Chapter 5

14.3K 322 10
                                    


Jeff's POV

"Uy namumutla ka!" Alalang sabi ko. Tapos tumayo na siya.


 "H-ha? W-wala it-"


Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng mahimatay siya bigla.


Buti nalang at mabilis ang reflexes ko at nasalo ko siya kaagad dahil kung hindi sasaluhin siya ng damo.


"Chloe? Chloe!!" Tawag namin sa kanya pero, hindi niya iminulat ang kanyang mga mata. Agad namin siyang isinugod sa clinic.


"Ano bang nangyari sa kanya? " sabi nung nurse habang chinicheck parin ang walang malay na si Chloe. "Bigla na lang po siyang namutla at nahimatay!!" Dala na rin ng sobrang pag-aala ay napasigaw ako.


"Bro, calm down. Don't be so paranoid," sabi ni Zack sabay tapik ng balikat ko. Woahh, I overreacted. Breathe in, breathe out. "Everthing's gonna be alright. No worries bro," sabi naman ni Matt to assure me. "Ah, pwede bang sa labas na muna kayo. I'll make some tests on her," sabi nung nurse kaya lumabas muna kami at isinarado niya na ang curtains.


Haay! I badly need some air. Tss. Naiinis ako kay Travis! Matalik ko siyang kaibigan pero, nakakasakit na siya eh. Hindi na tama at isa pa, babae yun. Pumapatol na talaga siya sa babae?


At kung mamalasin ka nga naman oo. Nakita ko pa talaga ang kinaiinisan ko ngayon, walang iba kundi ang bwisit na si Travis! Jusko pigilan niyo ako dahil magkakaroon ng bagong pasyente sa isa pang bed.


"Oh, nandito lang pala kayo," sabi ni Travis sa amin. Tinignan ko naman siya ng masama at ikinuyom ang kamao ko. Gago talaga ang isang ito.


 "Bakit kayo nandito? Sinong may sakit?" He innocently asked.


"Dahil sayo! Dahil sayo nandiyan sa loob si Chloe at walang malay!" Sigaw ko. I can't take it! "Woahh, easily lang bro. Wala naman akong ginawa dun ah. Malay ko ba na OA pala yun. So ano na ngang nangyari?" Pa-cool na sabi niya sabay taas ng dalawang kamay and he even smirked. Amused? Burahin ko kaya ang ngiti sa labi niya!


"Bakit ka ba nagkakaganyan?" Tanong ni Zack sa akin dahil halata niya na ang pagkainis ko. "Oo nga, why are you acting so worried? Para kang jowa, " asik ni Matt.  Sabi na eh, dapat wag akong magpaka-paranoid dahil baka mabuking nila ako. Ako at ang tinatago kong munting sikreto.


Napahinahon ako bigla at tila natauhan ng marinig ko ang isang boses, "Bakit ba k-kayo nag -aaway?" Nagising na pala si Chloe at nagkukusot siya ng mata habang may band aid sa daliri. Namumutla pa rin siya tulad ng dati pero hindi na ganoon kalala. Nakahawak ang kanyang kanang kamay sa pader.


"Chloe!"


 Sabay sabay naming tawag except kay Zack na halata mong naguguluhan pa rin at binabagabag ng mga iniisip niya.


Chloe's POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas."Gising ka na pala. Okay kana ba?Nahimatay ka kasi kanina dahil sa sobrang pagod sa kaiiyak at sa nerbyos ata. Ginamot ko na yung sugat mo sa kamay. You stay hydrateed and eat a lot ha? Huwag rin magpapakapagod masyado, "sabi nung nurse and she gave me some water. 


"Okay na po ako. Thank you ho pala," sabi ko sabay tumayo na habang inaalalayan niya ako. Nanginginig pa ang aking tuhod pero pinilit ko ng tumayo. "Sure ka?" Muling tanong niya na halatang hindi kumbinsido. Ngumiti naman ako at tumango. " O, sige at pumirma ka na muna rito bago ka umalis," inilapag niya ang record book at pumirma ako sa tabi ng pangalan ko.


Pagkalabas ko ay nadatnan ko sila doon na nagsisigawan pa. Nadoon din si Travis. "Bakit ba kayo nag-aaway?" tanong ko.


" Chloe!" 


Sabay sabay nilang pagtawag. Nahilo ako bigla at na out balance.


Inaasahan ko na babagsak ako sa lupa kaya pumikit ako. Pero...huh? Bakit parang hindi ako nasaktan?


Idinilat ko ang mata ko at nakitang hindi pala ako nahulog dahil nasalo ako ni Travis. Teka si Travis?


 "Dapat hinayaan mo na lang ako," inis na wika ko at agad lumayo sa kanya.


Galit pa rin ako sa kanya 'no. Kahit na mabait ako,napupuno rin naman ako at nasasagad ang pasensya ko.


"Hindi naman ako ganun kasama? Mabilis rin lang kasi ang reflexes ko," mayabang na sagot niya. Inirapan ko siya. Neknek niya di ko siya agad papatawarin. sa dami nang ginawa niya sa akin ganun ganun nalang ba iyon? Kakalimutan ko dahil sinalo niya ako? Ano siya siniswerte?


Umupo ako sa malapit na bench. Tumunog na ang bell na hudyat ng snack time. "Oh, snack time pa lang pala," sabi ni Jeff. "Okay ka na ba talaga? Namumutla ka pa eh," malungkot na wika ni Matt habang tinitignan ako. Ang cute naman nito.


"Oo nga Chloe. Putlang-putla ka pa eh. Baka kailangan mo pang magpahinga," sabi ni Zack.


Ngunit bigla kaming nakarinig ng tilian at ngayon lang namin napansin na nandiyan na pala sila. Nandyan na ang die-hard fans ng mga mokong na ito! Todo effort sa paggawa ng banners. Artista ba talaga itong mga kasama ko? They rolled their eyes at me at tumakbo palapit kina Matt.


Kaya nagsitakbuhan sila ng wala sa oras. Nagulat kasi sila na nagtatakbuhan yung mga babae eh masusugod sila. Hayyst iwan ba naman ako dito pagkatapos tanungin kung ayos lang ako. Patawa. Hinihilot ko ang sentido ko at nakapikit nang maya-maya ay may sumigaw kaya naman napadilat ako ng mata.


"Hoy malanding nerd!"


 Ay si Eris lang pala. Ang babaeng todo habol at papansin kay Travis kahit pa hindi naman siya nito pinapansin.


"Bakit nilalandi mo sila?  Anong karapayan mo ha? Ikinaganda mo ba yan? Oops, di ka nga pala maganda to even start with," inirapan niya pa ako. Kung pwede lang sabihan siya na, wala ka naman karapatan eh, quits lang tayo. Parang tanga dada ng dada dyan.


"Eris pwede bang wag ngayon? " pakiusap ko ngunit tila wala siyang narinig. Tumayo na ako upang makalayo at umaktong aalis na ng bigla niyang hawakan ang braso ko ng mahigpit. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko para bumulong.


 "Dahil mabait ako, hahayaan kita ngayon. But, remember hindi pa tayo tapos, sweetheart," bulong niya sa akin at saka ako marahas na binitawan.


Naglalakad na ako ng bigla akong matisod dahil sa kagagawan ng isa sa mga kasama niya. Tumama yung baba ko sa corner nung bench at nang hawakan ko ang baba ko ay tumutulo ang maraming dugo mula rito. Nanginig ang mga kamay ko at napasigaw ako habang sinusubukang saluhin ang mga dugo.


Ang huli kong narinig ay ang tawanan nila bago ako muling mawalan ng malay.

The Mysterious Nerd Där berättelser lever. Upptäck nu