Epilogue

65 2 0
                                    

Epilogue

10 years later....

"Ate Amity, mahal na mahal kita. At lagi kitang na-mi-miss," bulong ni Maddison sa hangin at nag-alay ng puting bulaklak sa puntod ni Amity. Binibisita niya ito taun-taon at binibigyan ng bulaklak para magpasalamat sa pagliligtas nito sa kaniya mula kay Ryker. Kanina pa siya nakaupo sa tapat ng lapida nito at kinakausap ito na parang buhay na buhay pa. Buhay na buhay pa nga ito... sa gunita niya. 

Hanggang ngayon ay naaalala pa rin ni Maddison kung ano ang itsura ni Amity noong dumalaw ito sa panaginip niya habang natutulog siya sa taxi. Nakangiti ito at payapa ang itsura hindi tulad ng mga nauna niyang panaginip. Humingi ito ng tawad dahil sa panggugulo pero nagpasalamat din dahil sa pagpapalaya niya rito sa mansyon at pagpapatahimik sa kaluluwa. At sa panaginip niya, nayakap niya rin ito bago ito tuluyang umalis.

Sampung taon na ang nakalipas buhat noong natagpuan ni Maddison si Amity kahit hindi niya alam na nawawala ito. Kinuha niya ang bungo nito at pina-cremate saka inilipat sa mas maayos na libingan.  Magaan na ang loob niya dahil hindi na ito nakakulong sa pinakailalim at pinakamadilim na parte ng mansyon kung saan walang nakakaalam ng existence nito. Marami mang taon ang lumipas bago ito maisagawa, sulit pa rin ito para sa kaniya. 

Mahal ang ginastos sa pagpapa-cremate ni Amity pero ginamit ni Maddison ang perang ibinigay sa kaniya ng may-ari ng ilang gamit na pinagsaulian niya.  Hindi niya sana tatanggapin ang perang inabot nila pero naalala niya ang panganay niyang kapatid. Hindi niya ito nakasama sa buong buhat niya kaya kahit manlang sa magandang paglibing dito ay gusto niyang makabawi. Iyon ang dahilan kung bakit niya nilunok ang pride niya at tinanggap ang kahit magkanong alok ng mga tao.

Ang isa pang sobrang nakatulong sa pagpapa-cremate ni Amity ay ang sobreng natagpuan sa loob ng bahay nina Maddison. Nakapaloob dito ang isang tseke na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Alam niyang inilusot lang iyon sa ilalim ng pinto at alam niya rin kung kanino nanggaling pero hindi niya gaanong pinansin. She just called it quits.

Para tuluyang mapanatag ang kalooban, binanggit ni Maddison sa pamilya niya ang tungkol sa kapatid nilang si Amity at sa pagkamatay nito. Hindi niya lang kinuwento nang buo dahil ayaw niyang masaktan ang pamilya. Siya na lang ang umako ng lahat ng sakit at hanggang sa huli, walang nakakaalam ng totoong nangyari rito bukod sa kaniya, kay Marigold, at kay Prince.

Tungkol naman kay Prince, naospital ito kinabukasan pagkatapos pumunta sa mansyon dahil napuruhan ang ilang bahagi ng katawan. Hindi gaanong alam ni Maddison ang nangyari nung gabing iyon dahil ayaw niyang makinig sa gustong sabihin nito. Makasarili mang pakinggan ay nakiusap siyang huwag nang magbabanggit ng kahit anong tungkol kay Ryker dahil bumabalik ang trauma niya. Gayunpaman, sinabi niyang masaya siya dahil nabuhay ito. 

Nalaman ng mga magulang ni Prince na si Maddison ang may dahilan kung bakit ito nagpunta sa mansyon kaya sa pangalawang beses na pagbisita niya sa ospital, pinagbawalan na siya ng mga magulang nito. Dahil doon ay iyon na ang huling beses nilang pagkikita. Hindi na natuloy ang tawagan nilang "love". 

Paminsan-minsan ay nagtitingin na lang din si Maddison sa social media para malaman kung ano nang update tungkol kay Prince. Doon niya lang nagawang malamang naka-graduate ito sa kursong Criminology noon. At kamakailan lang ay nabalitaan niyang engaged na ito sa isang babaeng nakilala nito sa trabaho. Naalala niya ang pag-uusap nila ng ate niyang si Marigold tungkol dito.

"Bakit di mo siya inilaban? Siya pa rin talaga ang gusto ko para sa'yo," wika ni Marigold habang sinusuklayan ng buhok si Tammy na nasa ikalimang baitang na.

"Sinubukan ko noon, ate. Seryoso, sinubukan ko. Kaso ayaw talaga ng mga magulang niya sa'kin at masamang impluwensya ang turing nila sa akin. Hindi ko rin naman sila masisisi kasi nailagay ko talaga sa peligro ang buhay ni Prince."

Winged ChaosOnde histórias criam vida. Descubra agora