Chapter 42

5.9K 118 10
                                    

Umalingawngaw ang tunog ng pagputok ng baril sa silid na kinaroroonan namin. Nabitawan ni Elisha ang pagkakahawak sa leeg ko kaya nakahinga na ako. Naubo pa ako.

"KD..."

Yan lang ang nasabi ni Elisha at nanginig. Kitang-kita ko ang pangangatog ng mga binti niya at ang buong katawan niya. Tumingin ako sa may pinto katulad nina Matt.

Nabigla ako at nagkaroon ng pag- asa. Nandito na ang tulong. Nandito na si Jeff pero wala si Travis.

Pero napaisip din ako. Siya ba ang KD na tinawag ni Elisha kanina? Diba yun din yung kausap niya sa cellphone kanina? Hindi kaya...

"What are you doing to her?! Do you want me to kill you right now!? You don't have the right to touch her!!"

Galit na galit si Jeff habang sinasabi yun. Halata yun dahil sa pagpula ng buong mukha niya at yung ugat niya sa leeg kita na.

Tumingin ako sa direksyon ni Elisha ng makarinig ako ng paghikbi. Umiiyak na siya at nanginginig. Biglang na lang siyang napaupo sa sahig at patuloy pa din sa pag iyak niya na ngayon ay lalong lumalakas.

"DF, get out now. Please. I don't wanna see your face." Sabi ni Jeff na ngayon ay binuksan na ng maluwag ang pinto at umaaktong pinapalabas na talaga si Elisha.

Dahan-dahang tumayo si Elisha at kahit nanginginig at umiiyak ay dumiretso na palabas.

Naaawa ako sa kanya. Kahit pa sabihin na niloko niya lang ako at sinaktan ay naging mag kaibigan pa din kami eh. Totoo man o hindi ang pakikitungo niya sa akin noon, naging kaibigan at karamay ko pa din siya.

Minahal ko siya bilang totoong kaibigan...

Napabalik ako sa katinuan ng maramdaman ko ang paghawak sa may pisngi ko. Si Jeff pala. Nakatingin siya sa akin at halata mong alalang-alala.

"Traitor! You traitor don't touch her!" Sigaw ni Dave at nagpupumiglas.

Pati sina Matt at Zack ay pilit din kumakawala sa mahigpit na pagkakatali.

"The fuck bastards! Will you shut your mouths up!" Sigaw ni Jeff at muling nagpaputok ng baril.

Tumigil na ang tatlo sa pag iingay at nakuntento sa pagtingin ng matalim Kay Jeff. "You are a traitor? How could you.. Why are you doing this?" Sabi ko at may tumulo ng luha mula sa mga mata ko. Luha na puno ng galit at sakit.

Dalawa sa mga itinuring kong kaibigan pala ang siya ring manloloko sa akin. Ang sakit lang talaga. Para akong sinaksak sa puso ng paulit-ulit. Tama ang sinabi ng kapatid ko, trust no one.

"Baby please don't cry. I'm doing this for the both of us. Para sa atin din to." Sagot niya at hinaplos ulit ang mukha ko. Bumaling ako sa ibang direksyon. "Walang tayo. You are crazy! " sagot ko ng walang emosyon.

"Oo, wala pang tayo sa ngayon pero akin ka na. Akin ka lang at kung sino man ang humarang sa daraanan ko, papatayin ko. Akin ka." Sabi niya at ihinarap ako mukha ko sa mukha niya. Ang lapit ng mukha niya sa akin pero hindi ko ininda yun.

Walang emosyon akong tumingin sa mga mata niya. "No one owns me 'cause I'm not a thing. I'm not anyone's property. Never will be yours." Sabi ko ng hindi kumukurap.

Alam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko kaya niya inilayo ang mukha niya sa akin at tumawa ng peke. "Hard to get. Uhm, okay so I think you need to have a rest for now. Good night my baby." Sabi niya at humalik sa noo ko bago umalis.

The Mysterious Nerd Where stories live. Discover now