Chapter 24

152 11 1
                                    

"Uy Louis, tawag ka ni Prof." Halos mapatalon na si Louis sa kaniyang upuan nang bigla siyang tapikin ng classmate niya na nakaupo sa harapan. Panic niyang tinuon ang pansin sa harapan at nakita ang inis na mukha ng terror professor nila. 

"Mr. Magdalo! If you don't have any plans to listen to my class then go outside and continue your daydreaming like an idiot!" galit nitong ani habang minumwestra pa ang pintuan. Kilala pa naman ang professor na ito bilang isa sa mga mahilig mangbagsak sa mga past batches. 

"S-Sorry po, Ma'am," hinging paumanhin na lamang niya habang dinudungo ang ulo sa hiya. Never niyang naranasan na mapagalitan ng teacher dahil napaka-dedicated niya sa kaniyang pag-aaral. Nawala lamang talaga ang utak niya kanina sa klase dahil na rin sa nangyari kanina. 

Zynder must be angry with me right now . . . 

Bakit ba naman kasi napaka-OA niya?!

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ang dali niyang magselos at magtampo sa lalake. Sanay siya na wala siyang pakialam sa ginagawa nito. Naiinis pa nga siya kung kinukulit siya ng lalake ngunit nitong nagdaang araw ay siya pa ang naghahanap dito. Nagsimula lang naman iyon nang maging sila officially. Para bang nais niyang bakuran ang lalake dahil alam niyang maraming naghahabol dito. Natatakot rin siya na baka makahanap ng mas "better" si Zynder dahil sino ba naman ang gugustuhin ng ganitong relasyon katulad nila ngayon.

Who would be in their right mind and choose a relationship where you both need to act like "barkadas" because people won't accept your real relationship?

Alam niya at expected na niya na mapapagod rin si Zynder at maghahanap ng mas "normal" na relasyon. He bet that it would only take a few months and he would break-up with him by himself. 

Malakas siyang napabuntung-hininga at itutuon na sana ang atensyon sa board nang biglang may kumatok sa pintuan ng lecture room nila. Sabay-sabay napalingon ang lahat doon pati rin ang professor nila. Laking gulat naman niya nang makita si Zynder na nakatayo roon at nakangiti sa kaniyang professor.

"Professor Ganda!" masayang bati ni Zynder sa matanda nilang guro na nagpakunot ng noo niya.

Putang-ina naman, Louis! Pati ba matanda pagseselosan mo?!

Nais niyang batukan ang sarili ngunit bago pa niya magawa iyon ay narinig niya ang magiliw na pagsagot ng "terror" kuno na professor nila.

"My favorite student!" tuwang ani ng kanilang professor habang masayang nilapitan si Zynder sa may pintuan. Mas kumunot ang noo niya dahil sa naging reaksyon ng professor nilang never pa niyang nakitang ngumiti. "May I know to whom I owe the pleasure for your visit today?"

"Na-miss lang kita, Ma'am" pangbobola ng lalake na nagpataas ng kilay niya. 

The fuck?!

Parang gusto niyang batuhin ng notebook ang lalake ngunit hindi natuloy ang plano niya nang marinig ang sunod nitong sinabi. "Ma'am, favor lang sana . . . pwede ba maki-sit-in?"

Kita nila ang gulat sa mukha ng guro ngunit nang maka-recover ay tuwa itong umando at inakay pa si Zynder papasok ng lecture room nila. "No problem! Sino ba naman ako para hindian ang isa sa may-ari ng school na ito?"

"Ma'am naman! It's my dad, not me," humble na iling ng lalake ngunit napabagsak ang panga niya doon. 

"Go on, find a vacant seat." Nang marinig ang sinabi ng professor nila ay kinabahan siya bigla. Seryoso siyang napatutok kay Zynder at tila tatalon na ata ang puso niya nang makitang papalapit ito sa kaniya.

He can't sit next to me, may katabi ako.

Gusto niyang iiwas ang mga mata dahil kitang-kita na papunta sa kaniya ang lalake ngunit walang-hiya na tumayo si Zynder sa harapan ng table niya. He watched as the "innocent", good boy face of his suddenly turn into a murderous one while glaring at the guy sitting beside him. 

"Alis," tipid nitong utos ngunit puno iyon ng pagbabanta na para bang handa nitong bugbugin ang lalake kung hindi ito tatayo at aalis sa tabi niya. Syempre walang choice ang katabi niya kundi umalis doon at lumipat ng upuan. Ang mukha naman ni Zynder ay biglang naiba. From a murderer aura, he then turn into a golden retriever. "Hi hon," bulong nito habang nakangisi sa kaniya.

"What the fuck are you doing here?!" inis niyang bulong dito habang nakatingin sa professor nilang nagpatuloy sa pagdi-discuss.

Kaysa sagutin siya ay inagaw lamang nito ang notebook niya at may sinulat doon.

I miss you.

Napatikom ang bibig niya dahil doon bago tinignan muli si Zynder. He then saw him mouth those words again before smiling at him. Tila ba nag-evaporate ang lahat ng inis niya dito at bigla na lamang siyang kumalma.

"You're angry and it doesn't sit well with me," paliwanag nito habang nakatingin na sa harapan upang isipin ng iba na nakikinig ito sa lecture ng professor nila. "I don't know what I did wrong but I promise to make myself better for you. Hindi ko alam kung galit ka dahil sinundo kita kanina o galit ka dahil hindi kita pinakilala bilang girlfriend ko sa mga kaibigan ko. I just want you to know that I'm kinda blind here . . . I don't know what you want or what you expect for me but I'm trying. Sinundo kita kanina dahil akala ko malaya na tayong magkita since we can fool everyone into thinking that we're just good friends. Hindi kita pinakilalang girlfriend kina Collin kasi akala ko gusto mong itago ang relasyon natin mula sa kanila. I . . . I don't know if that's the reason why you're angry but I just wanna defend myself and say sorry. "

Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi habang pinapakinggan ang paliwanag nito. Nakaka-konsensya dahil ni isa sa sinabi  nito ay hindi tumama sa kinapuputok ng buchi niya. 

He was only insecure, that's it. 

Insecure siya dahil alam niyang malayang magpa-cute ang mga babae sa boyfriend niya at wala siyang karapatan na makipag-away sa mga ito. Insecure siya dahil wala silang choice ni Zynder kundi itago ang relasyon nila sa lahat. He can't introduce him to his friends and he can't introduce him to his parents. 

Insecure siya at nasasaktan niya si Zynder sa insecurity na iyon.

Mabilis niyang pinunasan ang luha na nagbabadyang tumulo mula sa kaniyang mga mata bago palihim na hinawakan ang kaliwang kamay ng lalake. Gulat namang napatingin sa kaniya ito ngunit mapagmahal lamang niyang pinisil ang kamay nito.

"I love you."

He whispered those words to Zynder before giving him a loving smile.

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon