WC #19: Trapped

38 1 0
                                    

Chapter XIX

Isang araw na hindi nakatulog si Maddison. Ito ay buhat noong nakita niya ang bungo sa sikretong silid kahapon. Kahit na malinaw na ang panaginip niya at ang mensaheng nakapaloob sa liham ay naguguluhan pa rin siya sa ilang bagay. Palaisipan pa rin sa kaniya ang koneksyon ng lahat ng ito at ang tunay na pagkatao ni Ryker.

At tungkol naman sa lalaki, nasa kwarto ito ngayon at hindi niya alam kung anong ginagawa.

Totoo ba talaga talaga yung mga napapanaginipan ko? Kung oo, paano kung nagbago na si Ryker? Pero pa'no kung hindi? Paano ko ko malilimutan ang masasaya naming alaala at lahat ng ginawa niya para sa akin?

Ilan lamang ang mga ito sa napakaraming katanungang umiikot sa isipan ni Maddison habang nakaupo sa gitna ng hile-hilerang halaman sa hardin. Sa tagal niyang namamalagi sa mansyon ay ngayon niya lang naisipang tumambay rito nang matagal. Hindi siya nag-almusal dahil dumiretso agad siya rito. At ngayong tanghali na, hindi pa rin siya gumagalaw sa pwesto.

Kahit na hindi nagmintis ni isang ang panaginip niya— mula noong ipinakita nitong bampira si Ryker hanggang sa mga nabubuksang tagong silid, hindi pa rin niya magawang kagalitan si Ryker.  She still gave him the benefit of the doubt. At kahit pa ramdam niyang sa kapatid niyang si Amity galing ang mga papel, alam niyang hindi siya pwedeng magbase lang sa ilang kapirasong iyon. Hindi pa nga siya sigurado kung tama talaga ang pagkakaintindi niya.

"Kersson, sinong paniniwalaan ko? Si Ryker o yung mga panaginip ko? Totoo ba talagang  si Amity 'yon o bangungot lang?" pagkausap ni Maddison sa bogambilyang pendant na hawak niya habang nakasabit sa leeg ang lace nito. Sa lahat ng mga bulaklak na nakikita niya ngayon, kapansin-pansing walang bogambilya kahit saang sulok at parte ng hardin pa hanapin.

Malamig ang simoy ng hangin sa silong kung nasaan siya kung kaya naeenggayo siyang tumambay rito nang mas matagal. Maya-maya'y lumipat si Maddison sa duyan para mas maayos na makapagpahinga. Hindi niya namalayang napapikit na pala siya hanggang sa tuluyang makaidlip.

Dinala siya ng panaginip niya sa isang lugar na sobrang dilim at walang makita. Lumingon-lingon siya sa paligid at sinubukang mangapa pero wala siyang mahawakang kahit ano. Samantalang hindi niya rin maihakbang ang mga paa niya.

"Lumisan ka na sa mansyon bago mahuli ang lahat, Maddison," biglang bulong ng isang dalaga sa tainga ni Maddison. Lumingon siya sa likuran pero bigo siyang makakita. Hindi niya matukoy kung saan mismo nanggagaling ang boses dahil kalat ito sa buong paligis. "Maddison. Maddison!"

Napabalikwas si Maddison at nahulog sa duyan, dahilan para magising ang diwa niya. Nag-echo sa isipan niya ang boses ng babaeng tumawag sa kaniya at nagbigay-babalang dapat na siyang umalis sa mansyon.

Napatayo siya at napatitig sa harap ng mansyon. Her instinct is to follow what's on her mind but her heart pounded as if it's telling otherwise. That she should still cling to Ryker's promises.

"Maddy, takbo!" Another womanly voice came out from everywhere. Umihip ang malakas na hangin at nagpalinga-linga si Maddison na para bang nahihibang. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang boses pero alam niyang kapareho ito ng nasa panaginip niya.

Mahigpit niyang hinawakan ang kwintas na suot niya niya at tinitigan ang mataas na gate mula sa distansya. Tatakbuhin niya na sana ito dala ng takot pero may biglang humawak ng balikat niya.

"Maddy, andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap sa loob ng mansyon."

Kabadong hinarap ni Maddison si Ryker. Ngunit sa halip na matakot ay napayapa ang pakiramdam niya nang makita ang mala-anghel nitong itsura. Nakasuot ito ng puting damit at maong shorts kahit na maghapon lang na nakatambay sa bahay.

Winged ChaosWhere stories live. Discover now