Chapter 11

166 16 6
                                    

Napatigalgal si Louisa dahil sa sinabi ni Zynder. She was about to awkwardly laugh because she assumed that he was joking, but she bites back that laugh upon noticing that he wasn't kidding.

"Zy . . ." bulong niyang tawag dito. Ang kanilang mga mukha ay magkalapit pa rin at ang kanilang mga katawan ay halos di na mahulugan ng karayom.

"Hmm . . . ?" he mumbled in response before nuzzling his face in her neck. "Please say yes. Please, baby."

"Zy . . . parang ang bilis naman natin. We just met and-"

"I don't care," agad nitong putol sa kaniya. "I like you, and you're obviously attracted to me too. Why complicate stuff?"

Hindi niya alam ang dapat isagot sa lalake. Paano ba niya sasabihin ang tungkol sa sikreto niya? She can't just reveal to him that she was actually a guy. What would be his reaction if he finds out that he was making out with a guy and not the girl of his dreams?

Ayaw man niyang aminin ngunit hindi niya kayang lokohin ang sarili. Alam niyang mahalaga na para sa kaniya ang opinyon ni Zynder.

She just found herself wanting to please him. She would openly complain about "dates" with him and how she doesn't really wanna go, but she would also find herself panicking about the color of her lipstick and if it would compliment with her outfit. Lagi niyang binabara ang lalake at pinagmamalditahan ngunit siya rin mismo ang naghahanap sa presensya niyo sa tuwing hindi sila magkasama.

Natatakot siya.

Natatakot siya na kung dumating man ang panahon na malaman nito kung sino at ano ba talaga siya ay baka kamuhian siya nito.

Natatakot siya na mawala ang kung ano mang meron sila ngayon.

She likes this "giddy" feeling that she gets whenever he is near.

She likes hearing her name roll down his tongue in such a perfect way.

She likes whenever he would act like he owns her because he seriously does own her now. Heart, body, and soul.

"Yes."

Head blank and no coherent thoughts. She just blurted her answer without hesitation.

Mukhang hindi iyon inaasahan ni Zynder dahil agad itong natigil sa ginagawa. Mukhang ni hindi man naisip na sasagutin niya talaga ito.

"W-What . . .?" nauutal nitong tanong sa kaniya. "Did I hear you correctly?" Napabitaw ito sa pagkakayakap sa kaniya at tila di makapaniwalang tinignan siya.

"Gusto mong bawiin ko?" pagmamaldita niya ngunit iniwas niya rin ang mukha dito dahil na rin sa hiya. Talagang pangtataray ang naging taguan niya sa tuwing mamumula siya o kikiligin sa pinaggagawa ng lalakeng ito.

"Oh ny fucking God!" hindi makapaniwalang anas nito bago siya biglang tinalikuran ng walang paalam.

"Zy?" nagtataka niyang tawag dito bago mabilis na hinabol ito. Papalabas ang lalake sa waiting room at para bang may hinahanap. "Zy!" This time ay mas malakas ang pagtawag niya dito habang mas binibilisan ang paglakad.

"Where the fuck is my manager?!" sigaw nito habang aggressive na hinahanap ang lalakeng nag-assist sa kaniya kanina.

"Zynder! Nandito ako! Bakit?! May problema ba?!" Bigla namang sumulpot ang aligagang lalake na mukhang galing pa sa pakikipag-usap sa mga organisers.

"Let's start the fucking game." Nagulat siya nang sinimulan ng damputin ni Zynder ang mga gamit nito para sa laban.

"Zynder, we can't do that. Main event ka. Pinaka-last kang maglalaro," pagpigil ng manager nito sa lalakeng para bang handang makipagsuntukan sa kung sino mang hadlang sa nais nito ngayon.

"I don't fucking care! Let's fucking get this done!"

"Zy!" Napili na niyang mag-take over dahil para bang handang sumugod ang lalake para lamang matapos na ang laro. "Babe, calm down," mahinang ika niya habang hawak-hawak ang braso nito. Napakahina niyon ngunit mas mabilis pa sa alas-kwatro na nilingon siya ni Zynder.

"What did you say?"

"Nothing," patay-malisya niyang sabi bago mabilis itong tinalikuran. Hindi pa man siya nakakalayo ay kaagad naman niyang naramdaman ang presensya ng lalake na nakasunod sa kaniyang likuran. Palihim siyang napangiti dahil alam niyang panalo na kaagad siya.

"Hon . . ." tawag nito sa kaniya habang nakasunod pa rin ngunit hindi niya ito pinansin at dumiretso sa waiting room na pinasukan nila kanina. "Hon . . ." desperadong tawag nitong muli sa kaniya.

Nang tuluyan na silang nakapasok muli sa kwarto at nasigurado na niyang sarado ang pintuan ay mabilis niya itong nilingon at nilapitan. She stood right in front of him and then placed both of her palms on his cheeks. Hinila niya papalapit ang mukha nito sa mukha niya habang nakangiti. Ang cute nitong tignan dahil ang tangkad-tangkad nito ngunit kailangan nitong mag-stoop low para lamang magpantay silang dalawa.

"Listen here, Zynder Renato," strikta niyang lintanya habang nakatitig dito ng diretso. "I will agree to be your girlfriend if you promise to me that you won't get hurt later."

"I promise," walang-alinlangan nitong sagot sa kaniya.

"I don't want you to just win, I want you to come out as victor without any single scratch on that annoying-ass face. Kung may makita man akong isang pasa diyan sa pagmumukha mo then huwag ka ng umasa na sasagutin pa kita. Do you promise?" taas-kilay niyang tanong dito na para ba siyang teacher na nangle-lecture ng anak nito.

"I fucking promise," confident at walang-alinlangan nitong pangako sa kaniya.

Hindi na niya napigilan ang mga ngiti nang maramdaman ang paghigpit ng yakap nito sa kaniya. Halos magdikit na para bang may Mighty Bond ang katawan nila dahil sa lapit nila sa isa't-isa.

"Okay . . ." she said with a grin before leaning towards him and whispered, "Shut up and kiss me then, hon."

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang