Chapter 6

202 14 6
                                    

Zynder can't hide his smile and he knew that his brothers were already finding it creepy to look at him. "Get ready, we will leave now," nakangiti niyang utos sa mga ito habang tinatapos ang kaniyang mainit na kape. Yohan and Xavier looked at him with concern but still proceeded to finish their breakfast and go upstairs to get their stuff.

Alam niyang hindi naman siya ganito noon at tiyak na nakakatakot ang pagbabago niya. Kahit nga ang mga maid nila kanina ay hindi maintindihan kung may pinaplano siyang masama o sadyang nababaliw lang talaga. One thing for sure was that Louisa is the reason for his uncontrollable happiness. He just cleared his throat in an attempt to stop his smiling but it would immediately go back no matter what he do. Kahit siya ay naninibago sa nangyayari sa sarili. 

Napili na lamang niyang tumayo nang marinig ang magkasunod na mga hakbang nina Xav at Yohan. "Let's go," aya niya sa mga ito sabay kuha rin sa kaniyang bag. Siya ang naghahatid sa dalawa papasok sa university ng mga ito. Ibang uni ang pinapasukan niya kaya naman maaga niyang hinahatid ang dalawa para may oras pa siyang bumiyahe papunta naman sa kaniyang uni. 

"Kuya . . . are you alright?" concerned na tanong ni Yohan.

"Never been better," nakangiti niyang sagot habang sinusulyapan ang mga kapatid sa backseat ng kotse niya.

"His smile is creeping me out," bulong na komento ni Xav sa katabi ngunit malakas lamang na binatukan ito ni Yohan na para bang sinasabing manahimik na lamang ito. He just shook his head and continued smiling while driving. He was even whistling a happy tune all throughout the ride.

Hinatid niya ang dalawa at binilinan ng curfew ng mga ito bago siya humarurot papaalis. He could feel the burning gaze all throughout the ride with his two brothers earlier but he honestly don't care. Aaminin niyang ang laki ng implewensya ni Louisa sa kaniya. Hindi niya maintindihan ngunit tila ba hinihila siya nito. He honestly thought that this undeniable attraction that he has for her would suddenly vanish if he get a taste of her. Maybe his body just wanted the challenge . . . the adrenaline but nope. After that one fucking kiss, his mind and heart suddenly went haywire. Para bang mas na-addict siya sa babae dahil sa labi nitong natikman niya. 

I'm really fucked . . .

Now his mind was set on finding her. 

Who is she?

Where does she live?

What university does she go to?

He wanted to know everything about her. He wanted to see her every day and not just on weekends. Oddly enough, he wanted her to be his girlfriend. Tang-inang hindi niya maintindihan ang nararamdaman basta ba't ang alam niya ay nais niyang mapasakaniya ang babae.

Nang makarating sa kaniyang university ay kaagad naman siyang pumarada sa usual spot niya at nginitian pa ang parking attendant ng school niya. Hinagisan niya ito ng pera na nagpasaya dito.

"Sir! Lilinisan ko po sasakyan niyo!" magiliw nitong ani habang dala-dala pa ang isang timba ng tubig at mga panglinis.

"Thank you po!" he said while waving his hand and walking directly in the direction of his school building. Nang nasa malapit na siya ay nahagip ng mga mata niya ang nakangising mukha nina Collin at Ismael.

"What's up with those fool-ass-looking grins?" tanong niya habang lumalapit sa mga ito.

"We saw what happened at the bar yesterday," mapanuksong ika ni Collin habang tinataas ang kamao. He fist-bumped them and then they started walking towards their building. "Girlfriend mo na siya? Grabe tol! Ang hirap kayang makuha ang loob ni Louisa pero nakaya mo ng ilang buwang panunuyo."

"Nah, man. She's not my girlfriend . . . yet, pero ginagawa ko ang lahat para mahanap siya," pagtatama niya sa kaibigan habang isip-isip na he has to step up his game if he wants to win her heart.

"Did you find out about her identity already? Mahirap manuyo kung hindi mo kilala ang babae. How would you know what she likes or dislikes?" sunod-sunod na tanong ni Ismael sa kaniya.

"That's what I'm trying to do right now. I'm trying to win over her heart and trust so she could tell me who she really is. God knows how much I want her to be my girl," frustrated niyang amin sa mga ito. They only talked about Louisa all throughout their walk towards their room. For the first time in his life, he actually felt lost and confused. Hindi siya marunong mangligaw sapagkat nasanay siyang ang mga babae ang mismong lumalapit sa kaniya. He never ever tried chasing after a girl. That has never been his situation before. Buti na lang at nandito sina Collin at Ismael dahil may tutulong sa kaniya. They told him about everything they knew when it comes to wooing a girl. All those cheesy panliligaw and stuff. Nako-cornyhan man siya ay lulunukin na lamang niya ang hiya para lamang kay Louisa. 

Natigil lamang sila sa pag-uusap nang bigla silang tinagaw ng Ethics professor nila. "Bakit po, Ma'am Eli?" magalang na tanong ni Collin sa matanda. For all he knew, Collin was only acting like an angel in front of the old lady because she was known to be a tyrant and giving out fail grades like it was nothing. Pinigil na lamang nila ni Ismael ang tawa na nais lumabas sa mga bibig nila.

"Mga anak, pakihatid muna ito sa building ng Education. Doon sa faculty room nila at kailangan na daw ng mga professors doon." Hindi pa man sila nakakasagot ay walang pasabing pinagbibigyan na sila ng matanda ng isang katutak na mga papel. Ang bibigat ng mga iyon at halos matakpan na ang kanilang mga mukha dahil sa taas ng pagkakapatong ng mga ito. Magrereklamo sana siya ngunit malakas lamang siyang siniko ni Collin.

"Kami na po bahala dito, Ma'am." Todo ngiti pa ang gago na para bang nagmamalaki kung gaano ito kabait.

"Plastic," bulong ni Ismael na kinatawa naman niya. Sinamaan naman sila ng tingin ni Collin bago nagpaalam sa guro at nangakong "ligtas" na ihahatid ang mga papel. Makaasta ito ay parang sanggol ang dala nila at hindi kumpol-kumpol na mga papel.

"This is so fucking heavy," reklamo ni Collin habang inaayos ang pagkakahawak sa mga papel na dala-dala nila papuntang building ng Education department. May kalayuan iyon dahil nasa kabilang side pa iyong ng university nila. Ni hindi nga niya alam saan ang building na iyon sapagkat hindi siya nagagawi doon. Ano namang gagawin niya doon? Wala naman siyang kilala sa Education department. Si Collin ang nangunguna sa paglalakad nila sapagkat ilang ulit na itong nakapunta sa Education department. Being a playboy and whatnot. Lagi itong may "binibisita" sa ibang department.

"It's your fucking fault. Masyado kang pabida," sisi niya dito habang inis na ginigilid ang sandamakmak na papel na nakaharang sa paningin niya. Ngumisi lamang ang kaibigan kaya naman akma niya sanang aawayin muli ito ngunit nahagip ng kaniyang pang-amoy ang isang pamilyar na halimuyak. 

It was subtle, it even felt like it wasn't there in the first place at all. Akala niya ay pinaglalaruan lamang siya ng kaniyang isipan ngunit agad niyang na-realize na may ibang amoy na nakapatong sa naamoy niya kaya naman hindi niya ito kaagad natandaan. Para bang tinatago ng taong iyon ang pangbabaeng amoy gamit ang matapang nitong pabango. 

Mabilis siyang napahinto sa paglalakad at nilingon ang taong nakasalubong nila. Hindi niya nakita ng maayos ang mukha nito dahil na rin sa mga papel na dala-dala. 

One thing was for sure, he knew that smell. He would never ever forget that unique smell that he always crave every weekend. Napakunot ang noo niya dahil pamilyar ang amoy na iyon ngunit ang taong dumaan sa kaniya ay hindi akma sa imahe ng taong natatandaan niyang nagmamay-ari ng amoy na iyon. 

"Louisa?" he said her name under his breath as he watched a man with a small build walking away from him. 

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Where stories live. Discover now