WC #10: Library

77 1 0
                                    

Chapter X

Tahimik sa labas at tanging tunog ng kapaligiran lang ang naririnig. Tanghali pa lang pero gusto nang umuwi ni Maddison para humilata sa kama at pumikit. Magkasabay maglakad sina Maddison at Ryker pero hindi gaanong magkatabi. Kung pagbabasehan ang distansya ay kasya pa yata ang tatlong tao sa gitna nila.

Walang pa ring imik si Maddison. Lagi silang tahimik ni Ryker at bihira lang mag-usap pero kapansin-pansin ang kakaibang katahimikan ngayon. Ramdam niya ang bigat na hindi niya alam kung saan eksaktong nagmula.

Maybe it's because of the almost "kiss". Maybe he felt sorry for pushing me hard against the wall but can't apologize. Or maybe I'm still bothered with that fucking kiss. Ba't nga ba ako apektado? sa isip-isip ni Maddison.

Buhat sa mansyon hanggang sa tirahan ni Maddison, hindi nawala sa isip niya ang nangyari. Nag-o-overthink pa siya dahil bigla na lamang napagpasyahan ni Ryker na ihatid siya hanggang sa bahay.

'Wala namang sinabing bawal ang office romance at mas lalong hindi naman opisina ang pinagtatrabahuan ko,' dagdag pa ni Maddison at halos paluin na ang sarili. Kung nababasa lang ni Ryker ang isip niya, malamang namumula na siya sa sobrang hiya ngayon.

Pagdating nila malapit sa bahay, naabutan niya si Marigold na nasa labas ng pinto habang karga ang isang sanggol nasa isang taong gulang, si Tammy. Balingkinitan ang pangangatawan nito, morena, maiksi ang itim na buhok, at mahaba ang kuko. Nakasuot ito ng shorts at maluwag na pulang damit, at tsinelas. Nasa mismong pintuan naman si Bianca habang inaaliw si Tammy.

"Dito na ako, Ryker. Salamat sa paghatid. Ingat ka pauwi," pagtigil ni Maddison at humarap kay Ryker. Tumango ito at saglit na sumulyap sa bahay niya bago umalis.

"Maddy!" bungad ni Marigold at hilaw na ngumiti.

"What's up?" walang ganang pagbati ni Maddison.

"Sino yung gwapong lalaking kasama mo, 'te? Akala mo 'di namin mahuhuli, ah," pagngisi ni Bianca.

"Boyfriend ko."

Napanganga si Bianca at bumakas sa itsura ang pagkamangha. "Naks, mukhang yayamanin!"

"Kaya nga. 'Wag mo na pakawalan. Paano mo nasungkit ang ganoon? Advice naman, lods. Gamitan ko lang ng charms si boss," paggatong ni Marigold.

"Gaga, may asawa ka na! Atsaka magsitigil na nga kayo." Lumingon-lingon si Maddison sa paligid at noong nakita niyang maraming taong nakapaligid, nilaksan niya ang boses niya para sa susunod na sasabihin. "Mahirap lang 'yon, oy! Ni wala nga siyang trabaho."

Totoo ang pangalawang sinabi ni Maddison pero isang malaking kasinungalingan ang nauna.

Bago pa sila makapag-react ay tinulak na niya sila papasok sa loob. Isinara niya ang pinto bago umupo sa sofa.

"Akala ko ba may golden rule tayong bawal mag-asawa kapag wala pang pera?" pahabol na tanong ni Bianca.

"Paano kung sa kaniya mismo manggagaling ang pera? Mag-aasawa para magkapera," biro ni Maddison at nag-apir silang magkapatid. "Charot, hampaslupa ang taong 'yon kaya wala kang aasahang pera."

"Boyfriend mo talaga? Meron ka na pala, 'di ka man lang nagsasabi. Parang di pamilya," pakli ni Marigold at ibinigay kay Bianca si Tammy para malaro nito ang sanggol.

"Bakit, ate? Nung nabuntis ka ba, nagsabi ka agad? Kung 'di ka nga lang nahuli ni nanay, baka napalaglag mo na yung sanggol," resbak ni Maddison at umirap. Matagal nang nabaon ang isyung iyon pero paminsan-minsan ay naaalala pa rin niya, lalo na kapag ramdam niya ang responsibilidad na napunta sa kaniya buhat noong bumukod ang ate niyang si Marigold.

Winged ChaosUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum