WC #25: End

42 0 0
                                    

Chapter XXV

Present...

Hindi na nakahintay si Prince sa pagsapit ng alas-dose ng madaling araw. Nilikom niya ang mga gamit na maaari niyang gamitin at sumugod sa silid ni Ryker. Nagbase siya sa floor plan na nasa libro ni A.P. 

Pagdating sa tapat nito ay hindi na siya nag-atubiling sipain ito para buksan kaso hindi gumana. Kumalabog lang ito at nakagawa ng ingay pero hindi nabuksan.

"So, it's you," hingal na saad ni Ryker pagbukas ni Prince ng pinto na para bang inaasahan niya na ito. "The one who set her free."

Hindi tulad ng inaasahan niya base sa libro, hindi nagsasagawa ng ritwal si Ryker sa sarili nitong kwarto. Hindi rin ito nakasuot ng cloak o may hawak na kutsilyo. Sa halip, naghahabol ito ng hininga habang mahigpit na nakatali ang isang kamay sa sariling kama. Wala itong damit pantaas kaya kitang kita ang pawisan nitong katawan.

"Ano? Alam mo?" gulat na tanong ni Prince at ibinaba ang gamit sa sahig maliban sa kutsilyo. Isinara niya ang pinto at hinila ang sofa para iharang dito. Ginawa niya iyon para siguruhing walang basta-bastang makakalabas sa kwarto ni Ryker. Dalawampung minuto pa bago maghatinggabi pero pumunta na siya rito.

Hinawakan ni Ryker ang naninikip niyang dibdib. Mabigat ang bawat paghinga niya at tila mauubusan ng hangin.

"I-Inaatake lang ako minsan p-pero matalas pa rin ang pandinig ko, tanga. Alam kong pinaalis mo si Maddy rito sa mansyon," malamig na saad ni Ryker habang nakatungo at kinokontrol ang sariling paghinga.

"Mas tanga ka, gago! Sinamantala mo ang babaeng nagmahal sa'yo! At 'wag na 'wag mo siyang tatawaging Maddy dahil wala kang karapatan!" duro ni Prince. Ngayon lang sila nagkaharap pero nagpupuyos na agad siya sa galit. Hindi siya pinansin ni Ryker na lalong nagpakulo ng dugo niya. Para maiwasan ang pagdadalos-dalos ay pansamantala niyang iniwas ang tingin. Pinamilyar niya ang itsura sa paligid.

Nasa kaliwang bahagi ng kwarto ang gintong lamesa, kandila, libro, at wine glass ngunit halatang hindi pa nagagamit. Walang sindi ang kandila at nakasara pa rin ang libro. Sa dingding naman ay may orasang nakasabit. Kaunting minuto na lang ang natitira bago sumapit ang alas-dose ng gabi.

Biglang naalala ni Prince si Maddison. Kahit na mukhang nakalayo na ito ay hindi pa rin siya mapakali at mapanatag. Pakiramdam niya ay may mali o may nakaligtaan siya sa libro pero wala siyang ideya kung ano. 

Kung nahuli niya lang sana si Ryker habang isinasagawa ang ritwal ay madali na niya sanang matukoy kung ano ang dapat gawin. May ideya na siya kung ano iyon dahil nakasulat sa librong "A Vampire book" ang tungkol sa ritwal. Base iyon kay Sinang, ang bampirang naging tao, na ipinaalam kay Ryker. Tapos ipinaalam ni Ryker kay Amity kaya nagawa nitong isulat kahit hindi espesipiko ang mga detalye.

Ang kaso hindi nagriritwal si Ryker. Ibang-iba ang nadatnan ni Prince kaysa sa inaasahan. Hindi niya alam kung bakit ito nakatali at parang walang ginagawa bago ang sariling kaarawan.

"Lack of human blood?" tanong ni Prince nang mahalata sa itsura ni Ryker na nanghihina na ito habang nakatali pa rin sa kama. Sinamantala niya ang pagkakataon para mahigpit na hawakan ang kutsilyo at lumapit dito. Tumindig siya at hindi nagpakampante. Baka mamaya kasi ay inuuto lang siya nito.

"Alam mo bang sa pagpunta mo rito ay binibigyan mo ako ng pagkakataong maging makapangyarihan ulit? I could suck your blood as much as I can."

"Paano mo gagawin 'yon kung nakatali ka? At sino bang nagtali sa'yo?"

Sa isang iglap ay nakawala sa pagkakatali si Ryker at nakalapit kay Prince. Ngayong magkaharap na sila ay halatang mas matangkad, mas maputi, at mas maselan siya kumpara rito. Kaya kung maglalaban sila, hindi maikakailang mas dehado ito sa laban.

Winged ChaosWhere stories live. Discover now