Chapter Eight

1.2K 28 1
                                    


ALAS-SEIS pasado na nang bumaba si Sandra sa parking area dahil iyon ang sinabi ni Jaime sa intercom. May business associate pa itong dumating ng bandang alas-singko. Para kay Sandra ay mas mabuting pagabi na nga ang pagbaba niya upang walang mga kaopisinang maaaring makakita sa kanila.

Nakabukas na ang pinto ng Mercedes-Benz ni Jaime paglapit niya. Sumakay siya at isinara ang pinto. She winced inwardly. Para siyang mistress. Ang kaibahan ay walang asawa si Jaime.

"Saan tayo pupunta?" may kaba at anticipation sa dibdib niya sa tanong na iyon.

Hindi agad sumagot si JSS. Ginagap ang kamay niya at dinala sa bibig and tongue-kissed her palm. Nanlaki ang mga matang biglang binawi ni Sandra ang kamay. Tila live wire ang dumampi sa kamay ng dalaga. Nangingiting nilingon siya ni Jaime sa ginawi niya.

"Why? Don't you like it?"

She cleared her throat twice, bago sumagot. "I... It's... It's sensuous..." She groaned inwardly. Saan ba galing ang salitang lumabas ng bibig niya?

Nanunukso ang mga matang nilingon siya ni JSS. "I'm pleased with your choice of words, Sandy," wika nito na tila nahuhulaan ang iniisip niya. "So there's no need to blush. I meant the kiss to be sensuous."

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung saan tayo pupunta." Gusto niyang ibahin ang usapan.

"Sa isang townhouse sa San Juan tayo pupunta. Malapit lang. Kaibigan ko ang may-ari ng unit at nasa ibang bansa. Matagal na niyang sinabi sa aking maghanap ako ng tatao sa unit niya habang wala siya. And you're just the right person. Maaalagaan mo ang unit."

Gulat siyang lumingon dito. "Town-house? Pero bakit doon? P-papaano ko babayaran iyon? Sana sa ibang boarding house na lang, Jaime."

"Boardinghouse?" ulit ni Jaime at binuntutan iyon ng mahinang tawa. "Oh, Sandy, darling. How could you be so naive. Anyway, huwag mong intindihin ang bayad dahil ang gusto lang ng kaibigan ko ay may tumao sa unit at hindi para paupahan. Kung sakali nga namang umuwi siya anumang oras mula sa ibang bansa'y walang hassles sa tenant."

Hindi agad makapagsalita ang dalaga. Unit sa isang townhouse! Wasn't it too good to be true? At wala pa siyang babayaran monthly. Pero utang-na-loob niya iyon kay JSS at dahil magkasintahan sila'y posibleng maglagi roon ang binata anumang oras na gugustuhin nito.

Ano na nga ang tawag doon? Keptwoman? Querida? Live-in partner?

She grimaced in distaste. Talaga nga bang tumalon siya mula sa kawali patungo sa apoy?

And if that was so, paanong may pakiramdam siyang hindi naman siya nasusunog sa apoy na binagsakan niya?

"I—inakusahan mo akong nakipag-live in kay Albert. Pagkatapos ay—"

"Hindi kita inaakusahan," agap ni Jaime sa pagsisikap niyang idepensa ang kalagayan. "Tinanong kita. And don't turn your back now, Sandy. Hindi kita papayagan," determinadong wika nito.

Tulad ng alinmang pag-uusap nila ni Jaime, nasa lalaki ang huling salita. She kept silent. Kung sa bagay ay ito na iyong pinag-uusapan nila ni Bessie at kahit paano ay naihanda na niya ang loob at sarili. Pero hindi niya maiwasang hindi matakot. Napakabilis ng pangyayari. Wala pang beinte-kuwatro oras mula kagabi.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa townhouse na sila. Maganda ang environment at maraming puno sa paligid ng compound. Ipinarada ni Jaime ang sasakyan sa garahe at lumabas ng sasakyan kasunod si Sandra na ang kaba'y gustong magpabasag sa dibdib.

Sinusian ng binata ang pinto pabukas at itinulak iyon. Natambad kay Sandra ang katamtamang laking unit.

Nasa loob na si Jaime ay nanatili pa rin siyang nasa pinto. "May dalawang bedroom ang unit na ito. Mamili ka kung alin ang gusto mong okupahin." He raised his hand to her and smiled encouragingly. "Don't just stand there, darling. Pumasok ka. Hindi mo ba gustong silipin ang magiging tirahan mo mula sa araw na ito?"

My Love My Hero: JSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon