Chapter Thirteen

1.2K 23 4
                                    


TULOY-TULOY si Sandra sa paglabas. She was relieved and happy. Her feelings were given a new lease of life.

Let's live each day enjoying each other's company, Sandy...

Iyon ang sinabi ni Jaime. Yes, she sighed. Until it's time for him to go.

If only she could freeze each day with him. If only she could hold every moment and make it last forever.

But nothing lasts forever. Lalo na ang mabuway nilang relasyon. Relasyong wala man lamang kahit na anong pundasyon.

A four-day old based on nothing relationship. Subalit para sa kanya'y sa nakalipas na apat na araw pa lang nagsisimula ang buhay niya.

At aminin man niya o hindi—sa kabila ng takot na baka tapusin na ni Jaime ang relasyon nila anumang sandali—she had been happy. Natutulog siyang si Jaime ang iniisip at ang binata pa rin ang kauna-unahang pumapasok sa isip niya sa umagang nagigising siya.

Okupado ni Jaime ang kaisipan niya kaya hindi na niya napuna ang dalawang pares ng mga matang nakasunod ng tingin sa paglabas niya.

Puno ng pagkasuklam ang mga matang itinitig ni Albert sa kanya. Ganoon din si Janet.

"Come on, Albert, kay Sandra lang ay napahiya ka pa?" kantiyaw ni Janet sa binata sa pabulong na paraan upang hindi sila marinig ng ibang empleyado.

Hindi agad nakasagot si Albert. Ang mga mata nito'y patuloy na nakasunod kay Sandra na palabas na ng glass partition.

Inamin na nito kay Janet na ex-girlfriend nito si Sandra. Totoong hindi nito matanggap na matapos niyang pagtiisang hintaying maangkin si Sandra ay basta na lang makakawala. Bukod-tanging ang dalaga lamang ang naging girlfriend nitong hindi nito nadala sa kama.

At totoong inaamo nitong muli si Sandra pero hindi dahil nasugatan ang puso niya sa pakikipagkalas nito sa relasyon nila. Gusto lang naman nitong makaganti kay Sandra sa mga pahirap ng dalaga rito. Gusto lang niyang tapusin ang hindi niya natapos gawin sa dalaga.

Nakikita ni Janet ang galit sa mga mata ng kasintahan. Kasama na ang matinding panghihinayang. Lihim siyang napangiti.

Pinaglaro niya ang mga daliri sa braso ng binata. "Hindi dapat na basta mo na lang pinakawalan si Sandra nang paganoon lang, Albert. Take her back at tapusin mo ang dapat tapusin," utos nito. May imbing ngiting sumilay sa mga labi.

Kumunot ang noo ng binatang nilingon ang nobya. "What does that mean?"

"Suyuin mo siyang muli at—"

"Hindi kita maintindihan!" Bahag-yang tumaas ang tinig nito. "Ikaw ang girlfriend ko pero gusto mong balikan ko si Sandra?"

"Tiyak kong alam na ni Bessie na dati mo siyang kasintahan. Sooner, malalaman din iyan ng ibang mga tsismoso't tsismosa sa opisinang ito. And I don't want people laughing behind my back that some worthless woman dropped you like a hot potato at sinalo ko naman!"

Tumiim ang mga bagang ni Albert. Maraming kadalagahan ang may crush dito sa buong JSSE. He couldn't afford to be laughed at. Nagpatuloy si Janet sa paggatong sa amor-propio ng binata.

"She's very pretty, honey. Sayang siya."

"Tama ka, Janet. Maganda si Sandra. Pero mas maganda ka. You're tall, sophisticated and I like your breasts." Buong pagnanasang bumaba ang tingin nito sa cleavage ng babae. Hindi na kailangang sabihing dinadala siya ni Janet sa kaluwalhatian tuwing nagtatalik sila. Wala pa siyang nakatagpong ganitong babae pagdating sa kama.

My Love My Hero: JSSМесто, где живут истории. Откройте их для себя