Chapter 22

170 16 0
                                    

"I'll see you tonight. Same place, same time as usual. Be yourself, hon. I want to see the real you."

Napakagat ng labi si Louis habang paulit-ulit na umiikot sa utak niya ang sinabi ni Zynder kanina bago ito nagpaalam sa kaniya. Napatingin siya sa repleksyon niya sa salamin bago frustrated na napahilamos sa mukha. Nandito na siya ngayon sa bahay at kakauwi pa lamang niya ngunit hindi na siya magkandaugaga sa pag-iisip kung ano ang susuotin niya mamaya. 

This would be their first date wherein Zynder already knew the truth about him. Ang date kung saan alam nitong hindi siya babae. Naguguluhan siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa harapan ng kaniyang dresser.

"What should I wear . . . What should I wear . . ." he mumbled to himself while pacing back and forth his room, almost burning a straight path on his carpet.

"Be yourself, hon."

Muli siyang napalingon sa repleksyon niya sa salamin nang muling matandaan ang sinabi ng lalake.

"Be myself . . ." he whispered before coming to conclusion. He pulled his hoodie up and decided to leave the house with his "pangbahay", not really caring if he looked like a hopeless bum in the streets. Nilakad niya lamang ang playground kung saan siya usually sinusundo ni Zynder sa tuwing may lakad sila. 

Malakas naman siyang napabuntung-hininga nang makita na wala pa ang lalake doon. Maaga pa naman kasi at kailangan rin niya ng oras upang makapag-isip-isip. He sat down at one of the swings and started pushing himself to make it sway. Nakadungo lamang siya sa maalikabok na lupa habang iniisip kung ano ba ang plano ni Zynder para sa kanilang dalawa.

He said that he didn't feel disgusted by his presence and that he wasn't angry that he lied about his gender. Sa inaakto pa lamang ng lalake ay para bang indirectly na nitong sinasabi sa kaniya na nais nitong ipagpatuloy ang kung ano mang meron sa pagitan nila.

He kissed him . . . that should mean something, right?

"You're here." Unti-unti niyang tiningala ang ulo nang marinig ang lalake na nakatayo na pala sa harapan niya. Zynder was wearing a clean white shirt paired with olive green pants and clean Greats Royale white sneakers. Ang gwapo at ang linis nitong tignan kung ikukumpara sa jogging pants, hoodie at pinaglumaang Nike shoes na ensemble niya. Bago pa man siya makapagsalita ay hinawakan na nito ang kaniyang kamay at giniya siya papatayo bago nag-ika, "Come on, may pupuntahan tayo."

Nagpatangay na lamang siya dito ng walang reklamo ngunit hindi maalis-alis ang kaniyang mga mata sa mga kamay nilang magkahugpong. He was holding his hand without care, na para bang walang pakiaalam ito na may makakita sa kanila at masabihan itong "bakla" dahil sa ginagawa nila. 

"Careful," malambing nitong ika habang ginagabayan siyang umupo sa passenger seat ng sasakyan nito. Ginamit pa nga nito ang kamay upang masiguradong hindi siya mauuntog papasok sa kotse. Pinanood niya itong umikot papunta sa driver's seat hanggang sa makapasok na ito. "Seatbelt, hon," paalala nito ngunit ito pa rin ang nagkabit niyon para sa kaniya katulad ng ginagawa nito sa tuwing may date sila. He watched him quietly while he was taking care of him same as how he treat him when he dresses up as Louisa. 

Nagsimula ng mag-drive si Zynder at napili niyang tumingin na lamang sa labas dahil na rin sa kaba at pagkalitong nararamdaman. Hindi niya maintindihan ang lalake at natatakot siya sa pinapakita nito sa kaniya ngayon. Buong biyahe nila ay iyon lamang ang tanging nasa isipan niya kaya naman hindi niya napansin nang huminto na ang sasakyan sa tapat ng isang convenience store.

"Do you want something?" Nagitla siya nang biglang magtanong ang lalake.

"Ahh . . . Uhm . . . no," utal niyang sagot dito bago binaling ang mukha sa kabilang direksyon dahil sa hiyang nararamdaman. Wala ng sinabi si Zynder matapos iyon at lumabas na lamang ng sasakyan at naglakad diretso sa convenience store. Siya naman ay mabilis na nilingon muli ang lalake dahil kaya niya lamang itong tignan kung nasa malayo ito sa kaniya. "What are you planning to do, Zy . . ." bulong niya sa sarili, samu't-saring emosyon ang umiikot sa kaniyang loob.

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Where stories live. Discover now