Chapter Four

1.3K 29 2
                                    


IMPOSIBLE!

Naghuhumiyaw iyon sa isip ni Sandra. Kinakabahang nag-angat siya ng mukha upang tumitig sa lalaki. His eyes danced in silent amusement confirming her thoughts.

"H-hindi ikaw si..." Umiling siya. "N-no..." She stammered.

"You can call me 'Jaime,' my friends do. JSS lang ako rito sa opisina," walang anumang wika ng lalaki.

"Oh!" Clutching her bag, she closed her eyes at nanlulumong napasandal sa dingding.

How could she be so stupid na ipag-kamaling ordinaryong empleyado ang lalaking ito? No one in her right mind would think so. Nothing in this man was ordinary.

But then she was not in her right mind, was she?

Bukod doon ay hindi pa naman talaga niya nakikita si JSS. Kung si Albert nga, maliban kung pareho nilang bababain o aakyatin ang isa't isa'y tsansa nang magkita sila sa elevator o sa canteen o 'di kaya ay sa company parking area, ang JSS pang ito?

"Ano ang ibig sabihin ng 'oh' na iyan?" amused nitong tanong. Ang isang kamay ay nakapasok sa bulsa ng slacks at humilig sa wooden divider. "Walang deperensiya kung ako man si JSS, ang boss o si Jaime na kaibigan mo."

"Hindi kita kaibigan!" she hissed. "You tricked me para mag-confide sa iyo. And you are not my boss. Ex-boss, yes!" pagalit niyang sabi. Mabilis na lumakad patungo sa elevator. Pulos na lang laging may prefix na "EX" ang dalawang ulit niyang sinabi.

Ex-boyfriend. Ex-boss.

Nadiinan na niya ang buton ng elevator nang mahawakan siya ni Jaime sa braso.

"Huwag kang parang bata. Sumama ka sa akin.

I'm taking you out to dinner. I'm starving myself," walang anumang sinabi nito sa tonong hindi mababali.

Nanlaki ang mga mata ni Sandra. "Nagbibiro kayo, Mr. San Sebastian! Hindi ako sasamang mag-dinner sa inyo!"

Hindi sumagot si Jaime. No woman had intrigued him more like this woman. Then, an indulgent smile appeared on his lips as if she were a kid na nagta-tantrums.

Nang bumukas ang elevator ay nakahawak na nang mahigpit sa braso ni Sandra ang lalaki. Gustong iwasiwas ng dalaga ang kamay nito subalit lalo lang iyong humihigpit at inakay siya nito papasok sa lift. "

Kung iniisip mong sasama ako sa iyo, think again!" She stomped her foot.

Jaime gave her a tolerant smile. Lalo lang iyong ikinainis ni Sandra. She would have said something nang bumukas ang lift at sumalubong ang security guard sa ibaba. Inabot ang attaché case ni JSS kasabay ng curious na tinging ipinukol sa kanya. Inihatid sila nito hanggang sa nakaparadang four-by-four Mercedes-Benz.

Unang binuksan ni JSS ang passenger door at pinasakay roon ang hindi makareklamong dalaga. Pagkatapos ay umikot sa driver seat at inabot ang attaché case mula sa guwardiya. Ilang sandali pa'y lumalabas na sila ng building premises.

"Ibaba na ninyo ako sa kanto, Mr. San Sebastian," kalmanteng wika niya at itinaas nang bahagya ang mukha sa pagsisikap na mapanatili ang pride at dignidad. Nakahawak ang isang kamay sa lock ng pintuan.

"Automatic ang mga door lock. Don't act as if you were being abducted. I am only taking you out to dinner," ani Jaime na hindi lumilingon sa kanya. "Halos alas-nueve na. Nagugutom na ako at natitiyak kong ikaw rin."

Magkasamang galit, pagkamangha at weariness na napatitig si Sandra sa lalaki. Hindi siya niyaya o inimbitahan man lang. Basta sinabing maghahapunan sila at sa ayaw at gusto niya. Tapos doon ang usapan.

My Love My Hero: JSSWhere stories live. Discover now