Chapter Five

1.2K 25 0
                                    


NAPAAWANG ang mga labi ni Sandra sa narinig. Tiniyak na hindi niya nakaringgan ito.

"I—I beg your pardon?"

"I want you to be my girl," ulit ni Jaime.

"You are joking, Mr. San Sebastian. At hindi ako natatawa."

"Totoo sa loob ko ang sinasabi ko. I want you to be my girl. And at the risk of being accused as conceited, I am a better catch than Albert, aren't I?"

She was speechless. For a few seconds she was gaping at him.

"Hey, I am only asking you to be my girl. Hindi kita pinatatalon sa building ng opisina," wika ni JSS, an indulgent smile on his lips.

"W-why would you want to do that?"

Bale-walang nagkibit ng mga balikat si JSS. "Perhaps I have developed an instant fondness for you." His eyes held hers and he had this feeling that what he said was true. He liked her.

She almost rolled her eyes in disbelief. "Pinatatalon mo ba ako sa proverbial frying pan para mapunta sa apoy?"

Tumaas ang sulok ng bibig ni Jaime. "Isang buwan ka pa lang sa opisina. At kanina lang tayo nagkakilala and yet you've been listening to rumors about me."

"Paborito kang topic ng mga babae, Jaime. Alangan namang magkunwari akong bingi." Oh, dear. Kung sasabihin niyang nakikipag-usap siya nang ganito sa presidente at may-ari ng JSSE, tiyak walang maniniwala. Pagbibintangan siyang ilusyunada.

"Pag-isipan mo ang sinabi ko sa iyo ngayong gabi. Pormal mong tapusin ang relasyon ninyong dalawa ni Albert at pumasok ka bukas. Ako ang bahala sa lilipatan mo," utos nito sa awtorisadong tinig.

Now, she rolled her eyes ceilingward. "At sinabi mo pang pag-isipan ko ang inaalok mo," matabang niyang sagot.

Pormalidad na lang ang sinasabi nitong pag-isipan. Inuutusan siya nito. Idinidikta ang dapat niyang gawin. At ang nakapag-tataka ay hindi niya gustong tumanggi sa iniaalok nito.

Mula sa bulsa ng pantalon nito'y dinukot ng lalaki ang resignation letter niya at pinunit sa gitna.

"Kinuha mo iyan!" bulalas niya.

He shrugged his shoulders. "You don't need this. And worse comes to worse, hindi kita papayagang mag-resign. Bessie will go on maternity leave." Sinulyapan nito ang steak plate niya. "Kumain ka na, Sandy. Lumalamig ang pagkain." Bale-walang dinampot nito ang steak knife at nagsimulang kumain.

Sa kabila ng kalituhan at pagkamangha ay nagsimula na ring kumain ang dalaga. Nagugutom naman siyang talaga. Ni hindi nga niya napangalahati ang pagkain niya kaninang tanghali sa restaurant. At kung hindi lang nakakahiya kay Bessie ay wala siyang balak na kumain.

Naaaliw na pinapanood nang lihim ni Jaime ang pagkain niya. Ang ibang babae ay karaniwan na ay nagkukunwang tamilmil sa pagkain at nilalaro lang ang pagkain sa pinggan. O 'di kaya'y sasabihing nagda-diet.

Si Sandra ay hindi alinman sa mga iyon.

Natural na kinain nitong lahat ang nasa steak plate, leaving only the vegetables.

"Hindi ka vegetarian, ha?" biro nito.

She wrinkled her nose. "Ayoko ng beans at carrots. At saka kinakain ba ang... ang tila damong ire? Ano ga ang tawag dine?" She delicately fingered the parsley. Itinaas iyon.

Jaime San Sebastian gave a shout of laughter that it echoed around the four corners of the restaurant. Uncaring kung nakakatawag ng pansin. Tawang bibihira nitong gawin. Sinasadya man o nakalimot lang ay may accent ang salita ng dalaga. At hindi ignorante si Sandra. She behaved with good manners. Natural lang.

My Love My Hero: JSSOnde histórias criam vida. Descubra agora