POST WC: Possessions, photograph and a cheque

50 1 0
                                    

Possessions, a photograph and a cheque

"Maraming salamat talaga sa pagsasauli nito. Akala ko tuluyan 'tong nawala sa'kin. Ilang buwan na rin kasi ang nakalipas."

"Oo nga po, eh. Sorry ngayon ko lang naibalik. Nito lang kasi ako nakatakas," paliwanag ni Maddison sa may-ari ng alahas na ibinalik niya. Nasa loob siya ng Irize hotel kung saan nila napagkasunduang magkita. Dito kasi naganap ang insidente noon. Walang kontak si Maddison sa may-ari bukod sa pangalan nito kaya tinanong niya ang receptionist sa hotel. Buti na lamang ay may record sila ng mga personal na impormasyon ng mga bumibisita, lalo na yung tulad ng babaeng ninakawan ni Ryker dahil ini-report din ito sa pulis.

"Ikaw yung na-hostage nung lalaki, 'di ba? Naku, hindi mo naman obligasyong ibalik 'to. Paano ka nga pala nakatakas? At paano 'to napunta sa'yo?" Ganito ang karaniwang naging tanong kay Maddison ng mga tao kapag nagbabalik siya ng mga gamit. 

"Mahabang kwento. Nga pala, may trabaho pa po ako kaya kailangan ko nang umalis." Ito naman ang lagi niyang idinadahilan para hindi na mapahaba ang usapan at hindi na maungkat ang nakaraan.

"Ganoon ba? Sige, salamat ulit!" sambit ng babae at muling niyakap si Maddison. Nakangiti silang nagpaalam sa isa't isa.


Noong naglalakad na palabas ng hotel si Maddison, nadaanan niya ang isang malaking bulletin board. Napakaraming maliliit na litratong nakadikit dito. Magkakaiba ang mga taong nasa litrato at halos puro magarbo ang suot. Ito yata ang ilan sa mga litrato sa tuwing may idinadaos na okasyon sa hotel na ito. Dala ng kuryosidad ay tinanong niya ang janitor na kasalukuyang naglilinis kung para saan ang mga iyon.

"'Yan yung mga picture na 'di nabibili ng guests. Kaysa itapon ay idinidikit na lang d'yan," paliwanag nito.

"Sige. Salamat, manong," tugon ni Maddison. Wala naman talaga siyang gagawin ngayong araw kaya napagpasyahan niyang magtingin ng iba pang litrato. Pangarap niyang sa susunod na dadalo siya sa ganitong okasyon, kung posible man, gusto niyang kasama na ang buong pamilya niya.

Maya-maya pa'y nahagip sa paningin niya ang isang pamilyar na damit. Brown fitter long gown with slit, long puff sleeve, and sweetheart neckline. Nakatalikod man ang nasa litrato ay kilalang-kilala niya kung sino ito. Walang iba kundi siya mismo. Ito yung oras na naglalakad siya sa carpet at ayaw magpahawak ni Ryker sa kaniya.

Ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit. Maaaring hindi iyon dahil nandidiri ito sa kaniya kundi dahil hindi ito nakikita sa camera. Tandang-tanda niyang magkatabi sila noong panahong iyon pero sa litrato ay siya lang ang mag-isa.

Napaluha si Maddison nang hindi namamalayan habang nakatitig sa litratong nasa bandang gitna. For a moment, she forgot their dark history and just wanted to include Ryker in the photo so that she could get a remembrance. Para ipaalala sa sariling totoo ito at hindi kathang-isip. Para patunayang ni minsan sa buhay niya ay minahal niya ang nilalang na kagaya nito.

The wound is still fresh, yes, but she kind of wants to reminisce about the good old days with him. Pagkatapos ng lahat, may pinagsamahan sila at hindi na iyon mabubura sa pagkatao niya kahit nasa magkabilang mundo pa sila. Hindi niya maikakailang naging malaking parte ito ng buhay niya.

"Ryker,..." bulong ni Maddison sa hangin at suminghap. Hindi pa siya sawa sa katititig sa litrato ngunit alam niyang kailangan niya nang umuwi. Kaya kahit ayaw pa, wala siyang nagawa kundi lisanin ang Irize Hotel. Kasabay noon ay ang pangako niya sa sariling hindi na muling babanggitin ang pangalan nito kahit pa magkwento siya kay Tammy. Itinatak niya sa isipan ang katagang, "let bygones be bygones."


Kinagabihan, habang nagpapahinga si Maddison sa sariling kwarto ay kinatok siya ni Jerome.

"Ate! Ate! Tingnan mo!" sigaw nito na para bang may emergency.

Tarantang napabangon si Maddison. Binuksan niya ang pinto at tumambad sa kaniya si Jerome na may hawak na isang sobre. Nasa tabi nito si Bianca na nakapameywang.

"Ano 'yun, Rome?"

"Para sa'tin ba 'to? Tingnan mo," sabay abot ni Jerome ng sobre.

"Mayaman na tayo, ate!" pagsingit ni Bianca sa usapan. Tumalon-talon pa siya na para bang nanalo sa lotto.

Kumunot ang noo ni Maddison dahil sa weirdong kinikilos ng mga kapatid niya. Nang buksan niya ang sobre ay bumungad ang isang tseke na may anim na digits.

"OA mo naman, Bianca. Mayaman agad? 'Di pa nga tayo sure kung para sa atin talaga 'yan o kung tunay man." 

"Baka nga peke pero para sa'tin talaga yan—este para kay ate. Kita mo namang pangalan niya ang nakalagay."

Sa gitna ng pagtatalo nina Jerome at Bianca, namuo ang luha sa mga mata ni Maddison. Walang kahit anong nakalagay sa tseke pero alam niya na agad kung saan ito nagmula. Isang tao lang naman ang kilala niyang naglulusot ng sobre sa ilalim ng pinto. Si Ryker lang.

"Alam mo ba kung kanino galing 'yan, Ate Mads?" usisa ni Bianca.

"Di kaya yon yung taong nanakit sayo? Pampaospital mo?" hinuha ni Jerome na ikinakunot ng noo ni Bianca.

"Luh, paano niya gagawin 'yon kung wala siyang konsensya?"

"Malay mo biglang nakonsensya."

"Imposible."

"'Di imposible 'yon. Nagbabago naman ang mga tao."

"Kahit na, imposible pa ring magbigay siya ng 6-digits kay Ate Mads kahit nakonsensya pa siya." Bumaling si Bianca kay Maddison. "Di kaya sa boyfriend mong pogi na mukhang mayaman galing 'yan, ate? Afam ba 'yon? Sugar daddy mo kahit parang magka-edad lang kayo?"

Siniko ni Jerome si Bianca. "'No ka ba? Alam mo namang hiwalay na sila. Mas imposible namang bigla siyang bibigyan ng ganiyang kalaking pera. Kahit pa sabihin nating sobra siyang mahal no'n ay imposible pa rin kasi wala namang okasyon. Utak mo talaga, e no? 'Di makatotohanan."

Nagsagutan pa sina Jerome at Bianca tungkol sa kung sino ang mas posibleng pinagmulan ng tseke. Gayunpaman, wala ni isang salitang narinig si Maddison. Nanatili lang siyang nakatitig sa tseke habang bakas ang matinding kalungkutan sa mga mata.

Sa isang iglap ay nalimutan niya agad ang ipinangako niya kanina bago lumabas sa Irize Hotel.

"Ryker," bulong ni Maddison sa hangin.

Winged ChaosWhere stories live. Discover now