Chapter Nineteen

1.4K 26 6
                                    


NAGULAT pa si Bessie sa pagdating ni Jaime sa bahay nila nang bandang alas-siete y medya ng gabi.

"Sir! Tuloy ho kayo..."

"I won't take long, Bessie. Itatanong ko lang kung nandiyan si Sandra?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Bessie. "W-wala ho, Sir. Wala ho ba sa townhouse ninyo?"

"Wala siya sa unit, Bess. Tatlong oras na akong naghihintay sa kanya. Alam mo ba kung saan siya nagpunta?"

Nahimigan niya ang pag-aalala sa tinig ni JSS at umiling siya. "Dumaan din ho ako kanina sa townhouse. Pero sinabi ng guwardiya na walang tao roon. I even thought na baka namili lang."

"Dala niya ang lahat ng gamit niya, Bessie." Nanlulumong wika ni Jaime. Maliban sa perang iniwan nito kanina para sa dalaga upang mag-shopping. Dinatnan pa rin nito iyon sa tokador.

"Dalawang beses ko siyang nakausap sa telepono kaninang umaga, Sir. Ang una ay nang sabihin ko ang tungkol sa termination letter niya. Ang huli ay nang tanggapin ko ang dismissal ni Albert. Tinanong ko siya kung ano ang nangyari. Umiiyak na siya nang sagutin ang telepono."

Jaime groaned. "She probably thought na galing sa akin ang termination niya." Napapikit ang binata.

Damn you, Sandy! I thought we agreed to come to each other kapag may problema...

"Siguro nga ho. Iyon din ang inisip ko kanina. Dahil ang sabi ni Sir Mauro ay galing sa itaas."

"Galing na ako sa office at pinabuksan ko na sa guwardiya ang filing cabinet mo. Kahit ang computer mo'y binuksan ko na rin. Maliban sa address sa dating boardinghouse niya ay wala nang nakalagay na maaaring paghahanapan ko sa kanya." Lumaylay ang mga balikat ni Jaime.

Sa tingin ni Bessie ay tumanda ito nang sampung taon sa sandaling iyon. Pagkuwa'y muling tumingala sa kanya.

"Saan ko siya hahanapin, Bess?" he asked helplessly.

Sandaling nag-isip si Bessie. "Hindi ho kaya posibleng umuwi sa Batangas?"

"Naisip ko na iyan habang patungo ako rito. Pero saan sa Batangas? Wala siyang file ng address niya sa Batangas."

"Sa Santa Clara, JSS. Sa Santa Clara, Batangas! Naroon ang tiya ni Sandra."

Sta. Clara. Nabanggit nang minsan ni Sandra iyon nang kumakain sila. Bakit hindi niya agad naisip iyon?

"P-pero saan sa Santa Clara, Sir?"

Huminga nang malalim si Jaime. "Bahala na ang mga taong babayaran ko sa paghahanap ng lugar. At least, may alam akong paghahanapan kahit na suyurin ko pa ang buong Santa Clara," he said determinedly.  


KAPAG ganoong buwan, Septiembre, ay namumulaklak ang mga kugon. Tinabunan ng mga puting bulaklak ng kugon ang buong burol at kaparangan na nagmukhang snow. Banayad ang mga iyong sumasayaw sa ihip ng hangin.

Nakatuon doon ang mga mata ni Sandra bagaman wala namang nakikita. Isang buwan na mula nang umuwi siya sa dati nilang bahay. Hindi niya tinanggap ang alok ng Tiya Felisa niya na sa mga ito magtigil.

Ilang araw din niyang nilinis ang buong bahay na bibihirang matauhan. Tangi lang kung umuuwi siya tulad nitong nakaraang mga araw. Tinulungan siya ng tatlong pinsang maliliit sa pag-aayos at paglilinis. At ganoon din ang kababatang si Rafael. Isa sa mga araw na ito ay maghahanap siya ng trabaho sa bayan o kahit saang malapit sa kanila. Hindi na siya babalik pa sa Maynila.

My Love My Hero: JSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon