POST WC: Final meeting

31 0 0
                                    

Final meeting

"Ano pong pangalan ng pasyente?"

"Prince Arguelles po," sagot ni Maddison sa receptionist ng ospital na pinuntahan niya.

"Nasa room 405, ma'am."

Nagpasalamat si Maddison at kumaripas ng takbo paakyat sa silid na sinabi ng nars. Walang nakaharang sa pinto kaya dire-diretso siyang pumasok.

Halos isang linggo na ang nakaraan buhat noong naospital si Prince at ngayon lang siya nakapunta. Nabalitaan niya kasi sa taxi driver, na kapatid pala ng kaibigan ni Prince, na tumatanggap na ito ng bisita ngayon. Nalaman niya ring malapit na itong ma-discharge kaya hindi na siya nag-atubiling bumisita.

"Prince!" sigaw ni Maddison nang makita ang binatang nakahiga sa hospital bed. Nakasuot ito ng damit pang-ospital. Mukha itong bagong gising dahil sa magulong buhok at walang suot na salamin.

Tumakbo siya palapit at umupo sa upuang nasa tabi ng kama. Hinawakan niya ang kaliwang kamay nito at paulit-ulit na humingi ng tawad.

"Maddy, napadalaw ka. Balita ko kay manong ayos ka na. Totoo ba 'yon?" Umupo si Prince para malinaw na makita ang itsura ni Maddison.

"Oo naman. Walang-wala 'to sa natamo mo buhat kay Ryker. Sorry, love, ha. Thanks for being a hero," pagpahid ni Maddison sa mga luha niya at ngumiti. Tinupad niya ang pangako niya, umaasang makatutulong ito kahit papaano para gumaan ang pakiramdam nito.

"L-Love?"  Hindi halata dahil sa kulay ng balat ni Prince pero namula ang pisngi nang nang marinig ang salitang ito mula mismo sa bibig ni Maddison.

"Oo, 'di ba nangako akong hahayaan kitang tawagin akong ganiyan kapag nakalabas tayo nang buhay sa mansyon? 'Yon ay kung deserve kita. Ang kaso hindi. 'Di kita deserve tulad ng hindi pagiging deserving ni Ryker sa pagmamahal ko."

'Pero gusto kong gawin ang lahat para maging karapat-dapat ako sa pagmamahal mo,' gustong idugtong ni Maddison ngunit wala siyang lakas ng loob. Alam niyang bata pa sila at marami pang pwedeng pagdaanan. Ayaw niyang mangako ngayon dahil sa takot na hindi niya ito mapanindigan.

"Tungkol kay Ryker, may kailangan kang malaman. Nakalabas ako nang buhay hindi dahil sa sarili kundi dahil din sa kaniya. Tama ka tungkol sa kaniya. May puso—"

"P-Pwede bang 'wag n-na natin siyang p-pag-usapan?" she weakly asked. Sariwa pa sa kaniya ang trauma kung kaya sumasakit ang puso niya sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Ryker. Makasarili mang pakinggan dahil si Prince nga na nadamay lang sa isyu ay nakakayanang pag-usapan ang tungkol doon, tapos siya ayaw na ayaw.

"Sige..." buntong-hininga ni Prince. 

"Salamat," puno ng sinseridad na saad ni Maddison. Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa kaliwang kamay nito.

"So, anong gusto mong pag-usapan...love?" panunukso ni Prince. Siya ang nang-asar pero parang siya rin ang kinilig.

Sasagot pa sana si Maddison pero biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa kanilang dalawa ang mga magulang ni Prince.

"Good morning, ma, pa. Kaibigan ko po pala," masiglang bati ni Prince sa kanila.

"Himala, nag-good morning ka sa'min," pansin ng ama niyang si Tonyo at napatingin sa magkahawak nilang kamay ni Maddison.

Nagtaas-baba ng kilay si Prince. "Syempre po good mood."

Bumaling naman ang ina ni Prince, si Mila, kay Maddison at ngumiti. "Salamat sa pagbisita sa anak ko. Anong pangalan mo, iha?"

"Maddison po. Pwede niyo ako tawaging Maddy."

Nawala ang ngiti sa labi ng mga magulang. Nagkatinginan silang dalawa na para bang pareho ang nasa isip. "Siya yung..."

"Maiwan mo muna kami. May pag-uusapan pa kami," monotonong utos ng Mila.

Bumakas ang gulat sa mukha ni Prince. "Saglit lang po, ma. May sasabihin pa—"

"Alis na."

Nagkatinginan sina Maddison at Prince, tila nag-aalangan pang sumunod sa utos. Pero sa huli, tumango si Prince. "Magkita na lang tayo bukas, Maddy.

"Sige, pagaling ka, Prince. Bye."  Pinisil ni Maddison ang kamau ni Prince bago bitawan. Bumaling siya sa mag-asawa. "Mauna na po amo, ma'am, sir."

"Ingat!" pahabol ni Prince.

Kinabukasan, maagang nagising si Prince. Unang hinanap ng paningin niya si Maddison pero si Tonyo lang ang nadatnan niyang nag-aayos ng mga gamit.

"Asan po si Maddy?" bungad niyang tanong at bumangon.

"Pwede ka nang ma-discharge sabi ng doktor. Sa bahay ka na lang magpahinga para gumaling ka."

"Sige po. Si Maddy? Bumisita po ba siya rito?"

"Hindi ka na pwedeng makipagkita sa kaniya," seryoso nitong sambit.

"Ano po? May sasabihin pa ako sa kaniya."

"Hindi na. Tama na ang nangyari sa'yo."

"Pero, pa—"

"Prince!' maawtoridad na wika ng ama kaya napatikom ang bibig niya.

"Hindi mo na siya pwedeng makita, maski kahit anong uri ng komunikasyon. Pasalamat ka nga hindi ipinamukha ng nanay mo kung gaano ka kamalas sa kaibigan mo."

""Di naman po ako malas kay Maddy. Sadyang may nangyari lang talaga kaya nagkaganito ang lahat," depensa ni Prince. Hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa sama ng loob sa sinabi ni Tonyo.

"O sige, anong nangyayari?" panghahamon ni Tonyo.

Iyon ang hindi nasagot ni Prince. Hindi niya pwedeng banggitin ang tungkol sa mansyon at kay Ryker. Bukod sa hindi sila maniniwala, baka kung ano pang isipin nila kay Maddison.

"Pasalamat ka rin hindi na kami magtatanong tungkol sa nangyari sa'yo. Basta 'wag naming mababalitaan na mauulit 'yan dahil kami na mismo ng nanay mo ang gugulpi sa'yo."

Feeling disheartened, Prince looked away.

Sa kabilang banda, nakasalubong ni Maddison si Mila sa entrada ng ospital. Nakasuot siya ng pantalon at puting polo. Mukhang bagong-bago pa iyon dahil hindi niya madalas gamitin. Bigay kasi iyon ni Prince noong nakaraang taon kaya sobra niyang iniingatan at ginagamit lang kapag may mahalagang okasyon.

Nakatirintas ang buhok niya kahit na basa pa, samantalang may pulbo ang mukha. Halatang pinaghandaan niya ang araw na ito.

"Magandang umaga po, tita. Gising na po ba si Prince?" nakangiting tanong ni Maddison habang hawak ang isang bayong na may iba't ibang prutas.

"Oo," seryosong sagot nito. "Maddison, tama ba?"

"Opo. Sige po, pupuntahan ko lang siya," aniya nang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. Hahakban na sana siya ngunit iniharang ni Mila ang sarili nito sa daraanan.

"Tama na ang ginawa mo sa anak namin. 'Di ka na namin hahayaang makipagkita sa kaniya."

Hindi malinaw ang sinabi ni Mila ngunit nasakyan agad iyon ni Maddison.

Namuo ang luha sa mga mata ni Maddison pero sinubukan niya ang makakaya niya para pigilan itong tumulo. "N-Naiintindihan ko po. Sorry, ma'am. I'm very sorry... sa nagawa ko sa anak niyo. P-Pakibigay na lang p-po nito sa kaniya."

Marami pa sanang gustong sabihin si Maddison kaso hindi na niya itinuloy. Baka kasi kapag ibinuka niya pa ang kaniyang bibig ay hindi na niya mapigilan ang pagtulo ng mga luha.

Sa huli, nakayuko niyang inabot ang bayong na may maliit na pirasong papel sa loob.

"Get well soon, Prince. Xoxo." 

Simple lang ang mensaheng ito pero naging sentimental na kay Maddison. Hindi niya kasi akalaing ang mga salitang ito ang magiging huling bagay na masasabi niya kay Prince. Kung alam lang sana niya, e di sana hindi na niya pinunit ang papel at pinuno na ng mga bagay na gusto niyang sabihin sa binata. At kung alam niyang kahapon ang huli nilang pagkikita, sana hindi na siya nagsulat at sinabi na lang nang harapan dito kung gaano siya nagpapasalamat na makilala at maging kaibigan ito.

Mabigat man sa loob, pilit na ngumiti si Maddison. Bahagya siyang nag-angat ng ulo para salubungin ang tingin ni Mila. "M-Mauna na po ako, m-ma'am. P-Pasensya na po ulit."

Winged ChaosWhere stories live. Discover now