Chapter 9

162 13 4
                                    

The fuck?

Hindi makapaniwalang nakatitig si Louis sa kaniyang upuan habang ang mga classmate naman niya ay pinapanood ang reaksyon niya. Sino ba namang hindi magugulat kung may pagkalaki-laking bungkos ng bulaklak sa kaniyang harapan. She doesn't even need to think hard on who did this thing. Alam na niya kung sino iyon. 

"Motherfucking Renato!" sigaw-sigaw niya sa isipan bago inis na binuhat ang bungkos ng bulaklak at planong itapon iyon sa labas. Ano bang nasa isip ng lalakeng ito at naisip na bigyan siya ng bulaklak? Ok, she knew that it was for her "sister" but can't he use his brain and figure out that maybe people would assume that he was courting him instead. 

"Oh! Saan mo iyan dadalhin, bro?" tanong sa kaniya ng matalik niyang kaibigan na si Otis. Sumunod ito sa kaniya habang naglalakad siya papalabas ng lecture room nila. "Grabe na talaga mga fangirls mo. Noon ay sweets o di kaya'y love letters ang binibigay sa iyo pero ngayon ay halos ikaw na ang ligawan para pansinin ka lang."

"It's not for me," bad mood niyang sagot dito.

"Huh?" nalilito nitong ika. "If it's not for you, then para kanino iyan?"

Bago pa niya masagot ang kaibigan ay bigla namang lumitaw ang tang-inang lalake na nagngangalang Zynder at mabilis na lumapit sa kaniya. "Hey! Louis!" malakas nitong tawag sa kaniya. Masama lamang niya itong tinitigan habang papalapit ito sa kanila.

"You know him? The popular guy in the Business department?" biglang bulong ni Otis sa kaniya. "Close kayo?"

"Hindi!" agad niyang depensa bago binalik muli ang atensyon kay Zynder na nakatayo na sa kaniyang harapan. 

"Hey!" he greeted her with a smile. "I see that you've already seen the flowers. Can you please give it to your sister? Tell her that it's Zynder who gave it." Tang-inang, napaka-obssess na ba nito sa persona niyang si Louisa at para itong aso kung makaasta sa kaniyang "ate".

"Zynder! Kailangan na nating bumalik! Ang layo pa ng building natin!" bigla nilang narinig ang pagtawag ng isa sa mga kaibigan nitong lalake. Mukha itong namomroblema dahil na siguro sa katotohanang literal na nasa kabilang dako pa ng university ang building ng mga ito.

"Please, give it to her," huli nitong sinabi bago nagmamadaling sumunod sa mga kaibigan na mukhang tumakas pa upang mapuntahan lamang siya dito.

"Your sister?" nagtatakang tanong ni Otis. "Nililigawan ni Zynder ang ate mo? Sino sa kanila? Don't tell me si Ate Ysa? Diba madre na iyon?" 

"Tanga, hindi!" inis niyang sabi dito bago ito binatukan. ,abilis namang umilag ang kaibigan na mukhang alam na gagawin niya iyon. 

"Then is it Ate Emma? Diba may asawa at mga anak na iyon?" naguguluhan pa rin nitong tanong. "You cannot tell me that it's Ate Charlotte! Tibo kaya yun!"

"Tumahimik ka na lang at huwag na huwag mong ipagsasabi sa iba ang nalaman mo ngayon," banta niya dito. 

"Why?" hindi maintindihan nitong ika.

"Basta! And this one deserves to be in the trash!" inis niyang sabi bago padabog na tinapon ang bulaklak na hawak-hawak. 

Akala niya ay titigil na ang lalake ngunit araw-araw nito siyang kinulit. Nang mga sumunod na araw ay iba't-iba naman ang pinaglalagay nito sa kaniyang table para daw ibigay sa kaniyang "ate". Sometimes it would be chocolates or a hella big teddy bear. Lahat ng mga iyon ay pinagtatapon niya.

Dumating ang Sabado at gumala ulit siya for her night-out. Kakatapak lamang niya sa club ay kaagad namang sumulpot ang lalakeng pinaglihi sa kabute.

"Hi!" he devilishly grinned at her. 

"Get the hell away from my face. I'm here to have fun, don't spoil the night for me," pangunguna niya dito bago ito dinaanan. 

"Aw come one, hon! I miss you!" parang bata nitong protesta habang naglalakad kasunod niya.

"Shut up." Tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa isang bakanteng upuan. Agad namang sumunod ang aso sa kaniya at umupo rin sa katabi niya. Hindi niya ito pinansin bagkus ay nilibot ang kaniyang mga mata sa paligid. Kitang-kita sa peripheral vision niya na nakatitig lamang si Zynder sa kaniyang mukha. Nang hindi na niya iyon matiis ay nilingon na niya ito at inis na tinanong, "What?!"

"I have a kickboxing competition tomorrow," ika nito.

"And so? Anong kinalaman ko doon?" pagmamaldita niya sa lalake.

"Come with me, I need a lucky charm," panlalambing nito bago hinawakan ang kaniyang kamay at pinisil-pisil pa iyon. 

"Ayoko," she cold-heartedly said and took away her attention from him. Binalik niya ang tingin sa dance floor at pinanood ang mga nagsasayaw doon.

"Please . . . I want you to be there," mahina nitong ika bago pinatong ang ulo sa kaniyang balikat. Ang hininga nito ay ramdam na ramdam niya sa kaniyang leegan. "Please, hon. Come with me." he whispered before placing a quick kiss on her neck. Napaigtad siya dahil sa ginawa nito at bahagyang napalayo. 

Sa ginawa ba nito o sa sinabi nito?

"Tang-ina ka!" namumula niyang sigaw bago tumayo at plano sana itong iwan ngunit mabilis siyang hinawakan ni Zynder. Inis niya itong nilingon ngunit halos malusaw na ang kaniyang galit dahil sa mga titig nitong tila ba may nais sabihin. 

"I'm not joking, hon. I want you to be there," seryoso nitong ika. "And please don't leave so soon. I've been missing you for the entire week and you would just bail out on me like that."

Binitawan nito ang pagkakahawak sa kaniya upang siguro iparamdam sa kaniya na maaari siyang magdesisyon. He was giving her the choice to leave or not, but oddly enough, she slowly sat back next to him without any protest.

Nakita niya ang ngiting tagumpay nito at ang unti-unti nitong pag-usog papalapit sa kaniya. "God, I miss you," anas nito bago pinulupot ang mga braso sa kaniyang beywang at hinila siya papalapit dito. 

Hindi niya alam kung anong nangyayari sa sarili ngunit bigla na lamang siyang gumalaw ng walang pasabi at hinila ang mukha ng lalake. "Kiss me," she demanded or . . . begged? Hindi na niya alam basta ang alam lamang niya ay napangisi si Zynder sa sinabi niya at ito na mismo ang humawak sa kaniyang pisngi upang mahalikan siya ng malalim.

God, what am I doing?

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon