Chapter Twenty-Six

89 3 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX: A RIFT

Jeni

HANGGANG ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nag I love you ako kay Thirdy. I don't have any idea if that's because of the numerous orgasms I reached before he said I deserve to be happy. Wala pang kahit sino ang nakapagsabi na karapatdapat akong sumaya.

Bata pa lang ako, pre-determined na ang kinabukasan ko. Which actually happened because I once was a prostitute.

Once.

Because someone saved me from hell and embraced every flaws I have that's waiting to revealed. And that guy is right there, standing in front of his car. May sumilay na ngiti sa labi ko at mabilis na lumapit sa kanya.

“Sabi ko, hindi mo na ako kailangan sunduin dito sa school,” sabi ko saka niyakap siya.

Hindi na ako takot ngayon o nahihiya na maging clingy sa kanya kahit sa pampublikong lugar gaya nito. Thirdy started it in the first place. Sinanay niya ako sa ganitong bagay na sa umpisang weird para sa akin.

But now it's different because there's something in between us. Something like love which became the very least in my life through the years.

“How's the exam?” tanong niya imbis na sagutin ang tanong ko.

Ngumiti ako. “Ako ang unang natapos pero kinakabahan pa rin ako baka kasi mali.”

“Malay mo mataas mo pa ang score ko noon.”

“It's like breaking a history if I did that,”

“History of what?”

“Your history of high grades in this school.”

“Break it then. I'm happy to giveway to you,” he said, pinching my nose slightly. “Come on. You deserved to be pampered since you finished your exam first.”

“Saan tayo pupunta? Hindi ba dapat mag-empake na tayo? Malayo iyong venue ng gathering na pupuntahan natin ngayon.”

“Kasama na sa buhay natin ang traffic. Besides, I like being stuck in traffic with you.”

Hinampas ko siya. Ngunit imbis na magreklamo ay hinuli lang niya ang kamay ko saka masuyo akong giniya papunta sa shotgun seat. He opened the door for me and waited until I settled inside. Lagi niya ginagawa iyon bago umikot sa driver's seat.

Pinanood ko siya na patakbong umikot papunta doon. Kaya naman hindi nakatakas iyong tatlong lalaki sa kabilang kalsada na naka-umang sa gawi namin ang camera.

“What's wrong?” tanong ni Thirdy sa akin.

“May kasama na bang secret photographers ang mga guards mo ngayon?” Nakita ko na kumunot ang noo ni Thirdy. Kaya naman tinuro ko iyong mga nakita na mabilis namang nagpulasan. “They're gone. . .”

“Sigurado ka na mukha silang photographers?”

“Yes and they're particularly pointing their cameras on us.” Hindi kumibo si Thirdy bagkus ay kinuha ang cell phone sa panloob na bulsa at may tinawagan. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng seat belt habang nakikinig sa pakikipag-usap ni Thirdy.

“Which way they go, Jeni?” tanong niya sa akin.

“That alley,” tinuro ko at siguradong-sigurado ako na doon sila pumasok. Bakit naman biglang may paparazzi na sumusunod sa amin? Ganito ba kasikat si Thirdy para sundan ng mga katulad nila? “Baka harmless article naman ang isulat nila.”

“You'll never known what might they write. I don't want to stress my mother.”

“Right. Mas okay na maunahan sila kaysa makarating pa sa nanay mo,” pumihit ako sa kanya. “Okay lang ba na kasama mo ako sa gathering? Iyong huli naming kita ng nanay mo, hindi maganda.”

Her Perfect ImperfectionWhere stories live. Discover now