Chapter Six

1.2K 28 2
                                    


NANUNURI ang mga matang matiim na tinitigan ni Bessie si Sandra. Hindi naman malaman ng dalaga kung paano sasalubungin ang mga mata ng kaibigan.

"Pinapapanhik ka sa office ni JSS. May alam ka ba kung bakit?"

"B-bakit daw?"

"I am asking you."

She shook her head hoping Bessie couldn't see through her. "I—I have no idea."

Nakatitig pa rin si Bessie sa kanya. "I find it unusual, Sandra. Hindi ka ipatatawag ni JSS nang ganoon lang kung hindi ka niya kilala. And you're not acting as if you were surprised that the boss wanted to see you."

"Bess..."

Huminga nang malalim si Bessie at iwinasiwas ang kamay. "Don't tell me another surprise, Sandra, na matagal mo nang kilala si JSS bago ka pa napasok sa opisinang ito."

"N-no." Umiling siya at tumayo. "Saka ko na sasabihin sa iyo. In the meantime, saan banda ang office ni JSS sa fifth floor?"

"Engineering muna. Itanong mo sa mga empleyado sa itaas. Lumakad ka na."

Tumango ang dalaga at lumabas ng personnel. Ginamit niya ang hagdan sa pagpanhik sa itaas. Gusto niyang isipin kung ano ang sasabihin ni JSS sa kanya. Pagdating sa itaas ay alanganing itinulak niya ang glass partition. Ang dibdib ay tila sasabog sa matinding kaba.

Ito ang una niyang pagtuntong sa fifth floor. Iniikot niya ang mga mata sa buong engineering department at hindi ilang lalaki ang sumipol pagpasok niya.

Hindi muna siya nagtanong, sa halip ay iniikot ang mga mata. Natuunan niya ng pansin si Albert na nakita siya at agad tumayo mula sa drafting table at sinalubong siya.

"Sandra. Bakit ka pumanhik dito? Kung gusto mo akong makausap sana ay tinawagan mo na lang ako sa intercom."

"Hindi ikaw ang sadya ko rito, Albert."

"Kung hindi ako, bakit ka—"

Hindi naituloy ni Albert ang sasabihin nang mula sa likod nito'y nagsalita si JSS.

"Bumalik ka na sa puwesto mo, Albert," pormal nitong utos na ikinalingon ng binata. Si Jaime ay tinanguan si Sandra. "Follow me, Sandra."

Ang dalaga ay gustong mamangha sa naramdaman pagkakita sa lalaki. Paanong pinanabikan niya ito? And why was the urge to run to him was overwhelming?

She took a deep breath and composed herself. Walang kibong sumunod sa lalaki. Isang may-edad nang sekretarya ang nabungaran ni Sandra sa entrada ng opisina ni JSS. Bagaman naroon ang kuryosidad sa mga mata nito ay nginitian siya.

"No phone calls and visitors, Mildred," wika ni JSS dito at binuksan ang pinto ng silid.

Tumango si Mildred. "Yes, Sir."

Pumasok si Sandra sa pintong pigil ni Jaime.

She was expecting an elegant executive room that befitted the owner and big boss. Subalit hindi iyon ang nabungaran ng dalaga.

Maluwag at malaki ang silid. Subalit simple. Isang mahabang chrome desk ang gamit ni JSS. Highbacked swivel chair in chocolate soft leather.

Sa likod nito'y pulos salamin, over-looking the whole Ortigas and Greenhills. Nagtataasan ang building na natatanaw ng dalaga through the glass.

Dalawang visitor's chair ang nasa harap ng desk. Sa gilid ay ang mahabang cream-colored leatherette sofa. Sa isang sulok ay isang malaking bilog na mesa na marahil ay ginagamit nito sa meeting.

My Love My Hero: JSSWhere stories live. Discover now