WC #21: Hero

42 0 0
                                    

Chapter XXI

It's almost midnight. Halos mabaliw na si Maddison sa pag-iisa sa madilim at maliit na basement. Kasama niya ang patong-patong na kahong nakaselyado na lumitaw sa panaginip niya dati. Gusto niya sanang silipin ang mga ito pero hindi niya magawa dahil wala siyang matatakbuhan kung sakaling hindi niya magustuhan ang laman ng mga ito.

Napakabilis ng pangyayari. Parang dati lang gusto niyang matulad sa ate niyang si Amity para mahalin din siya ni Ryker pero ngayon binabawi niya na. Ayaw na niyang matulad dito na nabiktima ng maling pag-ibig. Sa kasamaang palad, mukhang matutulad siya rito maya-maya lang.

Bumuntong hininga siya at tumitig sa screen na nasa harapan niya. Kasalukuyan siyang nagtitingin ng mga folder sa laptop ni Prince. Dito naka-save ang lahat ng burador ng thesis na pinaghirapan nilang gawin kahit hindi sila magkagrupo. Kahit siya lang ang makikinabang dito. Ayaw niya sanang magpatulong dahil ayaw niyang magmukhang bobo na nagpapaturo sa mas bata sa kaniya pero wala na siyang nagawa nung natambakan siya nang natambakan nang gawin. 

Para hindi magkaroon ng utang na loob, sa bawat paggawa nila ng thesis ay nililibre niya si Prince ng meryenda. Medyo magastos pero mas ayos na iyon kaysa bumagsak siya dahil sa isang subject.

Bukod sa mga dokumento ay naka-save ang ilang mga litrato nilang dalawa sa iba't ibang okasyon. Kaunti lang ito at mabibilang sa daliri dahil pinapabura niya kay Prince kapag biglaan siyang kinukuhanan ng litrato  dahil sa hiya. Pero ngayon, tinitingnan na niya ang bawat litrato na para bang ito ang pinakamaganda sa lahat ng nakita niya. Nakakatawang isipin kung gaano kabilis nagbago ang pagtingin niya sa mga bagay-bagay dahil sa sitwasyong kinasasadlakan niya.

Wala mang ideya sa susunod na mangyayari, ang laptop ang naging daan ni Maddison para kahit papaano ay makatiis pa siya sa ganitong sitwasyon. Para mabawasan ang lungkot at hindi niya maramdaman ang pag-iisa.

Kahit pa sabihing mahal niya si Ryker, sobrang espesyal ni Prince sa kaniya. Kung mamamatay nga siya ngayon ay isa ito sa kakaunting taong gusto niyang makita.

"How I wish Prince was here," bulong ni Maddison sa hangin na tila naghihintay ng himala. Tinanggal niya ang lahat ng apps at tinitigan ang wallpaper. Ilang sandali lang ay nagkaroon agad siya ng ideya. Hinanap niya ang litrato sa laptop para i-edit. Wala siyang binago rito bukod sa paglalagay ng maikling caption na galing mismo sa puso niya. Iyon ang ipinalit niyang wallpaper sa laptop bago ito isara.

Saktong pagsara niya ng laptop, nablangko ulit ang utak niya at nawalan ng buhay ang mga mata. Kung titingnan ay para na siyang zombie. Itinabi niya ang laptop at dumukdok sa lamesa. Bagamat nakapikit ang mga mata, bukas pa rin ang pandinig niya. Akala niya ay mahihintay niyang sumapit ang hatinggabi pero dala ng pagod, mabilis siyang nakatulog.


Nagising  si Maddison dahil sa kaluskos na narinig niya. Sinundan pa ito ng pagpihit ng seradura at pagbukas ng pinto kaya napaangat siya ng ulo.

Tumambad sa kaniya ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng Zorro na damit, kasama ang kapa at maskara. May nakasabit sa likod nito na isang malaking itim na backpack.

Nagsalubong ang mga kilay niya habang kinikilala ang taong ito. At nang tanggalin nito ang maskara, nanlaki ang mga mata niya at nagising ang diwa.

"P-Prince?"

"Maddy!"

Mabilis na tinanggal ni Prince ang malaking backpack at tumakbo pababa ng hagdan para salubungin ng mahigpit na yakap si Maddison. Isang yakap na panandaliang nagpakalimot kung nasaan sila ngayon. Isang yakap na nagpabuhay sa loob ni Maddison.

Nang magkahiwalay ay hinawakan ni Prince ang magkabilang pisngi niya at kinilatis ang kabuuang itsura niya ngayon. "A-Anong nangyari sa'yo? Anong ginawa ng gagong yun?" 

Winged ChaosWhere stories live. Discover now