Chapter Forty: Part 1

119 5 0
                                    

CHAPTER FORTY PART ONE: MY PERFECT IMPERFECTION

Jeni

NANG IWAN ako ni Thirdy kasama si Papa, abot langit ang naging kaba ko. Samu't-saring tanong din ang pumasok sa isip ko na hindi ko alam kung nararapat ba itanong sa aking tatay. They left me after receiving the money from those monster with nothing but pain, disappointment and hatred.

Ang nanay ang bumuhay sa akin kahit hindi kami magka-ano-anong dalawa. Ang tinuturing ko na ina ngayon ang nagsabi sa akin na kailangan ko magpatuloy sa pag-aaral sa kabila ng nangyari. Dahil kapag huminto ako, parang sinabi ko na rin na mahina ako.

“Nakita ko sila sa kulungan ilang araw bago ako lumaya,” simula ni Papa patukoy sa mga demonyong nagsadlak sa akin sa lugar kung saan ako sinalba ni Thirdy.

“Huwag na sila ang pag-usapan natin. Sigurado naman ako na nagsisi na sila ngayon kahit 'di sila nakulong dahil sa kaso ko.”

Masaya na maalwan sa dibdib na wala na sila sa mundong ginagalawan ko. That this world will be a better place for my kids now. Hindi na nila makikita iyong mga taong dahilan ng marami kong pinagdaanan.

Pulos wagas na pagmamahal at walang kapares na pag-aaruga lamang ang kanilang matatamasa ngayon. Dahil hangga't poprotektahan ko sila kahit buhay ko pa ang kapalit.

“Iyong boyfriend mo, mabait siya at talagang hinayaan na mangyari itong hiling ko.”

“Marami pa siyang ginawang kabaitan sa akin noon,” kwento ko. “Siya ang unang lalaki na 'di nadiring lapitan, hawakan at yakapin ako. Pinadama niya sa akin na 'di ako naiiba sa lahat ng babae sa mundo.”

Alam ko na masakit para kay Papa na marinig ang sinabi ko. Bago kami humantong dito, isa siya sa mga lalaking sinubukan ko takbuhan ngunit piniling pagsarhan ako ng pinto kaysa yakapin.

“Alam mo ba na iyong pinaranas niya sa akin ay mga damdamin na dapat sa 'yo ko unang nadama?” Kasama itong hinanakit na 'to sa dapat ko pakawalan kaya nararapat lang na ibukas ko ito ngayon. “Walang panghuhusga siyang pinukol sa akin at niyakap ako kahit ang dumi-dumi ko sa sarili kong paningin.”

Hindi kumibo si Papa. Wala akong ideya kung wala lang ba siya masabi o nag-iisip pa ng tamang salita na bibitiwan para hindi ako masaktan. Marami na ako narinig na masasakit na salita mula sa kanya noon. Kaya naman bakit ngayon pa niya naisip iyon kung sakaling tugma ang iniisip namin.

“P-patawarin mo ako, anak,” ani Papa na hindi ko inasahan na maririnig. This man has a huge ego. Alam ko na hindi siya hihingi ng tawad gaya ng ginawa niya ngayon. “Hindi ako naging isang ama sa 'yo at pinili ko na iwan ka sa gitna ng lahat. Nasilaw ako sa pera at nakalimutan namin ang obligasyon na meron kami dapat sa 'yo.”

Pagkatapos sabihin iyon ni Papa ay niyakap niya lang ako mahigpit na tuluyang nagpaiyak sa akin. I am speechless. Hindi ko alam kung ibibigay ba sa kanya ang pagpapatawad na isa pang hiling niya. All I know is that I'm here because he wished to see me. Hindi kasama iyong pagpapatawad sa ngayon pero alam ko naman na doon rin kami pupuntang dalawa.

Hindi pa lang sa ngayon.

Hindi pa ngayon.

~•~•~•~

“ANG TAGAL mo naman umuwi! Bakit ngayon ka lang?”

Hindi ko maiwasang mapangiti matapos marinig ang reklamo na iyon ni Thirdy. Naging matagal ang pag-uusap namin ni Papa na isa sa mga 'di ko inasahan ulit. Hindi na kami nagtuon sa nakaraan at napadpad na sa kumustahan ang usapan namin kanina kaya ngayon lang ako nakauwi. Sabi noong katiwala na kasama ni Papa, umuwi na ang mag-ama ko kaya ako na nag-drive sa sasakyan ni Thirdy na iniwan niya.

Her Perfect ImperfectionWhere stories live. Discover now