Chapter Twelve

1.2K 26 2
                                    


"MAY PROBLEMA ba?" bungad ni Bessie nang makitang namumugto ang mga mata ni Sandra.

"What started to be a lovely night had suddenly turned into a nightmare, Bessie," she confided. "Hanggang ngayon ay iniisip ko pa kung paanong nangyari iyon. He misunderstood something I said. He suddenly got so angry. Umalis siyang hindi man lang pinakikinggan ang paliwanag ko."

"Lovers' fit. Normal lang iyan."

"Tinawagan ko siya sa bahay nila kagabi para magpaliwanag at para humingi ng paumanhin pero hindi niya ako kinausap." She controlled her sob. Magdamag halos na hindi siya nakatulog dahil sa kaiisip sa binata.

"Nagpapalipas lang ng galit iyon. Makikita mo, mamaya lang ay tatawag na iyon dito," pangongonsola ni Bessie.

"Bess, hindi ako ganito kay Albert noon. Hindi ako naliligalig kapag nagagalit ito sa akin. Mas na iritasyon ang nararamdaman ko."

Pabuntong-hiningang tinitigan ni Bessie ang dalaga. "Now, I believe you are in love, my dear friend. Cheer up. Nasa adjusting period pa kayo ng relasyon ninyo, wala pa kayong apat na araw, ah!"

"That is exactly what I am thinking," she almost wailed. "Dapat, hindi pa babangon ang ganitong misunder-standing dahil iilang araw pa lang kami."

"Hindi ordinaryo ang relasyon ninyo ni JSS, Sandra. Out of nowhere, basta na lang nabuo. At lalong hindi ordinaryo ang boyfriend mo at dapat mong asahan ito." Puno ng simpatiya ang tinig ni Bessie. "At maraming trabaho, chika. Kaya medyo magiging busy ka at hindi mo makuhang isipin ang sama mo ng loob."

Tumayo ito at kinuha mula sa sariling mesa ang isang dangkal na contractual forms ng mga empleyado at dinala sa mesa ni Sandra.

"Here, sort these forms out and—"

"That is an old trick," she smiled through misty eyes. "Tinatambakan mo ako ng trabaho kapag masama ang loob ko."

And the trick works, 'di ba?" Gumanti ng ngiti ito.

Napapailing na lamang si Sandra.

Totoong maraming trabaho. Maraming gagawing contract para sa mga contractual employee sa bagong project pero saglit man ay hindi naalis sa isip ng dalaga si Jaime. Gusto niyang tawagan ito sa intercom pero hindi niya magawa dahil magdadaan siya sa sekretarya nito at tatanungin siya kung ano ang kailangan.

Kung gagamitin naman niya ang hot line nito ay hindi siya nakatitiyak na kakausapin siya ni Jaime. Paano kung hindi? Baka bumulalas lang siya ng iyak. Nakakahiya sa mga kaopisina.  


TAPOS na ang breaktime sa hapon pero hindi pa rin niya naririnig si Jaime. At hindi siya nakatitiyak kung tatawagan pa siya nito o pupuntahan sa townhouse.

Ilang beses na nagbabantang bumagsak ang mga luha niya. Pinipigil lamang niya iyon. Kinakain siya ng insekyuridad. Nag-uumpisa pa lang ang relasyon nila ni Jaime pero hindi na niya alam pakitunguhan ang binata. Kinakabahan siya sa bawat oras na baka magkamali siya ng pakikitungo rito.

Yet, she couldn't be otherwise. Totoong mahal niya ito. Pagmamahal na ewan niya kung paanong tumubo sa ganoon kadaling panahon. At iniisip pa lang niyang mawawala sa kanya si Jaime ay hindi na kayang indahin ng damdamin niya.

But she couldn't go on thinking how to please him. It would be one-way traffic. At kung totoo ang sinabi sa kanya ni Jaime na gusto siya nito, then gustuhin dapat nito ang talagang siya.

Humugot siya ng malalim na paghinga. Tumayo. Hindi niya kayang maghintay na lang at mamatay sa suspense kung makikipagkita pa sa kanya ang lalaki.

My Love My Hero: JSSWhere stories live. Discover now