WC #12: Chest

55 1 0
                                    

Chapter XII

That one magical night was like a dream for Maddison, especially the kiss. The kiss with Ryker, it was her first kiss. It was spontaneous, sweet, and innocent. It's unforgettable for her. Dito niya rin nakumpirmang may gusto ito sa kaniya. At dito niya rin hinayaang magkagusto siya sa hindi niya kauri. 

Noong  nalaman niyang bampira si Ryker, nagkumpirma ito sa pamamagitan ng paglipad sa kaniya sa kalangitan. Lumipad sila hanggang makarating sa mansyon at pagdating doon, nag-usap sila nang maayos. 

Inamin nitong wala na itong natitirang kamag-anak at ninuno, na ito na ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng ari-arian. Sinabi rin nitong handa nitong ibahagi ang lahat sa kaniya basta manatili silang magkasama. Siniguro niyang magiging ligtas sila kung papanatilihin niyang sikreto ang nalalaman niya at pumayag naman siya. 

"Ikaw ba yung nakita ko sa bintana ng kwarto ko? Umamin ka," isa sa mga tanong ni Maddison nang makarating sila sa kwarto. Nag-aya si Ryker na magkasama na lang silang matulog para mabantayan niya ito.

"Oo, ako 'yon," pag-amin ni Ryker.

"Ba't mo ako pinuntahan?"

"Dahil sa takot na hindi ka sumipot sa tagpuan natin. Kailangan kita rito, Maddy," sagot nito at hinila siya pahiga sa kama, sa tabi nito. She felt secure and felt so much love at that time.

And right after that moment, every night became a fairytale for Maddison. Lagi na silang magkatabi sa hapag-kainan. Gabi-gabi na rin silang magkasamang matulog at hindi na siya inuutusan nito. Pero dahil sa tingin niya ay hindi niya iyon deserve, nagkukusa pa rin siyang kumilos at gumawa ng mga gawaing bahay. 

Isang tanghali, pagkatapos kumain at magligpit, sumunod si Maddison kay Ryker na dumiretso sa silid-aklatan na nasa ikalawang palapag ng mansyon. Medyo maliit lang iyon kumpara sa ibang silid pero napalilibutan ng bookshelves at hindi mabilang sa daliri ang mga libro. May isang mahabang lamesa roon at apat na magkakahiwalay na upuan. Tahimik itong umupo sa isa sa mga iyon.

Sa kabilang banda, bumalik siya sa bodega para kumuha ng dustfeather at pamunas. Gusto niyang maglinis dahil napansin niyang maalikabok na ang ibang mga libro at ang pader. Pagbalik niya sa silid-aklat ay nadatnan niya si Ryker na nagbabasa ng isang libro.

"Anong binabasa mo?" tanong ni Maddison at lumapit para tingnan ang libro. Napataas ang dalawa niyang kilay nang makita ito. "Oh, nagbabasa ka pala ng romance novel. Hopeless romantic rin pala ang mga bampira."

He just nodded and skipped some pages.

"Ba't ka nag-s-skip? Nabasa mo na ba 'yan?"

"Oo," mabilis nitong sagot at hindi manlang kumurap.

"Maganda ba? Anong kwento? Baka pwede kong i-recommend sa kapatid kong si Bianca. Mahilig 'yon sa mga pocketbook ngayon."

Sa halip na sumagot, tumayo si Ryker at idinampi ang labi sa noo ni Maddison. "This."

Natameme si Maddison at nakaramdam ng kilig. Tumikhim siya at at nag-iwas ng tingin para itago ang namumulang mukha. Hindi na siya muling nagtanong at naglinis na lang ng silid-aklatan.


Kinagabihan, si Maddison sa malaking bintana na nasa kwarto ni Ryker. Nakita niya ang half moon at ang magandang tanawin sa labas ng mismong mansyon. Payapa rito at nakakakalmang pakinggan ang huni ng mga ibon, agos ng ilog, at pagaspas ng dahon. Malayong malayo ito sa lugar na kinalakhan niya kung saan maingay ang paligid at walang katahimikan. 

"Maddy."

Napalingon si Maddison dahil biglang may magsalita mula sa likuran niya. Halos atakihin siya sa puso nang makitang halos tatlong dangkal lang ang pagitan nila ni Ryker sa isa't isa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na abot-kamay na niya ito at hindi na lang siya hanggang tingin. Bumilis ang tibok ng puso niya at na-starstruck dahil sa awrang hatid nito sa kaniya. Nakasuot ito ng pajamas na hindi nakabutones ang pinakataas at medyo magulo ang buhok.

Winged ChaosWhere stories live. Discover now