Chapter Six

158 10 0
                                    

CHAPTER SIX: GO ON, AND JUDGE ME

Jeni

NAKAYUKO pa rin ako pero alam ko na malayo na kami ni Thirdy sa hotel na pinanggalingan namin. Hindi na naka-akbay sa akin si Thirdy at magkapanabay na lamang kami naglalakad ngayon. Medyo nilalamig na rin ako dahil iyong coat lang niya ang nakapatong sa aking katawan.

I'm still wearing my high heels and holding in my hands the mask I used not to reveal myself. But tonight, my identity were revealed to Thirdy and to everyone in that rooom already. And I can't wait Thirdy to judge me.

Gano'n naman ang lahat ng tao lalo kapag nalalaman na ganito lang ang trabaho ko. Isa akong maruming babae sa paningin ng lahat na hindi ko naman kinakahiya. Ito na ang bumuhay sa akin simula disiotso pa lang ako. Kailan lang naman ako natanggap sa law firm pero 'di ko binitiwan ang isa ko pang buhay na madali kahit na marumi.

Nagitla ako ng hawakan ni Thirdy ulit ang magkabilang braso ko. Isang dahilan para hayunin ko paangat ang aking mga mata.

“Wait here, Jeni. I'll just buy some clothes for you.” Hindi ko na siya napigilan dahil bigla siya umalis. Ang nagawa ko na lang ay luminga sa paligid at humanap ng puwede ko tambayan.

Sa bawat pagtingin ko sa paligid, hindi nakatakas sa akin iyong mga tingin ng bawat taong naglalakad sa gilid ko. Tingin pa lang nila alam ko na agad ang laman ng kanilang isip. Kaya minabuti ko na umalis at tumungo sa lugar kung saan ako hindi gaano makikita ng lahat. Iyon ay kahit pa sinabi ni Thirdy na maghintay lang ako kung saan niya ako iniwan.

I chose to stay outside a convenience store and took the vacant seat there. Nakita ko na may lumabas na grupo ng mga estudyante mula roon.

Gaya kanina, parehong tingin lang din ang pinukol nila sa akin. Isang dahilan kaya nagawa ko tingnan ang aking sariling repleksyon mula sa salamin pader ng convenience store. That woman in front of me isn't same woman live passionately before. It's all because of an event that changes everything.

It's a one of a hell traumatic event I wished it didn't happened.

“I told you to stay there, right?”

Napalingon ako agad sa pinanggalingan ng frustrated na tinig na iyon. May hilam na luhang naglandas pa sa mga pisngi ko ng lingunin ko siya na hindi ko dapat ginawa. Thirdy seen too much for tonight and I can't withstand his deep dark stares on me.

“Aalis na ko,” I say.

“Ihahatid na kita -”

“Puwede bang husgahan mo na lang ako kaysa iyong ganyan na nakatingin ka lang at hindi ko mabasa ang isip mo.” Tumayo ako para mas maharap ko siya ng maigi. “Go on, and judge me. Sanay naman na ako mahusgahan ng iba lalo na ng mga katulad mo.”

“I pulled you out of that room not because I want to judge you. Please stop putting words to my mouth, Jeni.” Huminga siya ng malalim bago ulit nagsalita. “I didn't think you less of a woman since the day we first met. Your mystery pulling me closer to you to know you better.”

“The story of my life is ugly. Mas okay pa na huwag mo na lang ako kilalanin pa, Atty.”

KABADO 'man ay pumasok pa rin ako sa law firm kinabukasan. Wala naman siguro dito iyong mga kasama ni Thirdy kagabi sa hotel. Alam ko na maliit lang mundo ng lawyers pero kailangan ko kumayod. Lalo't hindi naman ako nabayaran kagabi dahil 'di ko natapos ang gig. But Czarina gave me small amount a while ago to add up my savings.

Tumungo ako sa HR department para magtanong kung anong arrangements ang puwede nila ibigay sa tulad ko na nagbabalak maging working student.

“Mag-aaral ka uli? Hindi ba tapos ka na?” Iyon ang gulat na tanong ni Miss Bing sa akin.

Her Perfect ImperfectionWhere stories live. Discover now