Chapter 35

199 12 3
                                    

"You wanna go out tonight?" rinig ni Louis ang mahinang pagbulong ni Zynder sa may tenga niya habang nakayakap ito sa kaniyang likuran. Maingat nitong hinalik-halikan ang bandang likuran ng leeg niya bago muling binaon ang mukha sa kaniyang balat.

"I'm tired . . ." inaantok niyang sagot dito habang pilit na pinipigilan ang sarili na makatulog. It was still early night and he doesn't want to waste his time with Zy by just sleeping, but he really can't stop his tiredness.

"Okay, you sleep tight there. I'll wake you up later for dinner," mahina nitong ani bago siya pinatakan ng isa pang halik sa noo. Maya't-maya ay naramdaman niya ang paglayo nito sa kaniya at pagtayo nito sa kama. Hindi na niya iyon masyadong ininda at hinayaan na lamang ang antok na hilahin siya. Pagod siya at tanging tulog lamang ang nais niyang gawin.

Mukhang talagang kailangan ng katawan niya na bumawi ng lakas sapagkat pagkagising niya ay madaling-araw na. He groggily sat up with his nest hair and looked around the room. Nagtataka siyang napalingon-lingon nang makita na wala sa loob ng kwarto si Zynder.

"Zy?" parang bata niyang tawag sa kawalan ngunit walang sumagot sa kaniya. Kahit nais matulog muli ay pinigilan na niya ang sarili at napiling tumayo upang hanapin ang lalake. Doon niya lamang napansin na pinalitan ng lalake ang kaniyang damit nang tinanggal niya ang comforter niya. 

He was already wearing a big shirt that he assumed was Zynders' and a blue boxer. Mabagal siyang naglakad sa may bathroom at tinignan kung nandoon ang lalake ngunit patay ang ilaw sa may cr. 

Nasaan kaya ang lalakeng iyon?

Maingat niyang hinila ang isang bathrobe sa may cr at sinuot iyon upang maitago ang katawan. Sunod niyang ginawa ay maglakad papalabas ng kwarto upang hanapin ang lalake. Thankfully, wala ng tao sa hallway dahil paniguradong tulog na ang mga ito. Wala siyang proper plan kung paano mahahanap ang lalake pero bahala na at baka makasalubong niya lamang ito.

He went down to the ground floor and looked around, looking for any sign of life. Kahit hindi si Zynder ang makita niya basta may mapagtanungan siya. The first floor was also quiet and dark except for a certain room at the very side of the house. 

Maingat siyang lumapit doon at kumatok bago unti-unting binuksan ang pintuan. Bumungad sa kaniya ang isang malaking home gym. Kumpleto ang mga kagamitan doon katulad ng dumbbells, adjustable bench, resistance bands, jump rope, stability ball, suspension trainer, cardio equipment and even a full-length mirror. 

Agad namang nahagip ng mata niya si Zynder na nagbubuhat ng mabibigat na dumbbells. Pawisan ito at bakat na bakat ang matipunong katawan dahil sa pawis na tumutulo sa katawan. Mukhang hindi nito narinig ang kaniyang pagkatok dahil nakaheadphones ito.

He doesn't want to interrupt him so he chooses to just sit down at one of the benches there. Dinalaw na naman siya ng antok kaya naman ang kaninang pag-upo niya ay napunta sa paghiga. It was a bit uncomfortable but hearing Zynder nearby made the place far more comfortable.

Nakatulog siyang muli at nagising lamang nang maramdaman ang mumunting halik sa kaniyang mukha. "Hmm . . ." he murmurred while scrunching his face from that tickly feeling.

"You should have told me you are here, I didn't notice you." Unti-unting bumukas ang kaniyang mga mata nang marinig ang boses ni Zynder na napakalapit sa kaniya. Bumungad sa kaniya ang mukha nitong paulit-ulit na dumadapat sa kaniyang mukha dahil sa walang tigil na paghalik nito sa kaniya. Bago pa siya makapagsalita ay maingat na siyang tinulungan ni Zynder upang makatayo. "Come on, let's eat dinner. Hindi na kita ginising kanina dahil mukhang pagod ka." Para siyang bata na ginabayan ni Zynder na maipulupot ang mga kamay niya sa leeg nito bago nito ginabayan ang kaniya namang mga binti upang pumulupot sa may waist nito. Pagod niyang hiniga ang ulo sa may leegan nito at hinayaang buhatin siya ng lalake papalabas ng gym. 

Ang bango-bango na nito at mukhang nag-shower muna bago siya gisingin. Nakabaon lamang ang mukha niya sa leegan nito kaya naman hindi na niya nakita kung saan sila papunta pero sa tingin niya naman ay sa kusina ang tungo nila. 

Mukhang tama naman ang hula niya dahil nang bahagya niyang binuksan ang mga mata ay agad niyang nakita ang pamilyar na lugar na iyon. Maingat naman siyang binaba ni Zynder sa may upuan bago nagsimulang initin ang mga ulam na iniwang nakatakip sa may lamesa. "You already hungry?" tanong nito sa kaniya habang nagsasandok ng kanin mula sa isang rice cooker.

"Hmm . . ." halos pabulong na sagot niya na lamang. Matapos ang ilang minuto ay natapos na si Zynder sa paghahanda ng hapunan nila. Agad naman itong tumabi sa kaniya ngunit iisang plato lamang ang nakahain sa harapan nila. Mukhang agad nitong nahalata ang pagtataka niya dahil agad siya nitong sinagot.

"Susubuan kita."

Hindi na siya umalma nang subuan nga talaga siya ng lalake. He thankfully chewed the food that he gave before remembering something. "Baka makita tayo ng mga kapatid mo."

"They're already asleep."

"Sana ginising mo na lang ako kanina."

"Nah . . . I want you to rest, mukhang pagod na pagod ka," ika nito habang nakangisi kaya naman nakurot niya ito sa inis. "Ouch!" reklamo nito ngunit tumatawa naman.

"Tang-ina ka talaga!" reklamo niya dito ngunit kalaunan ay napatawa rin siya. 

Matapos iyon ay pumulupot na naman ang mga kamay ni Zynder sa kaniyang bewang habang siya naman ay nagsimula ng kumain. Paminsan-minsan ay sinusubuan niya ito na mukhang kinakatuwa naman ng lalake. 

"I got a tattoo, hon," biglang ika nito na nagpagulat sa kaniya.

"Really? Where?"

"Here at my ankle," proud pa nitong sagot bago umusog ng kaunti upang maipakita sa kaniya ang paa nito. Curious naman siyang dumungaw sa ilalim ng lamesa upang tignan ang tattoo nito. Agad naman siyang nagulat dahil sa nakita. His tattoo was just a single letter . . . the letter L."

"L . . ." he murmured under his breath.

"Yeah, for your name . . ." Seryoso siyang napalingon muli sa lalake upang makita kung nagloloko lamang ba ito ngunit mapagmahal lamang na nakangiti si Zynder sa kaniya. ". . . Louisa." He felt another shock upon hearing the name that Zynder considered him to be. 

Dahan-dahan namang lumitaw ang ngiti sa kaniyang labi bago nag-ika, "I want one, too."

"Hmm . . .?"

"I want the letter Z on my ankle."

Mas lumawak ang ngiti nito sa labi dahil sa sinabi niya bago siya sinagot. "Whatever you want, hon. I'm all yours now."

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Where stories live. Discover now