Chapter 9

13.4K 307 15
                                    

Travis' POV

Hay naku! Nakakainis! Bulong ko sa sarili ko sabay sabunot ng buhok ko. Bakit ba kasi ako naiinis? Aish! Paano ba naman paulit-ulit na nagfa-flashback yung nangyari nung isang araw.

Yung incident ni nerd at yung bwiset na pagmumukha nung lalaking yun! Sheez! Tama nga siguro yung mga kaibigan ko, selos kaya ako? Ay hindi, ayoko lang na may makita na tumutulong doon.

Nabalik ako sa katinuan ng may bumatok sakin. "Hoy! TJ! Naaano kana dyan?!" Sigaw ng ate kong si ate Tippy. Oo may ate ako. At kagaya ko, ang daming may gusto dyan. Maganda kasi talaga yan.

Siya lang naman si Tiffany Patricia Chase. At dahil sa pagiging Chase, hindi maipagkakailang mga gwapo't magaganda kami. Nasa dugo na namin ehh.

"Aray naman ate! Dalawa na ha! " napasigaw na rin ako dahil sa pangalawang beses na pagbatok ni ate. Hinimas ko ang batok ko. "Eh kanina pa kasi ako nagsasalita ehh di ka naman pala nakikinig sakin!" Sigaw ni ate.

Kahit kailan parang megaphone tong ate ko. Haay. Maganda sana ang ingay naman.

"Ano ba kasi yun ate?"

"Sabi kasi ni mommy next week na raw-" hindi natapos yung sinasabi niya dahil sa pag ring ng phone niya.

"Excuse bro,"sabi niya at tumayo palayo sa akin. Teka biglang nangamatis ang pisngi! Hulaan ko yung crush niya yan. "Hello? D-daniel?" Sabi niya gamit ang malambing na boses.

Oh diba tama ako. "Ahh, oo. Free ako bukas. Sige sige bye," sabi ni ate habang abot tenga ang ngiti pagkaend ng call. Parang aso. Tss. Humarap siya sakin at pulang-pula na ang mukha. Niyugyog yugyog niya ako at impit na tumitili!

"Kyahhh! Niyaya niya ako ng date! Daniel my lalabs!!!"

Tinakpan ko ang tenga ko. Lakas makatili ng babaeng to. Hayys. I shrugged and gave her a cold look. Tumigil siya sa pagyugyog sa akin. "Ayy, sorry TJ my poor brotha! Hahaha nabingi ka ba? Peace hehe, " sabi niya sabay peace sign at napailing na lamang ako.

"Baliw ka ate." Sabi ko habang emotionless pa rin. Napapailing na lang ako. "Oo baliw kay Lalabs! Kilig much!" Sabi niya. Yung Daniel kasi na yun mula high school crush niya na.

Hanggang ngayon crush niya pa din. Take note 2nd year college na yang ate ko. Swerte niyang lalaking yan. Pag pinaiyak niya si ate, hindi siya sasantuhin ng kamao ko.

"So yun as I was saying, next week daw sabi ni mommy may family reunion tayo sa Boracay! Diba good news? Oh sige,yun lang naman TJ. Maya na tayo magkulitan,"sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

"Ate naman ehh," reklamo ko at umalis na siya. Pumasok na ako ng kwarto at nag open ng FB. 

Nakita ko na naman yung picture ko na may kasamang batang babae. Sino ka ba talaga? Tanong ko sa sarili ko. Hayy. Curiosity really kills me! Ni-screenshot ko muna iyon.

Baka sakaling kilala yun nina ate. Tanungin ko kaya sila? Tama, tatanungin ko sila mamaya. Pagkatapos ng dinner. Bumaba na ako at dumiretso s dining room namin.

Nakaupo na sina mommy, ate, at dad? Nabigla ako kasi he's always busy sa business namin. Ngumiti ako ng maliit. Pero, bago pa man ako makaupo ay biglang nag- ring ang cellphone ni dad. 

"I'm sorry, but I have to take this call," sabi ni dad at umalis na. Almost na lang pala. Pero, still they say that almost is never enough. Hayys. Naupo na ako at kumain ng tahimik.

"Emote pa more lil bro. Ayos lang yan," sabi ni ate at tinapik pa likod ko. Basag trip din talaga kahit kailan. "False hope again mom," malungkot na saad ko.

"Maybe, he's just too busy son. And he's just planning for your future. For the both of you rather," sabi ni mom.

Lagi naman ganyan eh. Planning our future but ruining our relationship in the present. "I'm just longing for a father's love. You know that I need him to guide me as I grow up. I'm just 17. I need him to teach me what a normal fathers do to their sons. Courting the girl that I like, and how to get a girl's heart. Do I ask too much?" sabi ko. And then I felt something wet on my cheeks. I realized that I'm already crying.

"Teka may nagugustuhan ka na?"

I ignored mom's question. My mom and sister stood up and then walked towards me. Then they both hugged me tight and it made me cry even more.

"It's ok lil bro. Mom and ate will never leave your side," bulong nya sa akin.

"I'm sorry my baby. I don't  know you are feeling alone. But always remember that mommy and ate loves you."

We stayed on that position for minutes. I may look scary and arrogant, but this is my other side. The soft side that I always try to hide.

The Mysterious Nerd Where stories live. Discover now