Chapter One

1.8K 28 2
                                    


MASAYANG sinalubong ni Sandra ang kasintahang si Albert.

"Hi," aniya at ikinawit ang braso sa baywang ng binata. "Mabuti naman at maaga ka ngayon. May sorpresa ako sa iyo..."

Umangat ang kilay ni Albert kasabay ng pagngiti. "Ow?"

"Yap. And you'll be proud of me." Inakay niya ang kasintahan patungo sa malaking leatherette sofa at parehong naupo. Dalawang kamay niya ang nakakapit pa rin sa braso nito.

"I'll make a wild guess," wika ng binata na itinaas ang kamay at inakbayan ang dalaga. "Ang sorpresa bang ito'y ang pagpayag mong sumama sa aking lumabas tayo?" At hinapit nito ang dalaga at akmang hahagkan sa mga labi subalit iniiwas ni Sandra ang sarili.

Inirapan niya ang kasintahan at bahagyang lumayo. "Ikaw talaga. Para bang hindi ako sumasama sa iyong lumabas paminsan-minsan."

"Alam mo ang ibig kong sabihin, Sandra," si Albert at muli siyang inabot at ginawaran ng isang mariing halik sa mga labi.

Mabilis na kumawala ang dalaga.

"Albert, ano ba! Hindi ko masasabi sa iyo ang sorpresa ko 'pag ganyan ka nang ganyan." Umatras siya nang kaunti palayo sa binata.

"O, sige na nga," ani Albert na sapilitang pomormal. "Ano ba talaga iyang sorpresang iyan?"

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Sandra. "Simula sa Lunes ay may trabaho na ako..." deklara niya at nakatitig sa mukha ng binata at naghihintay ng reaksiyon.

"Sorpresa nga iyan," ani Albert at unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi. Lumitaw ang dimple sa magkabilang pisngi na lalo lang nagpatingkad sa gandang lalaki nito. "Hindi mo sinabi sa aking nag-apply ka ng trabaho?"

"Talagang sinadya kong hindi sabihin sa iyo. At alam mo ba kung saan ako nag-apply at natanggap naman kaagad?"

Kunwaring nag-isip ang binata na halatang nagbibigay lang. "Okay, sirit."

"Sa JSS Engineering. Natanggap ako bilang secretary-clerk sa personnel," excited niyang sabi na hindi pinansin ang pagkabigla sa mukha ng katipan. Iniisip niyang nagulat ito and at the same time ay excited din.

"Sa JSS Engineering!"

"Yap," patuloy ng dalaga. "Nagpa-advertise sila noong isang linggo sa peryodiko at inaplayan ko kaagad. And I passed the qualifying exams with flying colors!" Puno ng kompiyansa at excitement ang tinig ni Sandra.

"Talagang sorpresa nga iyan, Sandra," seryosong sagot ni Albert kasabay ng pagtayo. "Dapat ay sinabi mo sa akin na balak mong mag-apply sa kompanyang pinapasukan ko. Disin sana'y hindi kita napayagan."

Napalis ang ngiti sa mga labi ni Sandra. Hindi ikinaila ni Albert ang iritasyon sa tono.

"Albert," she said patiently. "Hindi ko kailangan ang permiso upang makapagtrabaho ako. Hindi naman tayo mag-asawa pa." Iniisip niyang ang ikinagagalit marahil ng binata'y dahil sa mismong kompanyang pinapasukan nito siya natanggap sa trabaho.

"Bale-wala ba sa iyo ang pagiging magkasintahan natin? Wala ba akong karapatang awatin ka sa anumang gawin mo?" tumaas ang tono nito.

"Hindi ka ba natutuwang may trabaho agad ako?" banayad niyang tanong. Pilit itinatago ang iritasyon. Sinusundan ng mga mata niya ang bawat galaw ng binata na nagpalakad-lakad sa kanyang harap.

"Kaga-graduate mo lang nitong nakaraang dalawang linggo. Hindi mo kailangang mag-apurang magtrabaho kaagad."

"That is precisely my point, Albert. Naka-graduate na ako at marapat lamang na maghanap na ako ng trabaho na maaari kong isuporta sa aking sarili. Hindi iyong aasa pa ako sa Tiya Felisa," pangangatwiran ng dalaga na ang tinutukoy ay ang kapatid na bunso ng ina niya.

My Love My Hero: JSSWhere stories live. Discover now