Chapter 40

4.7K 99 5
                                    

Nakakainip naman. Nakalipas na ang isang araw at wala man lang atang naghahanap sa akin ni isa sa kanila? Pepektusan ko yun ng tig-iisa pag nakaalis na ko dito. Nga pala, minaliit ko sila. Yung lubid pala ay nilagyan ng oil as in yung pangluto. Ang dulas kaya di ko din matatanggal.

Sa isang buong araw na nakaupo ay nagmanhid na ata ang pwet at mga binti ko. Bwisit! Akala ko noon masaya kapag walang ginagawa at nakaupo lang, pero ok nagbago na ang isip ko ang hirap pala. Sakit na ng pwet ko.

"Naiinip na ako hoy Clarisse! Asan na yang boss mo ha! Ang duwag pala di man lang magpakita sa akin!" Sigaw ko kay Clarisse na ngayon ay nagreretouch. May salamin pala sa gilid tapos kumuha lang ng upuan para dun magpaganda.

Langya! Kinidnap ako tapos parang minamaliit lang nila ang kakayahan ko ha?! Ang unfair! Parang di man lang sa akin natatakot ang bruhilda!

"What the heck! Maghintay ka dyan bitch!" Sigaw niya at muling naglagay ng lipstick niyang pulang-pula. Yuck!

Nanahimik na lang ako dahil alam kong walang use kung mag iingay man ako. Nakakasakit na din ng lalamunan eh kaloka!

Nag-iisip ako ng pwedeng mangyari ngayon habang tinitignan si Clarisse. Sana mahulog sa upuan. Sana malagpas yung lipstick! Bwahaha!

Sige Clarisse konting usog pa sa likod at mahuhulog ka na sa upuan.

"Bwahaha LT ka Clarisse! Pwede bang parewind naman nung mangyari?!" Pang-aasar ko sa kanya.

Ang galing ko manghula noh? Umusog kasi si Clarisse tapos as in napasobra siya! Ayun nahulog siya tapos naglalagay pala ng lipstick! Nalagpas yung paglagay ng lipstick! Diretso sa may ilong niya!

"Arghh! Kasalanan mo to!" Papadyak padyak siyang umalis habang umuusok ang tenga at ilong. Kasalanan niya namang umusog siya eh. Naiwan ako mag-isa dito ngayon. Hayys! Hindi pa ba dadating sina Matt? Makatulog na nga lang muna. Antok na din ako eh. Sobra...

Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon. Nakakaistorbo naman sila. Kita ng natutulog ako eh. Aga-aga naman ng ingay parang ilang minuto lang ang tulog ko.

"Hey bitawan mo!"

"Don't touch me!"

"Babalatan kita dyan ng buhay!"

"Aray! Oy!"

Yan ang sunod-sunod na sigawan na narinig ko. Even though malabo pa ang paningin ko dahil siguro sa muta ko ay kilala ko ang mga boses na yun. Kay Matt yun. Akala ko pa naman sila ang magliligtas sa akin. So paano na kaya?

Nakagapos din sila kagaya ko pero ang pinagkaiba ay wala sila sa upuan. Hiwa-hiwalay sila ng pwesto at pare-parehong may pasa. Teka nga at kulang sila. Wala sina Jeff at Travis.

"Psst!" Pagtawag ko ng pansin nila.

Hindi pa kasi ata nila ako nahahalata eh.

"May mumu ba dito?" Bulong ni Matt sa pinakamalapit sa kanya na si Dave. "Tanga ka ba? Seryoso ka bang gangster heir ka din? Mumu ka dyan." Sabi ni Dave. "Hoy talagang hindi ba kayo mamamansin?!" Sigaw ko.

Lumingon silang tatlo at tinignan ako. May mga pasa sila sa mukha pero gwapo pa din. "Hi Nea! OK ka lang ba? Sinaktan ka nila? Kumain ka na ba? Anong masakit sayo?" Sunod- sunod na tanong ni Dave.

"Hayys. Paasa kayo akala ko pa naman kayo ang magliligtas sa akin eh. Magpapaligtas din pala kayo. So, si Travis at Jeff nalang pala ang hope ko ngayon." Sabi ko at nagpout. Kainis eh.

Nagtaka ako ng magkatinginan silang tatlo at parang nag-uusap gamit ang tingin. I smell something fishy!

"Hoy hoy! Ano yan?!" Sigaw ko.

The Mysterious Nerd Where stories live. Discover now