WC #13: Laptop

48 1 0
                                    

Chapter XIII

Buong umaga ay hindi mapakali si Maddison. Iniisip niya kung anong meron sa baul at ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Ryker. Iniwan siya nitong mag-isa sa mansyon at hindi manlang nagsabi kung saan pupunta at kung anong gagawin. Tanggap niya namang mali siya noong pumasok siya sa silid na iyon nang walang paalam pero hindi niya inakalang darating sila sa ganitong punto.

Kahit may kalayaan siyang balikan ang baul ang tiningnan ang laman nito para matapos na ang pag-o-overthink niya, hindi niya iyon ginawa. Tama na ang kapangahasang ginawa niya kahapon at wala na siyang balak ulitin iyon. Kung pwede nga lang siyang magsulat ng isang daang, "Sorry, Ryker. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko." ay gagawin niya para mapabalik lang ito kaso alam niyang hindi nito magugustuhan ang bagay na iyon dahil masyado na itong matanda, literal.

Tumambay siya sa kwartong nakalaan sa kaniya. Gusto niya sanang bumawi kay Ryker sa pamamagitan ng paglilinis ng buong mansyon kaso alam niyang hindi niya kaya at aabutin siya ng siyam-siyam bago magawa iyon. Isa pa, natuto na siya sa ginawa niya kaya ayaw na niyang magtangkang mangialam ng gamit.

"Sorry, Ryker," bulong ni Maddison sa hangin habang nakatitig sa walang buhay na kisame. Nakahiga lang siya sa kama at nakapatong ang mga kamay sa tiyan. Pagod na ang mga mata niya kakatitig pero hindi niya magawang matulog dahil sa lalim ng iniisip. Ang bilis ng mga pangyayari. Sa sobrang bilis ay hindi niya namalayang hindi na lang basta amo si Ryker kundi isang taong pinagkakatiwalaan niya at minamahal.

Medyo matagal siyang tumambay sa kwarto hanggang matanto niyang wala siyang napala sa kakatitig sa kisame at kakahintay ng himala. Bumangon siya at nagpalit ng preskong damit. May bulsa ang sinuot niyang shorts kaya inilagay niya roon ang keychain at ang susi. Pumunta siya sa hardin para lumanghap ng sariwang hangin. 

Pumwesto siya sa isa sa mga upuan sa ilalim ng puno at nagmuni-muni, iniisip kung ano ang gagawin niya sa mga susunod na oras o araw na wala ang amo niya. Sumagi na sa isip niya ang pag-uwi pero hindi niya alam ang daan pabalik kaya tinanggal na niya agad ito sa listahan.

"Ryker? Ryker!" sigaw ni Maddison nang matanaw ang pagbukas ng tarangkahan at pagpasok ng isang lalaki sa loob ng mansyon. Naka-pajama pa rin ito at may bitbit na itim na bagay. Pagkalapit nito ay saka niya lang natantong laptop sleeve iyon. 

"Maddy," bungad nito at inabot sa kaniya ang hawak nitong laptop sleeve. Sa halip na tanggapin ay tumingkayad siya at niyakap ito. Muntik pa itong mawala sa balanse dahil sa pagkabigla at sa lakas ng impact.

"Sorry, Ryker. Sorry talaga sa ginawa ko. Hindi ko na uulitin yung mga bagay na ayaw mo. At salamat. Salamat kasi bumalik ka. Akala ko iniwan mo na ako ritong mag-isa," dire-diretso niyang sambit at halos paiyak na. Hindi ito gumalaw sa pwesto at hinintay lang siya hanggang sa kumalma at bumitaw.

Biglang nakaramdam ng hiya si Maddison pagkahiwalay kay Ryker. Inayos niya ang sariling buhok at medyo dumistansya. "S-Sorry, OA. Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito... I-I mean you know... NBSB. Hindi alam kung paano mag-re-react sa mga bagay-bagay."

Muling inabot ni Ryker ang hawak nito sa kaniya.

"Para sa'n yan?"

"Para sa'yo."

"Ba't mo ulit ako binigyan?"

"Bati na tayo."

Naantig ang puso ni Maddison sa sinabi ni Ryker. Tuluyan siyang naiyak at napayakap ulit. Nag-uumapaw siya sa tuwa hindi dahil nakatanggap siya ng laptop kundi dahil naalala siya nito habang hindi sila magkasama. Iyon ang mahalaga sa kaniya.


Pagkatapos ng tagpo nila sa hardin ay dumiretso si Maddison sa basement para buksan ang laptop na kulay gray. Napataas ang dalawa niyang kilay nang makitang may nakadikit na ritong sticker at hindi na mukhang bago. May kaunting basag na rin sa screen at bakas ng alikabok.

Winged ChaosTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang