Chapter 7

176 16 1
                                    

Louisa heaved a heavy sigh while thinking about what they should use for the theme of the upcoming Founder's Day. Being the School's Vice President, she is one of those who is in charge of these kinds of school activities. Aaminin niyang minsan ay napapaisip na lang siya kung bakit ba niya tinanggap ang ganitong posisyon. In the back of her mind, she would always remind herself that it would be helpful for her CV. 

Gusto na nga niyang maiyak dahil sa rami ng iniisip tapos may dumagdag pa na isang tang-inang lalake. Louisa subconsciously caressed her lips while the memories of that night flooded her whole system. Nais niyang kalimutan na lamang iyon ngunit hindi mapagkaila ng kaniyang sarili na nasakop na ni Zynder Renato ang kaniyang isipan. Hindi siya makatulog dahil sa mga halik nito at kahit ngayon ay ramdam pa rin niya ang init na nanggaling sa mga haplos nito sa kaniyang katawan. 

Agad naman siyang namula dahil sa naisip kaya naman mabilis niyang winaksi ang mga imaheng pumapasok sa utak niya. Tinampal-tampal pa niya ang mukha upang magising siya ng tuluyan sa kaniyang panaginip. Nang na-satisfy sa ginawa ay muli siyang bumuntung-hininga ng malakas bago naglakad papunta sa Student Government Office. May meeting sila mamaya para na rin sa paparating na Founder's Day. Kahit pa man 2nd year pa lamang siya ay agad niyang nakuha ang posisyon niya sa Student Government bilang Vice President dahil kilala na siya sa buong university. Dito siya nag-aral simula pa Kinder hanggang ngayong College kaya naman halos lahat ng nagtratrabaho dito ay kilala na siya. Active rin siya academically kaya naman kilala rin siya ng ibang mga students lalong-lalo na ng mga ka-department niya. 

Malapit na sana siya sa office ngunit bigla niyang naramdaman ang sarili na maiihi kaya naman naisip niya munang dumaan sa comfort room. She looked at the signage of the door before hesitantly entering. Seriously naiilang pa rin siyang gumamit ng cr ng lalake ngunit wala siyang choice dahil ang alam ng lahat ay straight siyang lalake. 

Hindi sa pagbubuhat ng silya ngunit habulin siya ng babae dito sa university. Maraming nagkakagusto sa kaniya at hindi na bago sa kaniya kung may bigla na lamang magbibigay sa kaniya ng regalo o cookies. Little do they know, she has the same type as them.

Hindi tayo talo. Lalake rin gusto ko.

Iyan ang nais niyang ipagsigawan sa mga ito.

Palihim na lamang siyang napatawa dahil sa iniisip bago tuluyang ginawa ang dahilan kung bakit naroon siya sa cr. After peeing, she went out of the stall and went directly to the sink to wash her hand. Habang ginagawa iyon ay narinig niya ang pagpasok ng isang tao. Hindi niya pinansin iyon bagkus ay pinagpatuloy ang paghuhugas ng kamay. She was about to finish whatever she was doing, not until she heard the man standing behind her. Sumandal ito sa pintuan ng isa sa mga stall doon at pinanood siyang maghugas ng kamay. 

Ang weird naman nito.

Mas binilisan niya ang kilos at kumuha ng tissue sa dispenser upang tuyuin ang kamay. Akma na sana niyang itatapon iyon sa katabing basurahan nang biglang magsalita ang lalake.

"So this is what you've been hiding from me huh, hon?"

Napatulos siya sa kinatatayuan at tila ba tinutukan siya ng baril dahil sa naging reaksyon niya. Nanginginig siyang tumingin sa salamin at nakita ang repleksyon ng lalakeng bumabagabag sa utak niya buong araw. He was smirking while leaning on one of the stall. His hands were crossed as if showing his dominance against her. Even his form and presence alone made her feel suffocated. Para bang lumiit ang CR dahil sa presensya nito. 

"Zynder . . ." bulong niya sa sarili bago panic na nilingon ang kaniyang likod kung saan nakatayo ang lalake. 

"Hi, hon." presko nitong sabi bago unti-unting lumapit sa kaniya. 

How . . .? Paano siya nito nakilala? Hindi siya naka-make-up at wig ngayon.

"Ho-Hon? Kuya, you must have mixed me up with someone else." She tried her best to make her voice a little bit deeper. Hindi mahirap iyon sa kaniya dahil may iba siyang boses na ginagamit sa tuwing lumalabas siya bilang Louisa.

"I'm not an idiot, love. I recognized your scent from a mile away." He was smirking while saying that as if he was really confident that he was right. Pinagpatuloy pa nito ang paglapit sa kaniya kaya naman wala siyang choice kundi umatras hanggang sa maramdaman niya ang malamig na sink sa kaniyang likuran. She was about to go to the side and escape him but he quickly placed both of his arms at her side, encasing her on a hug-like jail. "Now tell me, why did you run away from me that night, hmm . . . ?"

"Hi-Hindi ko alam ang sinasabi mo . . ." She tried her best to maintain an absolute cluelessness about what he was saying. 

I'm not Louisa. I'm not Louisa. I'm not Louisa.

"Really?" Tila ba disappointed ito sa naging sagot niya dahil rinig niya ang lungkot doon. "Should I remind you about that kiss? How about a reinactment?" Matapos sabihin iyon ay hinawakan ni Zynder ang kaniyang baba at pinilig iyon papataas upang mapaharap siya dito. 

"Wait!" panic niyang sigaw habang hinahawakan ang magkabilaang braso nito. 

"Aamin ka na?" pilyo nitong tanong. "I know you're Louisa."

"I'm not . . . I'm not Louisa," pilit niyang ika. "She's . . . She's my sister!" Dahil sa pagpa-panic niya ay hindi na niya napigilan ang sarili at nasabi na lamang ang unang excuse na pumasok sa isipan niya.

"Oh . . ." tila disappointed na sabi ni Zynder habang unti-unting lumalayo sa kaniya. "But you smelled the same . . ." bulong nito sa sarili ngunit narinig pa rin niya iyon.

"It's because hindi ko napansin na ang pabango pala niya ang nadampot ko kaninang umaga. Na-spray ko na iyon sa sarili ko kaya dumikit sa balat ko ang amoy." Nais niyang tampalin ang sarili dahil sa katangahang lumalabas sa bibig niya. Wala siyang choice, mas okay na ito kaysa malaman ni Zynder ang katotohanan. 

"Oh fuck . . . I'm sorry." Kita niya ang frustration sa mukha nito. "It just that . . . you both looked the same," pagpapaliwanag nito sa kaniya. 

"Kambal kami . . ."

"Let me meet her," biglang sabi ni Zynder na nagpatalon naman ng kaniyang kaluluwa sa loob ng katawan niya. 

"Huh?" parang tanga niyang tanong dito at baka mali lamang ang narinig niya.

"Let me meet her this Saturday. Not on a club, but on a date . . . a real date. Tell her that Zynder is looking for her."

Oh shit . . . What have I gotten myself into?



My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Where stories live. Discover now