Chapter 30

160 11 1
                                    

Silence enveloped around the table. Ito kasi ang kauna-unahan na may natapat na boy to boy. Puro kasi girl at boy ang partners kanina. Well, may mga nagka-partner na babae na rin kanina pero tuwang-tuwa pa nga ang lahat dahil doon. Iba ang naging reaksyon ng lahat nang sila naman ni Zynder ang nagka-partner.

Awkward siyang napalingon-lingon sa mga taong kasama nilang maglaro at ang mga reaksyon nila ay para bang hindi maipinta ang mukha.

Hindi niya alam ang gagawin. Kung lalapit ba siya kay Zynder at hahalikan ito sa harap ng lahat o magde-demand na hayaan siyang magpaikot ng botelya muli. He was about to choose the latter but Zynder slowly leaned towards the table and flipped a card.

Mas lalong nagulat ang lahat nang makita na King of Hearts ang nabunot ng lalake. Ang barahang kanina pa inaasam-asam na makuha ng lahat lalong-lalo na ng mga lalake dahil katumbas niyon ay 12 minutes na make-out. Mabagal iyong nilapag ni Zynder sa harapan niya na para bang nagpapabida pa sa nabunot na baraha.

He sneakily looked at Zynder and saw him smirk before going back to his seat. He confidently leaned back in his seat and spread his legs as if saying that he was ready for him to get to his lap and make out in front of everyone.

Takot siyang napatingin dito ngunit nakangiti lamang ang lalake sa kaniya. Mas dumoble tuloy ang kaba na nasa loob ng puso niya.

Why are you so excited to make out with me while they are watching?!

Nais niyang isigaw iyon sa mukha ng lalake dahil talagang para siyang tuod dito na nakaupo at nagdadasal na kainin ng lupa.

"Uhmm . . ." awkward niyang panimula ngunit bigla naman siyang sinapawan ni Cassandra na mukhang ayaw sa sitwasyon na nangyayari ngayon.

"Okay! Why don't you spin again Louis? I mean . . . kissing with another guy is a big turn-off, right?" Nilakipan pa nito ng tawa ang mga sinabi habang tinitignan ang lahat na para bang nanghihingi ng suporta sa sinabi. The others seem to agree with her and simultaneously laugh alongside her.

Aaminin niyang kanina ay tutol na tutol siya sa paghalik kay Zynder ngunit nang marinig ang sinabi ni Cassandra ay para bang nabuhay ang lamang-lupa niya at nais patunayan na mali ito. Mas nakakainis pa ay ang walang-alinlangang pagsang-ayon ng lahat na para bang nakakadiring magmahalan ang dalawang lalake.

He was about to speak up but they all suddenly jumped up from their seats upon hearing a loud crash. Mabilis siyang lumingon sa pinanggalingan ng ingay na iyon at nakita ang basag na San Mig Light bottle na ginagamit nila sa laro kanina.

Nag-aalala siyang napatingin kay Zynder at nakita ang nagpupuyos sa galit nitong mukha. "Mga putang-inang isip-bata!" sigaw nito bago galit na tumayo at iniwan sila doon. Hindi nito ininda ang nagkalat na mga bubog at dire-diretso lamang umalis. Doon na niya na-realize na binato pala nito sa floor ang botelya.

Kung kanina ay natahimik ang lahat nang si Zynder ang naging partner niya, ngayon naman ay mas doble pa ang pagkakatahimik ng lahat. Tila ba walang nais gumalaw dahil sa takot.

Maya-maya ay naka-recover na si Cassandra sa gulat at awkward na namang napatawa. Mukhang nais ipa-lighten up ang sitwasyon. "Ahahahha . . . . Zynder is right . . . Our game is for kids, so sorry for that . . . I mean . . . we shouldn't played this stupid Bottle Game." hinging-paumanhin nito ngunit halatang nais mapaiyak dahil na rin siguro sa gulat kanina.

"No, Cassie!" malakas na tutol ng isang lalake. Napatingin siya dito at naka-recognize ang lasing na birthday boy na si Joseph. Napakunot siya nang tumayo ito at muntikan pa ngang matumba. Buti na lamang at nahawakan kaagad ito ng mga kaibigan. Nagulat naman siya nang bigla siya nitong duruin. "It's this wimpy kid's fault! Kanina ka pa namumuro sa akin!" Pagewang-gewang itong lumapit na nagpatakot naman sa kaniya. "Zynder changed ever since he started hanging out with you! You're such a fucking bad influence to him! Ikaw talaga ang dahilan kung bakit laging galit na sa amin si Zynder! I wouldn't be surprised if you are some gay-ass shit! Bakla ka siguro kaya ka dikit ng dikit sa kaibigan namin."

Before he could react, Joseph suddenly picked up one of the bottle's broken crystals and angrily threw it at his face. Huli na siya sa pag-iwas kaya naman may iilang bubog na dumaplis sa mukha niya.

"Seph!" rinig niyang sigaw ni Maybel at agad siyang dinaluhan. Sina Ismael naman ay mabilis na hinawakan si Joseph dahil parang may plano pa itong bugbugin siya.

"Bakit niyo pinagtatanggol ang baklang iyan?! Tang-inang mas maputi pa nga ata iyan sa inyong mga babae eh!"

"Bro, tama na. Lasing ka na," awat ni Ismael habang hinihila papalayo si Joseph.

Siya naman ay nakatagilid pa rin ang ulo dahil na rin sa shock na naramdaman.

"Sweetheart, okay ka lang?" alo sa kaniya ni Maybel ngunit tinabig niya lamang ang kamay nito at naiiyak na tumalikod at iniwan ang mga ito.

He felt so embarrassed. Wala naman siyang ginawang mali ngunit pakiramdam niya ay siya pa ang dapat mahiya.

Naiiyak niyang pinunasan ang matang nagtatangkang magtubig habang naglalakad pabalik sa tent nila ni Zynder. He was almost there when he noticed a man smoking at a dark part of his way. Hindi na niya sana ito papansinin ngunit bigla itong nagsalita.

"Why are you crying?" Agad naman siyang napatigil nang makilala ang boses ni Zynder. He smoked his cigarette one last time before extinguishing it.

"Why are you smoking?" balik na tanong niya dito habang sumisinghot pa. "You promised me that you won't smoke anymore," dagdag niyang paalala dito.

"Just calming myself, hon." he defended himself before walking towards him. Nang lumapit ito sa kaniya ay kaagad naman niyang nakita ang inis nitong ekspresyon. Mukhang hindi pa rin kumakalma dahil sa nangyari kanina. Aaluin na sana niya ito ngunit ang inis nito ay agad na napalitan ng pagtataka.

"What happened to your face?"

"Huh?"

"Your face," mariin nitong ulit bago maingat na pinagilid ang kaniyang mukha upang makita ang kaliwang pisngi niya. "You're fucking bleeding!" bigla nitong sigaw na nagpagulat sa kaniya. Zynder used his finger to wipe the blood from his face and true enough, he seems to got a little cut from Joseph's outburst earlier.

He was contemplating whether to tell Zynder but he suddenly realized that it would be better if the story came from him and not from others. Para iwas dagdag-bawas na rin sa totoong nangyari. "Lasing kasi si Joseph kanina. Hindi naman niya sinasadya-"

Hindi pa nga siya natatapos ay kaagad siyang tinalikuran ni Zynder at naglakad pabalik sa pavilion kung saan sila naglalaro kanina.

"Zy!" panic niyang tawag dito ngunit para bang hindi siya naririnig ng lalake. "Zy!"

Lakad-takbo siyang sumunod sa lalake upang pigilan ito ngunit ang bilis nitong maglakad. Idagdag pa na ang dilim sa dinadaanan nila kaya naman hindi talaga siya maka-keep up sa bilis nito.

Nakabalik siya ng pavilion ng matiwasay ngunit mukhang may panibagong kaguluhan na naman. Nagtatapukan ang lahat sa may table nila kanina at mukhang may nag-aaway doon. Mabilis naman siyang lumapit doon at nakipagsiksikan sa mga nanonood.

Agad naman siyang nagulat nang makita ang duguang mukha ni Joseph na nakahiga na sa sahig. Nasa taas nito si Zynder na hawak-hawak ang kwelyo ni Joseph habang nakatutok ang isang Swiss knife dito. Mas lalo siyang nagulat at nahintakutan nang ma-realize na ginamit ni Zynder ang Swiss knife nito sa mukha ni Joseph. There was a long cut on Joseph's face, starting from his left eyebrow down to his right cheek.

"Come on, matapang ka diba? Tumawag ka ng pulis," Zynder mockingly said while drawing the knife across Joseph's left cheek. Nahindik siya nang marinig ang sigaw ni Joseph dahil sa ginawa ng lalake. Kahit ang mga taong nanonood ay halatang natatakot na rin. Ang mga babae ay nagsiiyakan na rin. "I could fucking kill you in front of these people right here and right now, del Rosario, and no one would fucking help you. Magsumbong ka man sa mga magulang mo ay alam mong wala silang magagawa laban sa akin. Subukin natin ang tapang ng angkan mo, laban sa apelyido ko."


A/N: Thank you nga pala kay bervemno for telling me na nasa kabilang book ko na-publish yung update ahahhahaah. Thank you!

My Sin In His Past (The 3rd Book of "In His Past" Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon