Chapter 25

175 12 2
                                    

Months passed and Louis can confidently say that his relationship with Zynder blossomed. Pinagpatuloy nila ang pagtatagong ginagawa ngunit hindi nila iyon masyadong ininda sapagkat nakikita pa rin naman nila ang isa't-isa bilang "kaibigan". His relationship with Zynder's friends were quite confusing. Napakabait ng mga ito sa kaniya sa tuwing nakadamit Louisa siya ngunit halatang may galit ang mga ito lalong-lalo na si Collin sa tuwing si Louis naman siya. Hindi pa naman alam ng mga ito ang sikreto niya ngunit mukhang iyon rin ang dahilan ng galit ng mga ito sa kaniya. 

Maybe because they assumed that he was taking away their friendship with Zynder. Ayos lang ang mga ito kung si Louisa ang kasama ni Zynder dahil ang pagkakaalam nina Collin at Ismael ay girfriend ito ni Zynder. Mukhang ibang usapan sa tuwing siya bilang Louis ang kasama ni Zynder. Syempre nagseselos rin ang mga ito sapagkat parang mas pinipili pa siya ni Zynder kaysa sa mga barkada nito. 

A girlfriend would be okay to take away his attention from them but definitely not another friend.

Ang sabi naman ni Zynder ay intindihin na lamang niya ang dalawa sapagkat matagal na ang mga itong kaibigan nito. Dahil sa natandaan ay binaling niya ang atensyon kay Zynder na kasalukuyang nagda-drive. 

"Do you think it's a good idea that I'm coming with you? I mean . . . sa pagkakaalam ko ay puro mga higher years ang kasama sa camping na ito. Baka magalit sila sa akin o di kaya'y ma-awkward," alala niyang tanong dito.

"Nah, you're worrying too much and besides hindi lang naman mga students from our department ang sumama. Sa pagkakaalam ko ay nagsimahan rin ang mga ka-department mo," alo sa kaniya ni Zynder habang ang mga mata ay nakatingin pa rin sa daan. Ang isang kamay nito ay hinanap ang mga kamay niya at mabilis na hinawakan iyon. Pinisil-pisil pa nito iyon na para bang pinapakalma ang kaba niya.

Sino ba namang hindi kakabahan kung bigla na lang sinabi ng lalake na ito na isasama daw siya nito sa planong camping ng mga barkada nito. Actually ay birthday ng isang lalake na taga-Engineering ang pupuntahan nila. His barkada was planning for a party until the birthday boy suggested that they do a sort of glamping or something. 

May pinapagawa daw na resort ang tatay nito at complete na rin sa mga amenities. Hindi pa nga lang open sa public dahil planong buksan iyon next summer. Agad namang kumalat ang balita tungkol sa party na iyon sa buong campus hanggang sa naging fifty na daw ang attendees. Ang mga sobra-sobrang guests ay inadvise na magdala ng sarili nilang tent habang sila naman ay mas na-priority at meron silang naka-reserve na glamping tent. Dahil rin iyon kay Zynder kaya nasa-VIP siya. Nagpumilit kasi ito na isama siya. 

Kinakabahan nga lang talaga siya dahil mostly sa magkakasama ay mag-jowa tapos itong lalakeng ito ay nagpumilit na magkasama sila sa tent. Natatakot siya na baka may maghinala sa kanila.

Ang kabang nararamdaman ay unti namang nawala nang hindi tigilan ni Zynder ang paghaplos sa kaniyang binti habang nagda-drive. Hindi na nga niya napansin na nakarating na sila kung hindi pa sila biglaang tumigil at nagpark. 

Mangha siyang lumabas habang nililibot ang paningin sa buong resort. The resort really did a good job in portraying what glamping is. The place offer comfortable accommodations and amenities. May full electricity, running water at malinis na bathrooms. Kaya nga nauso ang ganitong ideya dahil sa mga taong nais makasubok ng camping ngunit hindi kayang tiisin ang mga downside ng pagtulog sa labas. The place manages to achieve perfect harmony and balance between comfort and the great outdoors. Ang nakaganda pa ay kitang-kita sa di kalayuan ang mga naglalakihang tents na tiyak siyang tutulugan nila mamaya. Meron ring mga treehouses, cabins and RVs na dinisenyo upang maging hang-out places ng mga bisita. 

It was like a Bohemian paradise or something.

"My loves! Oh my to the G! You are dito rin pala! Kyaaahhhh!" Tila ba nawala ang good impression niya sa lugar nang marinig ang pamilyar na tili na ilang buwan rin niyang naiwasan.

"Maybel," he grumbled under his breath before glancing in the direction of the voice. Bago pa niya ito matignan ng maayos ay may biglang dumamba sa kaniya ng yakap at halos kumalong na sa kaniya. Aggressive nitong pinaghahalikan ang kaniyang pisngi habang parang kiti-kiti na gumalaw sa kaniyang harapan.

"Who's this?" Papalayuin na sana niya si Maybel sa kaniya nang bigla niyang madinig ang mababang boses ni Zynder. Agad niya itong nilingon at nakita ang nakakunot nitong noo. He looked like he was about to murder someone.

"Uhmm . . . Zynder si Maybel," pakilala niya dito habang pilit na tinatanggal ang mahigpit na pagkayakap sa kaniya ng babae. Pilit pa nga nitong hinahalikan ang kaniyang pisngi ngunit nilalayo niya ang mukha dito. 

"Maybel . . . si Zynder . . . kaibigan ko," ika niya nang sa wakas ay maitanggal na niya ang babae sa kaniya. 

"Huh?" parang tangang ani nito bago inusisa si Zynder mula head to toe. "Not really my type, mas gusto ko pa rin ang innocent kagwapuhan mo my loves!" tili nitong muli bago mahigpit na humawak sa kaniyang braso. 

Maybel was this rich, pabebe and conyo girl that has a huge crush with him. Lagi itong nagpapa-cute sa kaniya at binibigyan siya ng kung ano-ano. Minsan nga ay siya na ang naaawa dito dahil hindi nito alam na "he doesn't sway that way". Ilang ulit na niya itong binasted ngunit ang sabi nito ay "Gusto mo rin ako, hindi mo pa lang alam, my bebe loves!"

Lalake rin ang type ko beh . . .

Ang tahimik nitong dumaang mga buwan sapagkat may internship ang babae sa Canada. Hindi naman niya alam na nakabalik na pala ito at heto na naman na nanggugulo sa kaniya. 

Worried siyang tumingin kay Zynder nang sa wakas ay bitawan na siya ni Maybel dahil may nakita itong mga kaibigan na kakarating lamang. Maingay na tumakbo ang babae sa mga kaibigan at binati ang mga ito. Kung hindi niya lang alam na lalake ang may birthday ay aakalain niya talagang si Maybel ang may kaarawan ngayon. 

"Zy . . ." nag-aalala niyang tawag dito dahil halos padabog nitong kinukuha ang mga gamit nila sa may backseat. Tig-iisang bag lamang sila dahil uuwi rin naman sila bukas. Overnight lamang ang party na ito. Nanlumo siya nang hindi siya sagutin ng lalake bagkus ay padabog na sinirado ang pintuan ng sasakyan.

Kukunin na sana niya ang bag dito ngunit hindi nito hinayaang maagaw niya iyon. Naglakad lamang ito papalapit sa kaniya bago bumulong, "Better make that girl stay away from you or else . . . baka may mabugbog akong babae dito."

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Where stories live. Discover now