na puro lang mayayaman ang nakatira. Paano mapapadpad ang isang kutong lupa dito? Siguro katulong siya sa isa sa mayayaman dito. Nevermind!

Lumiko kami sa street na hindi ko maipagkakaila na mas mayayaman sa amin ang nakatira. Katulong nga talaga yun panigurado. Maya maya pa ay tumigil na kami sa tapat ng isang malaki at puting mansion. 

WOW na lang as in WOW. Ang ganda labas pa lang! Nagpark na ako sa gilid at bumaba ng kotse. Sumunod sina Zack papunta sa gate ng mansion. Nagdoorbell muna siya.

Maya-maya ay bumukas na ang gate. High- tech naman pala ehh.

"Tara na."

Pumasok na kami sa mala- palasyong bahay at lalong namangha.

Ang ganda talaga. Pagtapat namin sa pinto ay bumukas ito at sumalubong sa amin ang limang mga naka maid na damit. May ngiti sa kanilang mukha. O, hindi ba rito kasama si Chloe?

"Tuloy po kayo," they said in chorus.


"Thanks po."

"Dito muna po kayo sa may living room. Tatawagin ko lang po si madam. Ano ho bang gusto ninyo?" sabi nung isa sa kanila. Tumango lang kami. "Wala ho ayos lang kami," sagot ni Zack at umalis na sila.

"Ganda dito ahh gusto ko na ata magpaampon o kaya naman ay maging katulong nila. Ang huli kong naountahan na ganitong bahay, bahay ng artista eh," puna ni Matt. 

"Mukhang mamahalin mga gamit," sabi naman ni Jeff.

"Sosyalin," ani Zack na inililibot paningin sa paligid. Maya-maya ay bumalik na yung babae kanina at may kasamang magandang babaeng mukhang nasa 30's lang. Siguro ito na ang may ari ng bahay. 

"Hello mga hijo, are you here for Chloe?" Tanong niya ng may pagkaslang pa.

"Opo," sagot ko. Nagsmile siya at sumagot.
"Upstairs. She's upstairs. She's awake, but she's lying on her bed and resting. Akyat na lang kayo sa kanya while we prepare some snacks for you guys," sabi niya at umalis na siya.

Umakyat na nga kami. Ay ano ba yan! Di naman pala namin natanong alin room.

"Aling room daw?" tanong ni Matt.

"Patay," sabay-sabay namin na sabi sabay face palm.

"Baka may pangalan naman," sabi ni Jeff. Pagkaakyat namin woaah! Daming rooms naman. "Hiwa- hiwalay tayo para mabilis." sabi ko.

"Geh."

Naghiwa-hiwalay nga kami. 

Pumunta ako dun sa pinaka dulo. Nakalagay sa pinto. "Guest Room" Binuksan ko ito. Wala siya doon. Second, isa pang guest room tapos wala ulit. Tss. -_-. I'm getting bored.

Nung matapat ako sa isang room ay hindi na ako nag atubiling tignan ang pangalan sa pinto at basta lang itong binuksan. Pagpasok ko ay nakita ko siya doon at nakahiga sa kama. 

I found her, didn't I? I guess no. Naunahan na nila ako. I saw them sitting on the pastel pink colored couch beside her bed while looking at her. Kanina pa kaya sila dito? Mga walang puso! Di man lang ako nainform. Pwede naman na tawagin ako diba?

"Pakisara ang pinto sayang ang lamig," halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita siya gamit ang maliit ngunit malamig niyang boses. She noticed me.

Then, nakatingin pala sila sakin with a "hala-ka" look. 

"Oo na," sabi ko sabay pasok at sarado ng pinto. Inis naman eh!

"Wow thank you pala sa pag inform sa akin na nandito na kayo," sarkastikong sabi ko at tumingin sa mga loko. "Sorry naman. Naoverwhelm kasi kami nakalimutan ka namin,"sabi ni Matt sabay hawak sa batok.


Dinilat niya ang mata niya. "Bakit nga pala kayo nandito?" Tanong niya sa amin habang sa kanila nakatingin.

"Ah, kasi gusto ka lang namin kamustahin. Ok ka na ba?" tanong ni Zack with that sincere look. Yuck!

"Oo, okay na ako." sabi naman ni nerd. 

"By the way, if you don't mind me asking, do you live here?" tanong ni Matt.

"Oo naman. Bakit mo natanong?" sabi ulit ni nerd.

"Katulong siya dito right?"sabi ko with a smirk. Umupo siya ng maayos at tumingin sa akin ng deretso sa mata and with that expressionless face.

Napansin ko maputla siya at medyo halata ang tahi sa chin niya.

Bumuntong hininga siya bago sumagot.

"Hindi nila ako katulong kasi anak nila ako. I'm the only child. If you don't know yet, let me introduce myself. I am Chloe Patrice Morgan, and I am the girl that you have been bullying."

All of us were shocked. My jaw dropped. Matagal ko na kasi siyang binubully pero hindi ko man lang alam na, she's a Morgan. A daughter of one of the most successful businessman today.

Pero, bakit wala siyang ginawa noong nagsisimula palang akong mambully? Bakit hinayaan niya lang ako?

The Mysterious Nerd Where stories live. Discover now