Chapter Eighteen

1.4K 28 2
                                    


SA OPISINA ay hindi mapalagay si Bessie. Tina-tap ng ball pen ang mesa nang muli siyang tawagin ni Sir Mauro.

"Another termination, Bessie," wika nito nang sumungaw siya sa pinto ng silid ng manager. "Please type another notice."

"P-para kanino, Sir?"

"Albert Jose. Ipaayos mo agad sa accounting ang suweldo ni Albert. At walang ibibigay na reference letter o kahit na anong honorable dismissal. Maglagay ka ng redmark sa file nito." Napailing ang matandang lalaki.

"B-but why, Sir?"

Nagkibit ng mga balikat si Mauro. "Wala akong ideya, Bessie. Sa tono ng tinig ni JSS ay mukhang gusto nitong patayin si Albert. At tumawag ka sa mga peryodiko at magpa-advertise ng bagong draftsman at personnel clerk. Kausapin mo si Helen upang siyang maging reliever mo." Tumingala ito sa sekretarya sa nanlulumong mukha. "I'm sorry, Bessie. Dapat ay naka-leave ka na."

Naguguluhang lumabas si Bessie. Bakit ipinate-terminate ni JSS ang dalawa? Dinampot niya ang telepono at dinayal ang number sa townhouse. Nakaapat na ring bago sumagot si Sandra.

"Bess..."

Sa tono ng kaibigan ay umiiyak ito. "Sandra, can you talk now? Ano ba ang nangyari at pareho kayo ni Albert na ipina-terminate ni JSS?"

"Oh!" Lalong nakumpirma ng dalaga ang hinala. Ipinate-terminate sila ni JSS! Hindi na gustong makita pa ni Jaime silang dalawa ni Albert. Hindi niya mapigil ang mapahagulhol ng iyak sa telepono.

"Sandra, calm down," ani Bessie na nag-alala sa kaibigan. "Kung wala lang rush na trabaho ay pupunta ako ngayon diyan. Ano ba talaga ang nangyari?"

"D-dinatnan kami ni Jaime kahapon ni Albert dito sa isang uncomfortable situation, Bess. Albert was forcing himself on me. He assaulted and tried to rape me. At iba ang naging pakahulugan ni Jaime roon..."

"Oh, dear!" si Bessie. "Bakit hindi ka nagpaliwanag?"

Hindi makasagot si Sandra. Masasabi ba niya sa kaibigan ang sumunod na pangyayari. That was too personal. Hindi bale sana kung hindi boss ni Bessie si JSS.

"Bess, I—I can't linger on the phone..."

"Hintayin mo ako mamayang uwian at mag-usap—"

"No, please," agap ng dalaga. "I—I mean, gusto ko munang mag-isip mag-isa. Thank you, Bess." Ibinaba na ng dalaga ang telepono bago pa magpilit si Bessie.

Si Bessie ay kinakabahang napatitig sa telepono. Sa tono ng boses ng kaibigan ay tila desperate ito.

Kung gaano katagal siyang nag-isip ay hindi niya alam. Pagkuwa'y naupo sa computer at ginawa ang termination notice ni Albert at nag-print. Inilagay sa sobre habang kinakausap ang payroll clerk. Pagkatapos ay dala ang sobre nang lumabas ng personnel. Pumanhik sa itaas. Dinaanan niya si Albert sa puwesto nito.

Nakangiting nakikipag-usap ito sa isang kasamahan. Pero nang makita si Bessie ay agad na hinarap ng binata.

"Hi, Bessie..."

"Kung ako si JSS, Albert, ipalalagay ko sa lahat ng peryodiko ang pangalan at larawan mo para hindi ka na makakita pa ng ibang mapapasukan kailanman. Pero duda ako kung makakakita ka ng trabaho kung sa circle din lang ng construction at engineering ang a-apply-an mo."

"A-ano ba ang ibig mong sabihin, Bessie?" tanong nito na unti-unti nang pinapanawan ng kulay ang mukha.

Nakita nitong dumating si JSS kanina. He was in good mood. In fact, binati pa ang buong engineering dahil nanalo kahapon sa bidding. They have a new multi-million project. Iniisip nitong kay Sandra lamang nagalit si JSS at hindi sa kanya. Tiniyak sa kanya ni Janet na pinalabas nitong si Sandra ang nagmungkahing magtungo ito sa townhouse.

My Love My Hero: JSSWhere stories live. Discover now