Chapter Ten

1.2K 26 3
                                    


PAGKAGALING sa Unimart ay nag-taxi na si Sandra pauwi sa townhouse. Iniayos niya sa refrigerator ang kapirasong pinamili. Gusto niyang ma-shock sa presyo ng binili niyang isda sa loob ng grocery. Pero wala siyang alam na palengke na malapit sa Greenhills.

Ganoon pa man ay nakadama ng kasiyahan ang dalaga. Sa kauna-unahang pagkakataon ay magluluto siya.

Nang maisalang niya ang lulutuin ay pumasok siya sa banyo at nagtimpla ng warm bath sa tub. Naglagay ng bubble soap na dinatnan na niya roon kasama ng ilan pang mga gamit pang-banyo na pulos panlalaki. May beinte minutos din marahil siyang nagbabad sa maligamgam na tubig sa bath tub bago umahon. She never thought that bathing could be so relaxing and enjoyable.

Hindi pa man ay nanghihinayang na siyang matatapos ang luxury na iyon sa sandaling bumalik sa Pilipinas ang may-ari ng unit.

Pedal pusher at maiksing kamiseta ang isinuot niya. Tinuyo ang mahabang buhok sa blower at nilagyan ng clamp paitaas. Pagkatapos ay lumabas ng silid.

Napatili siya sa gulat nang paglabas niya ay siya namang pagsungaw ni Jaime sa pinto sa sala.

"Nagulat na naman ba kita?" amused na tanong ng binata. Isinarang muli ang pinto.

"P-paano kang nakapasok?" nai-tanong na niya iyon bago pa niya nakita ang susing hawak nito.

Muling ipinasok ni Jaime sa bulsa ng pantalon ang susi. Niluluwagan ang necktie habang humahakbang patungo sa sala.

Sinagot pa rin ni Jaime ang tanong niya, stressing the obvious. "Darling, may sarili akong susi. Hmm... ang bango ng niluluto mong ulam." Sinulyapan nito ang nakasalang sa kalan. "Ano ang niluluto mo? Ginutom tuloy ako kaagad."

Hindi niya pinansin ang komento nito sa niluluto niya.

"B-bakit ka may sariling susi?" And again, she knew it was a stupid question

Lumakad si Jaime papalapit sa kanya. At bago pa siya nakahakbang paatras ay nahapit na siya nito sa baywang at nahagkan sa ibabaw ng tainga.

"I missed you today. Ang daming trabaho kanina. Dalawa ang meeting ko nitong hapon na," wika nito na tila ba ipinaliliwanag sa kanya kung bakit ni hindi siya nito natawagan sa intercom sa buong maghapon.

"Y-you don't have to explain. Naiin-tindihan ko."

"Miss me?" His voice in a husky caress.

His face above hers at nararamdaman niya ang paghaplos ng mainit na hininga nito sa mukha niya. And his eyes had that hunger look. Warmth and excitement flooded her.

She cleared her throat and smiled. Sinisikap supilin ang kakaibang damdamin tuwing nagkakalapit sila nang ganito. Idinaan niya iyon sa biro at panunukso.

"You can't know how much, Mr. San Sebastian," she teased.

Jaime couldn't understand why her answer pleased him so. Hinapit nito ang dalaga as his eyes scanned her face.

"Sandali pa lang tayong magkasama but I have wondered a dozen times how you pleased me... Sometimes made me laugh... at kung paanong nasisingit ka sa isip ko habang nakikipag-meeting ako," he said huskily.

"Really?" Ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito.

"Really. And you amused and irritated me all at the same time. At sa loob ng tatlong araw na nakilala kita'y hindi mo minsan man ipinadama sa akin na may obligasyon akong makipagtalik sa iyo."

Kumawala ang dalaga mula sa pagkakayakap nito. "Paano mo naman nalamang hindi iyon ang inaasahan ko sa iyo?" tuloy siya sa panunukso. She knew she was treading on dangerous topic subalit hindi niya maawat ang sarili. She enjoyed their bantering.

My Love My Hero: JSSWhere stories live. Discover now