WC #4: Fortune

81 1 0
                                    

Chapter IV

"May trabaho na rin pala ang anak ni Pareng Lito," pagbabalita ni June sa sariling mga anak habang magkakasabay silang kumain ng hapunan. Mayroong kaning nasa maliit na kaldero, ilang pirasong galunggong, at adobong saluyot sa lamesa na niluto ni Madeline kanina bago dumating ang ama nila.

"Sino, tay? Si Choco?" tanong ni Jerome at kumuha ng isa pang isda kaya dalawa na lang ang natira. Kinuha niya rin ang pinutol na ulo ng isda ni Zachy na hindi nito kinakain. 

Lucky him, sa isip-isip ni Maddison habang tahimik na kumain at pasimpleng nakikinig sa usapan. Hindi niya maiwasang mainggit at ma-pressure dahil kilala niya ang taong tinutukoy nila. Ito yung isa sa mga kalaro niya nung kabataan na mas bata ng apat na taon sa kaniya. Naalala niya pang isip-bata ito noon at mahilig lumabas kasama ang barkada. Nalaman niya na lang din isang araw na sa paglabas-labas ay nakahiligan nitong manood ng barkada o ibang tao sa pag-aayos ng makina ng sasakyan. Nawili ito kaya ngayon, marunong na rin itong magkumpuni na naging dahilan para ito na rin ang maging raket nito.

"Oo. Magkasunod kami kanina sa pila sa terminal ni pare. Sabi niya nagme-mekaniko na raw si Tonyo at kung saan-saan na nakakarating."

"Nice," tanging komento ni Jerome at nagpatuloy na sa pagkain. 

"Ikaw, Maddy? Musta yung mga na-apply-an mo? Nakapasok ka na ba?" panghihingi ng update ni June.

Natigil sa pagkain ang lahat, maliban kay Zachy, at napatingin sa kanina pang tahimik na si Maddison. Namuo ang tensyon sa loob niya at hindi malaman kung anong isasagot. Hindi niya pwedeng basta sabihing umatras siya sa trabaho dahil sa mala-horror movie na tumatakbo sa isip niya nung nakita niya ang pababang hagdan. Takot siyang mapagtawanan ng pamilya niya at masabihang tanga.

"Ano bang trabaho yung papasukan mo, ate? Konduktor?" inosenteng tanong ni Bianca sa kaniya na katatapos lang kumain. Sa kanilang lahat, ito ang pinaka-pihikan sa pagkain. Hindi ito ganoon kahilig sa isda. 

"Hoy, 'wag mong maliitin ang mga konduktor, ha," iritang sagot ni Maddison.

"Hala, may sinabi ba ako, ate? Nagtatanong lang naman ako. 'Yon ang unang pumasok sa isip ko, eh," depensa nito.

"Tss."

Nagsalubong ang mga kilay ni Bianca. "Ang weird mo, ate. Stressed 'yan? Walang makuhang trabaho?"

"Oo nga, Ate Mads. 'Di ka na nagbalita sa'min. Wala bang  tumanggap sa'yo kahit isa?" tanong pa ni Jerome.

"M-Meron," pagsisinungaling ni Maddison at binilisan ang pagkain.

"Ha?"

"Meron kaya 'wag na kayong mag-alala."

"Anong trabaho mo?" usisa ni June.

"Assistant, 'tay. Pero 'wag kayo, sabi ng amo ko ay mataas daw ang sahod ko.," pagmamalaki ni Maddison kahit sa loob-loob ay sinusumpa na niya ang sarili niya dahil sa pabago-bagong desisyon. Parang kanina lang ay nangako na siya sa sarili niyang hindi na babalik sa weirdong mansyon na iyon tapos ngayon ay humihiling na naman siyang magkrus ang landas nila ni Ryker.

"Assistant pero mataas ang sahod? Paano nangyari 'yon?"

"Yayamanin ang boss ko."

"Ano bang trabaho ng boss mo para kailanganin pa ng assistant?"

"Ah, uhm... 'di ko pa po natatanong kasi first day ko lang nung isang araw."

"Baka naman ilegal yan, ate. Parang nagtatapon lang siya ng pera kasi mabilis niya lang 'yong nakukuha," pagsingit ni Bianca sa usapan. "O kaya baka literal na dugo't pawis mo ang kapalit kaya mataas ang sweldo."

Winged ChaosNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ