Chapter Three

1.3K 27 0
                                    


ILANG minuto na lang at alas-siete na at si Sandra na lang ang tao sa bahaging iyon ng building. Pero hindi iyon alintana ng dalaga at patuloy sa tahimik na pag-iyak.

Hindi niya matiyak kung pride nga lang ba ang nasaktan sa kanya o pati na puso. Matagal na siyang niloloko ni Albert at wala siyang kamalay-malay. And if there was one consolation for her, ay iyong hindi niya pagpayag sa gustong mangyari nito na mag-sex sila.

At kaya siya narito pa sa opisina hanggang sa mga sandaling iyon ay dahil hindi niya gustong umuwi at makipagkomprontasyon dito. At wala naman siyang mapupuntahang iba.

Kanina sa restaurant nang magka-salubong ang mga tingin nilang dalawa ni Albert ay kitang-kita niya ang biglang pagkailang nito. Guilt were written all over his face. Upang marahil hindi gaanong mahalata ay tinanguan pa sila ni Bessie. But he couldn't have waited to get out of the place as fast as he could.

Kinse minutos pagdating nila ni Bessie sa opisina ay agad na tumawag si Albert sa kanya sa pamamagitan ng interphone.

"Sandra," tawag ni Bessie na hawak ang receiver at isenenyas sa kanya.

Hindi man sabihin ay alam niyang si Albert ang nasa dulo ng linya. Hindi sana niya ito gustong kausapin subalit naunahan siya ni Bessie.

"Kausapin mo at tapusin mo ang dapat tapusin."

Mabigat ang mga hakbang na lumapit siya sa mesa ng kaibigan at kinuha ang interphone mula rito.

"Hello..."

"Sandra, let's talk tonight. I will explain," si Albert sa kabilang linya.

"What is there to explain, Albert?" sagot niya sa mahinang boses upang hindi marinig ng ibang mga empleyadong nasa malapit lang. "Maliwanag pa sa sikat ng araw ang panloloko mo sa akin."

Si Bessie ay mataktikang tumayo at tinungo ang filing cabinet at kunwa'y may hinahanap.

"Sandra, please..."

"Walang dapat na pag-usapan pa. Wala ka na ring dapat pang ipaliwanag. At ayokong makipag-usap sa iyo..."

Nagsasalita pa ang nasa kabilang linya ay ibinaba na ni Sandra ang telepono. Kung magtatagal pa siyang makipag-usap sa lalaki'y baka maiyak siya. She had been trying to compose herself because of Bessie. Hindi niya gustong ipakita sa kaibigan na labis siyang naapektuhan sa nangyari.

At ngayon nga ay heto siya sa opisina at ibinubuhos ang matinding sama ng loob. Ni hindi niya napupunang pinatay na ng janitor bago ito umalis ang ibang ilaw sa floor na iyon maliban sa ilaw na nasa malapit sa tapat niya at isang nasa may pintuan palabas.

Kasabay ng paghikbi ay muli niyang tinitigan ang ginawang resignation letter kani-kanina lang. She really liked her job pero walang kabuluhang manatili pa. Hindi niya gustong magkikita pa sila ni Albert, sinasadya man o hindi. Dinaya siya nito. Kaya pala ganoon na lang ang tanggi nitong sa JSSE siya pumasok.


SA FIFTH floor ay nag-iinat na tumayo mula sa pagkakaupo sa high-backed swivel chair niya si JSS. Sinulyapan ang relo sa braso. Hindi niya namalayang inabot siya nang ganoong oras sa pag-aaral sa kontrata para sa susunod na project.

Kung sa bagay, hindi na niya kailangang dalhin pa sa bahay ang dokumento. Dito pa lang sa opisina ay naguhitan na niya ang mga clause and paragraphs na dapat niyang ipakipag-usap sa abogado ng kompanya bukas.

Dinampot niya ang attaché case sa mesa at ang susi ng sasakyan at lumabas ng opisina. Kasalukuyan niyang inila-lock ang silid nang mapansin ang guwardiya na nagra-round sa building.

My Love My Hero: JSSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin