Chapter 31

137 12 3
                                    

Nakatulala lamang siya habang nakatitig sa duguang mukha ni Joseph. Tila hindi na nga ma-register sa mga tenga niya ang mga sigaw nito habang paulit-ulit na nilalandas ni Zynder ang Swiss knife nito sa mukha ng lalake. Nanginginig siyang napatingin sa mga tao sa paligid at nakita ang nahihintakutang mga mukha nito na alam niyang kaparehas rin ng nararamdaman niya ngayon. Walang nagtangkang pigilan si Zynder dahil na rin sa takot na baka ang mga ito ang mapagbuntungan ng galit nito.

It was like witnessing a live murder or something. 

Kahit nais mapaluhod ay pinilit niya pa rin ang sarili na lapitan si Zynder at pigilan na ito. Baka kasi kung wala siyang gawin ay talagang saksakin na nito si Joseph. 

Nanginginig niyang hinawakan ang balikat nito at pabulong na tinawag, "Zy . . ." naiiyak niyang tawag dito na mukhang nagpatigil sa halimaw na nasa loob nito ngayon. Thankfully, he slowly stopped and finally stood up away from Joseph's bloodied face. 

Zynder loomed over Joseph's body, dark and frightening like a monster before throwing his Swiss knife towards him. "I want to see you try getting me into jail, del Rosario. You have all these people as your witness and this knife as evidence . . . tignan natin kung kakayanin mo akong kalabanin."

Matapos sabihin iyon ay walang-lingong umalis na si Zynder doon. Him, however, worriedly looked at Joseph for the last time and breath a sigh of relief upon seeing that he was still breathing. Nagsilapitan na rin ang mga kaibigan nito at agad itong tinulungan. Nang masiguradong buhay pa ito ay mabilis naman siyang tumalikod upang sundan si Zynder. Nahagip pa nga ng kaniyang mga mata ang seryosong mukha ni Ismael na nakatingin sa kaniya. Hindi na niya iyon ininda at patuloy na naglakad-takbo para hanapin si Zynder.

Ang bilis atang maglakad ng lalake dahil hindi na niya ito makita ngunit mukhang alam na niya kung nasaan ito. Dumiretso siya ng lakad sa tent nila. Wala siyang nakasalubong dahil mukhang ang lahat ay naroon pa rin sa may pavillion o baka siguro takot lamang ang mga itong lumapit kung nasaan sila. Wala na siyang pakialam sa iba, ang mahalaga sa kaniya ay mapakalma si Zynder.

The part of the beach where their tent were was only partially lit. Mukhang dahil nasa kasiyahan silang lahat ay walang nag-isip na magbukas masyado ng mga ilaw dito. He immediatelty noticed the soft flickering of a light from a lamp inside their tent. Alam na niya kaagad na naroon ang lalake. 

Kahit takot ay lumapit siya sa kanilang tent at unti-unting pumasok doon. Napatigil naman siya sa may labas nang makita ang nakatalikod na pigura ni Zynder na mukhang may kausap sa phone nito. His huge figure was casting a very threatening shadow inside their tent. Para bang binibigyan na siya ng babala ng mundo kung gaano nakakatakot ang lalakeng nasa harapan niya. 

"I almost killed someone, Dad." Agad siyang napatigil nang marinig ang pagsasalita nito. 

"And why did you do that?" sagot ng matandang lalake sa kabilang linya. The old man's voice from the phone was enough to make anyone quiver. Hindi na siya nagtaka kung saan nakuha ni Zynder ang nakakatakot nitong aura. Strangely enough, the old man was so unphased by what Zynder said. He sounded so casual and that scared him more. 

It was as if . . . it wasn't the first time.

"He disrespected what's mine . . ." sagot ni Zynder, mukhang hindi pa rin nito alam na naroon na siya dahil nakatalikod pa rin ito. "You told me when I was young that everyone are beneath me. You told me I could have anything and anyone and that you will take care of everything. Well, I just showed him his place  . . . that is under me."

A long silence enveloped the father and son before the old man sighed, "That's my boy,"
he proudly said. "Don't worry, I'll let Rodrigo take care of everything." 

Matapos iyon ay pinatay na ng matanda ang tawag at naiwan na siya doon mag-isa kasama si Zynder. Kung kanina ay takot siya, ngayon naman ay mas dumoble iyon. He just witnessed a conversation between a man who could easily kill him in one swipe and his father who would unhesitantly cover it up for his son. Alam niya kung gaano kalakas si Zynder mapa-physical man o sa estado ng buhay. Sometimes, when he hugs him, he has this nagging feeling that Zynder could easily snap his neck if he wants to.  Hindi maikukumpara ang mala-babae niyang pigura sa pang-MMA nitong katawan. Alam rin niyang kilala at maimplewensya ang pamilya ni Zynder. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na may iilang chain of malls and condominium ang pamilya nito. Nang naging sila naman ay doon na niya nalaman na supplier rin pala ng military-grade weapons at medical equipments ang pamilya nito.

He knew that just one flick of his thumb was enough to make someone disappear from the world as if that person never existed in the first place. 

Para bang tatalon ang puso niya paalis ng dibdib niya nang lingunin na siya ni Zynder. Ang kaninang madilim nitong aura ay agad na napalitan nang bigla itong ngumiti sa kaniya. Para bang hindi lamang ito galing sa pambabalat ng mukha kanina. Siguro nga ay iisipin niya ring walang nangyari kung hindi lamang duguan pa rin ang kamay ng lalake. "Kanina ka pa, hon?" casual nitong tanong bago akmang lalapit sa kaniya ngunit bahagya siyang napaatras dahil sa ginawa nito. Ang kaninang ngiti ay unti-unting nawala at tila ba lumungkot ito. "Are you afraid of me, hon?" Wala na siyang tiyansa na makaatras nang mabilis na lumapit sa kaniya si Zynder at nilukob ang magkabilaang pisngi niya gamit ang malalaki nitong kamay. He flinched upon feeling the cold, slimy blood from his palms. "Please don't get scared, I would never hurt you, hon. You're not scared of me, right?"

Nanginginig niyang hinawakan ang kamay nitong nasa pisngi niya pa rin bago ito inalo. "Hi-Hindi . . . Hindi ako takot sa iyo . . ." Kahit pa man alam niyang nagsisinungaling siya ay unti-unti pa rin niyang niyakap si Zynder at inalo. Mukhang na-satisfy naman ito sa ginawa niya dahil niyakap siya nito ng mahigpit pabalik bago inamoy-amoy ang tuktok ng ulo niya. Unti-unting bumaba ang mukha nito sa may leegan niya hanggang sa maramdaman niya ang munting halik nito sa isang partikular na pwesto.

Doon niya napagtanto na hinalikan nito ang maliit niyang sugat na ginawa ni Joseph kanina. 

That one, tiny cut that already healed itself because of how small it was, is the one that made Zynder go berserk and made him slash someone's face multiple times. 

Dahan-dahan niyang tiningala ang lalake at nakita ang nakangiti nitong mukha. There and then, he realized . . .

. . . this man can kill anyone for me.

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora