WC #15: Amity

52 1 0
                                    

Chapter XV

"Kung ayaw mong sabihin, aalis na lang ako. Salamat sa panandalian mong pagpapatuloy sa akin dito, Sir Ryker," mabigat na loob na wika ni Maddison at pinunasan ang luhang naglandas sa mga mata niya.

Sa katunayan, ang mga salitang ito ay taliwas ito sa sinasabi ng puso niya dahil ang gusto niya lang talagang mangyari ay masagot ang lahat ng katanungang bumabagabag sa kaniya. Sa kasamaang palad, tila hindi iyon ang nais ni Ryker base sa ginawa nitong pagtalikod sa kaniya. Ngunit pagkasabi niya ng mga salitang iyon, tila nagkaroon ng sariling utak ang mga paa nito at kusang bumalik patungo sa kaniya. Walang sali-salita nitong hinawakan nang mahigpit ang kamay niya at hinila paakyat sa taas.

"R-Ryker!" pagtawag ni Maddison at nablangko ang isipan. Nagpatangay lang siya sa paghila ni Ryker hanggang sa makarating sila sa kwarto. Itinulak siya nito paupo sa kama at tumungo sa mga kabinet para maghalughog ng mga gamit.

"Shit, ang sakit." Nakangiwing tiningnan ni Maddison ang palapusuhan niya at nakitang nagmarka ito dahil sa sobrang higpit ng hawak ni Ryker kanina. Kumabog ang dibdib niya at hindi alam ang gagawin. At heto na naman ang mabigat ang pakiramdam niya pagpasok niya pa lang sa kwarto kanina.

Pinagmasdan niyang isa-isahin ng lalaki ang bawat kabinet hanggang sa matagpuan nito ang tatlong nakatuping papel na kulay-kape na dahil sa kalumaan.

"Gusto mong malaman ang totoo? Ito," sambit ni Ryker pagkalapit at inabot ang mga papel.

"A-Ano 'to?" May halong kaba itong tinanggap ni Maddison at binuklat ang papel. Bumungad sa kaniya ang mga mensaheng hindi sulat-kamay. Medyo maiikli lang ito at hindi ordinaryong liham.

"Basahin mo ang liham niya tungkol sa'kin para malaman mo," utos ni Ryker.

•••

His fingers are light as feather.
One's heart sank, two fangs sunk deeper—as you fell in love.
Pounding heart, screaming for he is love-free
He's the one who runs the show.
He's playing Fast And Loose and I'm a ____'s gold but not gold.
I'm captivated of his undying love.

-A. P.

•••

"His fingers are light as feather... pounding heart, screaming. I'm captivated of his undying love... nakagamit pa talaga siya ng malalalim na salita para lang purihin si Ryker," bulong ni Maddison at sa isang iglap ay napalitan ng lungkot ang kuryosidad. "love-free. He must have a lot of love to give. And fool's gold but not gold? Humble masyado? Worthless na nga ang ibig sabihin ng fool's gold tapos 'di pa gold."

"She's Amity," pagkukwento ni Ryker kaya napatingin si Maddison.

"Amity? A. P.? Anong ibig sabihin ng P?"

Umupo si Ryker sa tabi ni Maddison. "Minahal niya ako, Maddy. Higit pa sa inaakala mo at higit pa sa kaya mong ibigay."

"Higit sa kaya kong ibigay? Paano ka ba niya minahal?"

"Isinakripisyo niya ang buhay niya para sa akin," sagot nito.

Nagbaba na ulit ng tingin si Maddison at tiningnan ang ikalawang liham.

•••

Heaven-sent man
Effortlessly handsome
Leader as he is
Passionate and perfect lover
Mysterious but charming man
Err... just read again downward to see how much I love him. It's too embarrassing.

Winged ChaosDove le storie prendono vita. Scoprilo ora