Chapter Eleven

1.2K 27 4
                                    


TAHIMIK na naghain ang dalaga. At napalis ang pag-aalala niya nang magsimulang kumain si Jaime.

"Hmn... this is good, Sandy. Ngayon lang ako nakatikim nito," papuri ni Jaime habang kumakain. "At kung ganito kasarap ito na sabi mo'y kulang pa sa oras, lalo na siguro ang talagang sinaing ninyo. You will make a man a good wife, darling."

"Talaga?" Bumakas ang kasiyahan sa mukha niya.

"Talaga what? That this is good or that you will make a man a good wife?"

"Pareho."

He smiled at her gently. "Yes to both. And you have so many plus factors, sweetheart." Agad nitong inalis ang tingin sa mukha ng dalaga or he would kiss her again right there.

Nakita ni JSS ang kasiyahan sa mukha ni Sandra sa papuri nito. She was so unaffected, he decided. Napakadaling paluguran. He pleased his ex-girlfriends with diamond rings and signature women's clothings. Subalit ang dalaga'y kaunting papuri at natutuwa na.

At para kay Jaime, Sandra was a novelty.

Ang sumunod na mga sandali ay naukol sa pagkukuwento nila ng sari-sariling buhay.

"Siyam na taon ako nang itayo ng Papa ang JSS Engineering. Actually, ang "J" doon ay hindi Jaime kundi Jovita, ang pangalan ng mama. Apat na taon nang patay ang papa, Sandy. Ang mama na lang ang kasama ko sa bahay. Isa sa mga araw na ito ay ipakikilala kita sa kanya."

Hindi makapaniwala si Jaime na nagkukuwento ito ng buhay niya sa isang babae sa halip na makipagtalik. At si Sandra ay naroon at tahimik na nakikinig. Genuine interest on her lovely face.

"What about you? Nasa Batangas ba ang mga magulang mo?" he asked.

Umiling siya. "Second year college ako nang mamatay silang pareho. Aksidente sa bus."

"I'm sorry..."

"That is okay." She shrugged. "Dalawang taong mahigit na iyon. At nakaligtas naman ang mama pero marahil ay hindi na rin nito ninais pang mabuhay nang malamang namatay ang papa on the spot. Ang Tiya Fely ko ang nangasiwa sa kapirasong ari-arian namin at ito rin ang umasikaso sa pag-aaral ko."

"You never went home after that?"

"Umuuwi ako sa Batangas tuwing semestral break at sa lahat ng libreng pagkakataon. Pero hindi ako umuwi matapos ang graduation ko almost two months ago. I went looking for a job almost immediately."

Tinitigan ng binata ang dalaga. Mag-isa na lang sa buhay at mahigpit nitong nararamdaman that she was so helpless and needed his protection. At tama ang ginawa nitong pagpapalipat sa dalaga sa townhouse sa ilalim ng pangangalaga nito.  


TINITIGAN ni Sandra ang natutulog na binata sa malaking sofa. Marahil ay talagang pagod ito. He looked younger in his sleep and less formidable. Bukas lahat ang mga butones ng polo shirt nito.

Inalis niya ang mga mata sa pagkakatitig sa matipunong dibdib nito na kinakitaan niya ng pinong balahibo. She had been wanting to touch him... feel the touch of his skin in her hands. At kung sana lang ay hindi magigising si Jaime sa sandaling gawin niya iyon.

Huminga siya nang malalim at lumuhod sa rug upang gisingin ito. Malapit na ang alas-onse ng gabi at isang oras mahigit na itong nakakatulog.

"Jaime..." banayad niyang tawag.

"Hmn," bahagyang nagmulat ito ng mga mata at inabot ang batok niya and kissed her hard for ages at muli ay gustong bumigay ni Sandra.

"I know you've been watching me hungrily for minutes, darling," wika ni Jaime sa namamalat na tinig. Her face inches away from his. "I was hoping you'd ravish me. I am amazed by your self-control, Sandy. Ang ibang naging girlfriends ko ay hindi sasayangin ang nagdaang mga sandali na hindi pakinabangan ang katawan ko." Pagkuwa'y bumangon ito at naupo sa sofa. Inaayos ang sarili.

My Love My Hero: JSSWhere stories live. Discover now