Chapter 32

158 13 1
                                    

Everything went back to normal.

Iyon ang agad na pumasok sa isipan niya these past few days. Matapos ang nangyari sa birthday party ni Joseph ay agad namang nangulit si Zynder na umuwi na lamang daw sila ngunit pinigilan niya ito dahil sa nakainom ang lalake. Buti na lamang at sumunod si Zynder at nakuntento na lamang na makipag-cuddle sa kaniya sa kama hanggang sa makatulog ito. Maaga silang umalis sa resort at ni isa sa mga guest ay hindi sila inistorbo mukhang dahil na rin sa takot kay Zynder.

Ngayon nga'y balik uni na naman sila at ramdam na niya kung gaano kaingat ang mga tao kapag nariyan si Zynder. Si Joseph naman ay nabalitaan niyang nag-drop na daw at pinapunta ng mga magulang sa States. 

No one mentioned Joseph anymore as if he never really existed. No police came to arrest Zynder because of what he did. Even the university remained silent about the whole ordeal. It was kinda . . . scary?

Nakakatakot kasi kitang-kita na kaya ng sino man na itago ang maling nagawa basta may pera ito at koneksyon. 

Nag-aalangan niyang nilingon si Zynder at nakita itong nakatutok sa assignment na ginagawa. Free time nila ngayon at niyaya siya ng lalake na pumunta sa isang cafe para magpalipas ng oras. Ginagawa na nito ang assignment na binigay ng professor nito kanina. Ika ng lalake ay hindi nito gusto na ipaliban ang mga bagay na kaya naman nitong gawin kaagad. Siya naman ay pinaglihing tamad at busy lamang sa pag-scroll sa phone at pag-inom ng milk tea na nilibre ni Zynder.

Tinitigan niyang muli ang lalake at bahagyang napangiti nang makita ang makapal nitong kilay na nakakunot, mukhang nahihirapan sa ginagawa. "Mamaya na 'yan," he teasingly said before grabbing his tablet and putting it behind him.  Agad naman niyang nakuha ang atensyon ng lalake at napangiti naman ito sa ginawa niya. 

"I'm already done with that actually," he said while smiling at him. Taka naman niyang sinilip ang tablet nito at nakitang nasa home screen lamang iyon. Itatanong sana niya kung ano ang dahilan ng seryosong expression nito kanina ngunit naunahan na siya ng lalake. "Hon . . . do you wanna meet my brothers?"

Siya naman ang napakunot ng noo dahil sa biglang pang-aaya nito. "Y-You want me to meet them?"

"I mean . . . if you want . . ." Napakamot pa sa likod ng leeg nito si Zynder na para bang nahihiya pa. "I don't want to pressure you or anything."

"I would love to," nakangiti niyang sagot dito dahil para bang gustong-gusto talaga ni Zynder na gawin ang sinasabi, mukhang nahihiya nga lang talaga.

Matapos iyon ay sinuggest ni Zynder na doon na lamang siya makitulog sa bahay nito. Hihindi pa sana siya ngunit naunahan na siya ng lalake at nakapagpaalam na pala sa nanay niya. Ang gago ay naging close na pala sa nanay niya at minsan nga'y nakikipag-chat pa sa kaniyang ina. 

That explains how he got my baby pic! Ang pucha ginawa pang wallpaper ang uhoging baby pic ko!

After classes ay dumaan lamang sila sa bahay upang kumuha ng gamit niya bago dumiretso sa bahay nito. Ang nanay naman niya ay tuwang-tuwa na "barkada" niya si Zynder. Sabi nito ay para daw maging lapitin rin siya ng babae dahil gwapo ang kaibigan niya. Lingid sa kaalaman nito ay mismong "barkada" niya ang tagabakod niya.

Ang biyahe naman nila papunta sa bahay nito ay napakadali. Mga around 20 minutes nga lang ata from the uni. Nang makarating naman sila ay ginarahe muna ni Zynder ang sasakyan bago excited siyang niyaya sa loob ng bahay nito. 

His house was actually so huge, menacing even considering how wide it also is. Hinila siya ng lalake papasok dahil para pa siyang tanga na nakatingin sa bahay nito. Agad namang bumungad sa kaniya sa loob ay ang malaki nitong sala kung saan may isang batang lalake na nakaupo at mukhang may ginagawang assignment. Curious naman itong napatingin sa kaniya at sa kamay ni Zynder na nakahawak sa kaniyang braso. 

"Yohan, nasaan si Xav?" tanong ni Zynder sa bata habang tumitingin-tingin sa bahay at mukhang hinahanap ang isa pa nitong kapatid.

"Nasa kusina po, Kuya."

"Xav!" sigaw ni Zynder sa may kaliwang direksyon na sa tingin niya ay nasaan ang kusina. 

"Kuya?" Out of nowhere, an innocent-looking boy popped out of the kitchen, a fried chicken wing in his mouth.

"Tapos mo na ba ang assignment mo?" Nagulat siya nang marinig ang malamyos na tinig ni Zynder. Hindi na bago iyon sa kaniya dahil ganuon rin ang boses ni Zynder kapag nanglalambing sa kaniya. Naninibago lamang siya dahil hindi niya ma-imagine na makakaya ring gawin iyon ng lalake sa ibang tao. "It's hard, isn't it?" sagot ni Zynder sa sarili dahil nakanguso lamang ang kapatid nito na para bang sinasabing kaya nitong gawin ang lahat maliban sa assignment nito.

Mahina siyang napatawa dahil doon. The child named Xav seemed to be a Senior High School while the one named Yohan was surely a college student. 

"I'll help you with that later. First, I want you both to meet Louis first." Nagpagiya na siya kay Zy nang hawakan nito ang kaniyang likuran upang lumapit sa mga kapatid nito.

"Hi . . ." nahihiya niyang bati sa mga ito.

"Xav, Yohan, this is Louis. Louis, these are my brothers." 

"Hello po," mahinang bati sa kaniya ng lalakeng nagngangalang Yohan. 

"You smell like strawberries." Napaigtad naman siya nang marinig ang isang munting boses sa kaniyang gilid. Nilingon niya ito at nakita si Xav na naka-lean sa kaniya habang curious na inuusisa siya. "Are you my big brother's friend?"

Binuka niya ang bibig upang sagutin ito ng oo ngunit inunahan na siya ni Zynder sa pagsagot sa kapatid nito. "No, he's my girlfriend."

Sabay-sabay silang tatlo nina Yohan at Xav sa gulat na paglingon sa kuya nito. He really didn't expect him to declare their relationship without any holdback. Kinakabahan niyang tinignan ang mga kapatid nito ngunit nagulat siyang muli dahil balik-normal naman ang mga ekspresyon ng mga ito.

"Ah okay," walang-pakialam na sabi ni Yohan sabay balik sa ginagawa nito.

"Kuya, may project ako sa MELEC namin, penge pera," ika naman ni Xav habang hawak-hawak ang manok na kinakain sa left hand at ang right hand naman nito ay naka-extend kay Zynder.

Eh? Bakit parang hindi man lamang nagulat ang mga ito?

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Where stories live. Discover now