Chapter 40

86 3 0
                                    

"Sorry po . . . pero wala po si Kuya dito."

Malakas na lamang na napabuntung-hininga si Louis nang marinig ang sagot ni Yohan sa kaniya nang tawagan niya ito upang tanungin kung nasaan ang kuya nito. Zynder has been M.I.A. for 4 days already. Hindi ito pumapasok sa uni at hindi rin alam ng mga kaibigan nito kung nasaan ang lalake dahil wala daw itong sinabi na pupuntahan. 

Alam niyang galit ang lalake ngunit umiral ang pride niya at hindi ininda ang "silence" nito. Kahapon niya lamang nalaman na hindi pala ito pumapasok simula nang mag-away sila. 

"Uhmm . . . Yohan, thank you. Please tawagan mo ako if ever umuwi na ang kuya mo diyan ha." Matapos ihabilin iyon sa kapatid ng lalake ay binaba na niya ang tawag at frustrated na ginulo ang buhok. 

Hindi niya alam saan hahanapin si Zynder. Ni mga tawag at chat niya ay hindi rin nito sinasagot. Mamamatay na ata siya sa pag-aalala nang bigla niyang matandaan yung bahay na pinuntahan nila noon ni Zy. Remember niya ang directions ng pag-commute na tinuro sa kaniya ng isa sa mga locals doon. It was quite far pero kapag sumakay siya ng Point-to-Point bus ay mas mabilis daw siyang makakarating.

He just gave a lame excuse to his parents na doon siya makikitulog kina Zynder saka siya nag-pack ng iilang gamit bago mabilis na umalis papuntang bus station. It took him awhile but thankfully, he was able to locate the bus that he needed to ride. Mga ilang oras rin ang biyahe at kaysa makatulog ay gising na gising siya dahil na rin sa guilt na nararamdaman.

Alam naman niya at inaacknowledge niyang may mali siya. Masyado kasing understanding si Zynder sa kaniya at umabot na iyon sa puntong minsan ay nakakalimutan niya kung gaano kalaki ang pinagbago ng lalake simula ng maging sila. Minsan ay hindi na niya naiisip na isang malaking fuckboy si Zynder noon at kilalang-kilala bilang womanizer ng uni nila. Talagang nagbago lamang ito dahil sa kaniya na dumidikit. 

Iyon lamang ang tanging nasa kaniyang isipan buong biyahe. Mag-ga-gabi na nang makarating siya sa maliit na bayan na pinagdalhan sa kaniya noon ni Zynder. Buti na lamang at tanda na niya ang dinaanan nila nang makababa siya sa bus stop. From there, it was already easy for him to hire a tricycle to take him where the house is.

Agad naman siyang nagbayad sa driver nang ibaba siya nito sa harapan ng pamilyar na bahay. Malungkot siyang napabuntung-hininga nang matanaw niya sa hindi kalayuan ang matipunong pigura ni Zynder na nagsisibak ng kahoy. Nakahubad-baro ang lalake at kitang-kita ang tagaktak ng pawis sa buong katawan nito. Katabi nito ay ang malabundok na rami ng mga sinibak na kahoy na mistulang nagsasabing buong araw itong nandoon at walang ibang ginawa kundi magsibak.  

Kahit na nag-aalangan ay mabagal siyang lumapit at huminto sa may likuran ng lalake. "Zy . . ." halos pabulong niyang tawag dito. Hindi siya nito nilingon ngunit alam niyang narinig siya ng lalake dahil na rin sa pag-igting ng panga nito. "Hon . . ." malambing niyang tawag dito sabay tigil sa braso nitong akmang itataas ang palakol na hawak. Agad namang huminto ang lalake at binaba ang hawak ngunit hindi pa rin siya nito nililingon. 

Nanaig ang katahimikan sa pagitan nila kaya naman nagdesisyon na siyang magsalitang muli. "I'm sorry, hon . . . I'm sorry dahil sa pagiging insensitive ko. I'm sorry kung hindi ko man lamang naisip ang feelings mo. I know na hindi enough ang sorry ko para sa nagawa ko sa iyo-"

Bago pa man niya matapos ang sinasabi ay agad na binaba ni Zynder ang hawak na palakol at walang pakialam na iniwan siyang nakatayo doon habang ito ay naglakad papasok. Dinaanan pa nito ang hinubad na damit na nakapatong sa may branch ng isang puno. 

"Zy!" malakas niyang tawag dito bago mabilis na sinundan rin ito sa loob ng bahay. "Please! Just talk to me! Are you just going to run away from the problem?! Ganiyan na ba tayo?! Mag-iiwanan na lang ba tayo?! What the fuck is wrong with you?!"

Nahabol na niya ang lalake sa may sala at doon hinablot ang braso nito. Sa wakas ay napalingon na sa kaniya ang lalake ngunit hindi niya inasahan ang galit na makikita sa mga mata nito.

"What the fuck is wrong with me?" ulit nito sa sinabi niya. Hindi ito sumisigaw katulad niya kanina ngunit ramdam sa boses nito ang kakaibang aura na para bang magpapanginig sa kaniyang sistema. "Are you seriously asking me that?" pagak nitong tawa bago marahas na inagaw ang braso mula sa kaniyang pagkakahawak. "Do you know that I was never insecure before I met you? Huh? I am my father's favorite, I get what I want whenever I want it. I excel at all things and everyone naturally fights just to be near me. I was never fucking insecure not until I met you."

"Zy. . ."

"Fuck!" frustrated nitong sigaw na para bang napuno na ito sa lahat. "My heart and mind are so full of you that I can barely call it my own! Para akong tang-inang tuta na laging nakasunod para lamang mabiyayaan mo ng kaunting atensyon! Can't you just fucking look at things in my perspective, hon?! Sa tingin mo ba ang dali para sa akin mag-adjust? I never saw myself falling in love with a goddamn guy but fuck it! I never craved attention, until I tasted yours. Para bang mababaliw ako kung hindi sa akin nakalaan iyang tang-inang atensyon mo!" Nais niyang lapitan ang lalake ngunit umatras ito nang makita ang tangka niyang paglapit. "Can't you fucking see, hon? I am fucking insecure! I am fucking stressing over someone, who doesn't even ask if I'm fucking okay! Tang-ina! Nasasaktan rin ako!"

"Zy . . . I am sorry . . ." naiiyak niyang bulong habang sinusubukan muling lumapit dito. Thankfully naman ay hindi na gumalaw ang lalake at hinayaan siyang hagkan ito. 

"I am so fucking tired of fighting over your undivided attention. I am so fucking done with seeing all these girls fawn over you, knowing full well that I don't have the right to be angry. Hon . . . wala ba akong karapatang magalit at magselos? Kailangan ba na tanggap lang ako ng tanggap?"

"Zy, I'm so sorry . . . I'm really sorry . . ." iyak niya habang pahigpit ng pahigpit ang yakap dito. Mas lumakas ang iyak niya nang maramdaman ang kamay nitong maingat na sinuklay-suklay ang kaniyang buhok. "I'm sorry if I took you for granted. I'm so sorry if nasasaktan na pala kita nang hindi ko man lamang napapansin. I didn't mean to hurt you, I just became too comfortable with you to the point that I already disregarded what you are thinking."

"Shh . . . don't cry. Hindi na ako galit," alo nito sa kaniya bago hinawakan ang magkabilaang pisngi niya at pinatingin siya dito. His eyes were puffy and his nose was surely red. He looked up at Zynder's face and saw him smirking when he suddenly squeezed his cheeks as if playing with it. 

"Aray!" reklamo niya dito at pilit na lumalayo sa lalake ngunit nilingkis lamang nito ang kanang braso sa kaniyang beywang bago walang pasabing hinalikan siya.

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon