Chapter Seven

1.2K 26 0
                                    


DAHAN-DAHANG lumapat sa mga labi ni Sandra ang mga labi ni Jaime. Soft yet firm. Warm and passionate. And he was tasting each corner of her lips with wet kisses. Suckling her lower lip gently. Hindi nagmamadali. Binibigyan siya ng pagkakataong damhin din ito. Hindi tulad ni Albert na hindi niya malaman kung saan ibabaling ang mukha.

"I want to kiss you properly, Sandy," he murmured in her lips. "Part your mouth for me, darling."

She did and Jaime plunged his tongue inside her mouth. At may pakiramdam si Sandra na matutunaw siya anumang sandali. Tinakasan ang buong katawan niya ng lahat ng lakas.

Now she knew what the line of a song meant: 'when I kiss your lips, I feel the rolling thunder on my fingertips...'

Jaime was taking his time in exploring her mouth with expertise. His tongue searching... playing and tasting. At hindi makapaniwala si Sandra na sa kanya nanggagaling ang ungol na naririnig niya.

She never moaned with Albert!

Kung gaano katagal inangkin ni Jaime ang mga labi niya ay hindi niya alam. He could have been kissing her forever. Ang tanging natatandaan niya ay ang pagkakadikit ng dibdib niya sa matipunong dibdib nito. His one hand sensually moved up and down her back. Ang isa'y nakasapo sa likod ng ulo niya.

And she could feel that pleasure-pain heat that flowed from her stomach and down. And there was that something she ached for.

And what more, her arms were around his neck and she was kissing him back with equal fire!

At halos habulin pa niya nang may panghihinayang ang mga labi ni Jaime nang huminto ito sa paghalik. He gave a husky laugh.

"Temptress," bulong nito, touching her wet lips with his thumb finger. "I'd better stop bago pa mauwi sa kung saan," he said shakily. "Maaaring may pumasok dito sa office anytime."

She was speechless! Hindi maka-paniwalang nagawa niyang tumugon dito nang ganoon kainit. That she was capable of doing so. Nanatili siyang nakatanga sa lalaki. Her eyes were filled with adulterated passion.

"Stop staring at me like that, Sandy. Baka hindi ko magawang magpigil." May babala sa likod ng tinig ni Jaime na biglang nagpanumbalik sa isip ng dalaga sa katinuan.

Nagyuko siya ng ulo, trying to hide her embarassment.

"May gusto ka bang itanong o sasabihin pa sa akin?" si Jaime uli. Tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair. Tumaas-baba ang dibdib habang dumidistansiya sa dalaga.

"W-wala na..."

"Okay, hihintayin kita sa parking space ko mamayang uwian. Hahanap tayo ng malilipatan mo. Ayokong manatili ka pa sa bahay ni Albert. Not even tonight." Tinitigan nito ang dalaga nang may determinasyon.

"Paano ang—mga gamit ko?"

"Ipauutos ko na lang na kunin sa boarding house mo."

Tumayo na rin ang dalaga, aware of her shaking legs. "A-ano ang sasabihin ko sa mga magtatanong kapag nalaman nila?"

"Ano ang gusto mong sabihin sa kanila?"

"Kung ano ang gusto mo."

"If I want you to be discreet about our relationship at huwag ipaalam kahit kanino, magagawa mong ipaglihim?" naghahamong tanong ni Jaime. His eyes intent on her.

Tumaas ang mukha ng dalaga at sinalubong ang mga titig nito. "Ang sabi ko ay kung ano ang gusto mo," she said tightly.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit napapayag siya sa ganitong arrangement. Una ay si Albert na hindi rin siya gustong ipakilalang kasintahan. Tapos, heto pa ang isang relasyon na kung paano nag-materialize ay hindi pa rin niya kayang isipin. At muli'y nagmumungkahing ilihim ang relasyon.

My Love My Hero: JSSWhere stories live. Discover now