Chapter 13

164 15 4
                                    

Louisa can't believe everything that was happening to her life now. Every day has been a blissful, "nakakakilig" day. Sino ba namang hindi kikiligin kung bigla ka na lamang magkaroon ng napaka-attentive boyfriend. Hindi man sila nagkikita ni Zynder tuwing weekdays dahil nga si Louis siya sa mga araw na iyon, hindi pa rin hadlang iyon upang maiparamdam ng lalake ang presence nito sa kaniya. He continued on being annoying with her as Louis and always asking to give presents to her "sister". She would just tell him "okay", but deep inside she was kinikilig. 

Tuwing weekends naman ay lagi silang magkasama. If may school work silang gagawin ay tatambay lamang sila sa isang cafe at doon gagawin iyon. Minsan tinutulungan siya nito at minsan ay siya naman ang tumutulong sa lalake. Actually, mostly ay ang lalake ang tumutulong sa kaniya dahil may pagka-bobo siya ng slight. Hindi nga siya makapaniwala na ang talino pala ng lalakeng ito. Kapag wala naman silang need gawin na school works ay todo gala naman sila ni Zynder. Para ngang napuntahan na nila ang lahat na patok na kainan sa NCR. 

Nakaugalian na nilang mag-post sa social media ng patungkol sa mga gala nila kaya naman alam na kaagad ng lahat na mag-on na silang dalawa. Everyone was saying that they were a perfect couple. Aaminin niyang napa-proud siya sa tuwing naririnig niya ang mga compliments ng mga ito. Noon kasi ay nai-insecure pa siya kay Zynder. Napakaperpekto kasi nito at para bang dapat pa siyang magpasalamat sa lahat ng mga diyos dahil binigyan siya nito ng atensyon. 

"Hi, hon! Have you been waiting for long?" Nawala siya sa iniisip nang marinig ang pagtawag ni Zynder sa kaniya. Kasalukuyan kasi siyang nasa Starbucks at umiinom ng kape. Nagchat kasi ang lalake na may pupuntahan sila ngayon. Napangiti siya dahil bago pa man niya malingon ang lalake ay mabilis na itong humalik sa kaniyang pisngi. He sat down next to her and immediately put his arms around her shoulders.

"Morning!" she sweetly chimed before giving him a quick kiss on his lips. "Kakarating ko pa lang," sagot naman niya sa tanong nito.

"God, you're so beautiful today," mahinang anas nito na nagpatawa naman sa kaniya. 

Mahina niya itong pinalo sa braso bago nag-ika, "Bolero! By the way, saan pala tayo pupunta ngayon? Malayo ba? Ang aga-aga mo kasi akong pinapunta dito."

"Pangasinan," tipid nitong sagot na nagpabigla sa kaniya.

"Pangasinan?! Ang layo niyon Zy!"

"It's only about 3 or 4 hours' ride away, hon."

"But you know I can't stay out, mapapagalitan ako ng parents ko."

"Don't worry, ihahatid kita pauwi. Is that alright with you now?" malambing nitong alo dahil halatang nagpa-panic na siya. Siyempre mag-aalala siya. Paano kung mag-overnight stay sila doon at biglang matuklasan ni Zynder ang sikreto niya. Ang hirap na ngang itago kahit na every weekends lang sila nagkikita, paano pa kaya kung magsama sila ng isang gabi. 

"Okay . . ." nag-aalangan pa rin niyang sagot ngunit kumalma na rin siya lalo na nang halik-halikan ni Zynder ang kaniyang pisngi.

"Are you ready? You got your coffee already?" 

"Yup, we can go."

Matapos iyon ay tinulungan siya ni Zynder na tumayo at lumabas na sila ng Starbucks. 

"Bago na naman sasakyan mo?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nakangangang nakatingin sa Jeep Wrangler na binuksan nito. Nasanay siyang ang BMW nito ang gamit-gamit nila sa tuwing lalabas sila.

Pinagbuksan siya nito ng pintuan at tinulungang makapasok habang sinasagot ang tanong niya, "Ahh . . . yes, it's Rubicon 392."

"Seriously, how many cars do you have?" tanong niya habang pinapanood itong sumakay sa driver's seat.

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Where stories live. Discover now