Last Special Chapter

6.1K 123 14
                                    

A/N: Tada! Last special chapter! *sabog rainbow confetti* Yay! Thank you sa pagbuhos ng suporta! Dun sa nag aadd sa reading list at nagvovote! Naappreciate ko kayo at natouch ako hahaha. Thank you po talaga and love you all!22.9k reads na siya. Alam kong bitin siya pero salamat sa pagbabasa! Dedicated to all the readers! God bless!

Linnea's POV

Yay!  Maaga akong nagising ngayong araw kahit sabado.  Ehh wala eh masaya lang ako ngayong araw. Maaga pa pero naligo na ako kaagad at nagbihis.  Simple lang naman any suot kong damit, off-shoulder na black then high waisted shorts. Matching messy bun na din na hairdo. Dito lang ako sa bahay so okay lang naman.

Nga pala, ako lang mag-isa ngayon dito sa bahay. May pupuntahan daw si Travis na importante eh. Actually kagabi lang siya umalis then di bumalik. Hmm, nevermind.

Parang gusto ko ata ngayon magluto ng spaghetti. Hmm. Hoy wag niyo kong minamaliit diyan dahil eto ang specialty ko. Nagresearch ako ng mabuti😂

Bumaba na ako at dumiretso sa kitchen namin. Chineck ko ang cabinets pati ang ref pero walang laman. Naku! Nakalimutan ko nga palang mag grocery! Tinignan ko ang wall clock. 8 AM. Maaga pa naman so pwede pa akong mag grocery. Bukas na naman yung mall ng ganitong oras.

Kinuha ko na ang susi para sa kotse at di na nag abalang magpalit ng damit. Kinuha ko nalang yung shades ko at isinuot. Dumiretso ako ng garage at pumasok ng kotse.

Di-remote yung gate kaya hindi na ako nahirapan pa. Pagkalabas sa garahe ay pinaharurot ko na agad. 20 minutes lang at nakarating na ako kaagad sa mall. Hindi karamihan ang tao dahil maaga pa nga.

Dumiretso ako ng supermarket at kumuha ng big cart. Kung ano-ano ang kinuha ko. Syempre may ingredients for spaghetti at supplies pero madami din akong kinuha na chocolates and gummies!! Love love!

Dumiretso ako ng counter at nagbayad. Sa huli, apat na big bags ang dadalhin ko. Dinala ko na lang muna yung cart. Starbucks na muna ako. Iniwan ko lang sa labas yung pinamili ko then dumiretso ako sa loob ng starbucks.

Pero pagkapasok ko ay may humigit ng braso ko at pwersahan akong hinila palabas.  "Aray ano ba! Ang sakit!" Sabi ko at tinatanggal ang kamay na nakahawak sa braso ko. By the smell of the perfume, kilala ko na. Travis.

Iniangat ko amg tingin ko sa kanya nung binirtawan niya na ako. Kunot ang noo niya at parang inis na inis dahil namumula din. "Anong ginagawa mo dito? At bakit ganyan ang suot mong damit!? Para kang kinulang sa tela!" Bulyaw niya agad.

"Hoy ikaw nga dapat kong tanungin, anong ginagawa mo dito." Mataray na sabi ko. "Magkakape sana ako obvious ba? Tapos nakita kitang ganyan ang suot ayun di ako natuloy!" Parang nagtitimpi lang siya.

Tinulak ko na ulit ang cart at papalabas na kami ng mall at dirediretso na ng parking. "Aissh, ano bang problema sa suot ko ha? Matino naman ahh. " totoo naman kasi! Oo alam kong shorts at off shoulder pero matino naman ako tignan.

Nakarating na kami at binubuksan ko na ang trunk ng bigla niyang hampasin. "Damn it Linnea! Alam ko yun pero hindi ko kasi mapigilang hindi mainis at magalit! Tinititigan ka nung mga lalaki sa mall hindi mo ba alam?! Tinititigan ka nila! Parang yung mga tingin nila para bang hinuhubaran ka na nila! I just can't take that! Akin ka ehh at ayokong may tumitingin sayo ng ganun okay. Baka makapatay ako ng tao." Sabi niya at unti-unting humihina ang boses.

Napayuko siya at pumikit. Nagpipigil ng emosyon. "H-hindi ko napansin ang iba. Hindi ko naman din sila papansinin eh. Hindi sila ikaw. Sorry din kasi ganito ang suot ko. Summer kaya! Tss. Mga gagong yun dapat pala nakita ko nang maupakan ko." Umiiling na sabi ko. Hindi ko talaga kasi pinansin hung mga nakasalubong ko sa mall.  Nakafocus ako sa pagbili.  Kung nakita ko sana.

The Mysterious Nerd Where stories live. Discover now