Chapter Twenty-Three

83 5 0
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE: I LIKE YOU

Jeni

MALAPIT NA mag-lunch time ng makabalik ako sa cubicle ko. Pagkagaling ko sa penthouse ni Thirdy, sa opisina ako dumiretso. Inilagay ko muna sa locker ko iyong mga libro na kinuha ko doon kanina. And Thirdy didn't know that I move out already.

Akala ko lang pala na hindi niya alam.

Why?

Because in front of me is a note from him. May naka-sulat na 'I Like You' sa unahan tapos sa ibaba iyong pinaka-mensahe niya. Gusto ni Thirdy akong makita sa sikretong hide out niya dito kumpanya. Huminga ako ng malalim saka sunod-sunod na umiling. I ignored Thirdy's note and take my lunch out with me.

Ang sabi, may masarap na ulam sa cafeteria ngayon at iyon ang susubukan ko na kainin ngayon. Dire-diretso akong lumakad at hindi pa ako nangangalahati ay huminto na dahil nakita ko na pumasok si Thirdy sa main entrance.

He's not alone.

Kilala ko iyong kasama niya ngayon at base sa awra nilang dalawa, mukhang nagsisimula silang dalawa ulit. Hindi ko maintindihan bakit nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ngayon. Dapat talaga ay hindi ako rumupok kaysa naman ganito ang pakiramdam ko ngayon.

Malalim akong huminga saka nagpatuloy sa paglalakad na nahinto ulit ng may tumawag sa aking pangalan.

"Jeni!" Tili iyon at si Czarina lang naman ang gagawa noon na para laging excited na makita ako. Patakbo siyang lumapit sa akin at ng ilang hakbang na lang ang layo ay umikot pa aking harapan ipakita ang suot niyang damit. "May bago akong trabaho!"

"Role playing?" Diretsahan kong tanong.

"Gaga hindi! Clarence. . . I mean Atty. De Luna offered me a job to be his secretary! Magkikita na tayo araw-araw!" Hindi nagbago ang reaksyon sa mukha ko na dahilan para sabunutan ako ni Czarina. "Hindi ka ba masaya para sa akin?"

"Hindi naman araw-araw dito si Atty. Clarence. Lagi iyon na sa korte o 'di kaya ay dumadalo sa mga political meeting. Sigurado ka ba sa pinasok mo? Boring kaya ang maging sekretarya ng taong iyon."

Tumabang ang reaksyon sa mukha ni Czarina. Hindi tama na i-spoil ko ang achievements ng iba dahil lang sa ka-bitter-an na nararamdaman ko.

"Hayaan mo na. Ang mahalaga ay lagi kami magkasama. Madali naman ako mag-blend in sa mga pinupuntahan ko kaya huwag ka mag-alala, hm?"

"Congrats!" Bati ko pero hindi niya tinanggap.

"Halatang hindi ka masaya."

"Gutom lang ako. Tara na sa cafeteria."

"Inaabangan ko iyong boss mo - I mean boss ko na rin pala. May pupuntahan daw kaming kliyente sa labas ngayon." Napatango ako. "Ano ba ang kailangan ko gawin?"

"Listen and stop talking. Ayaw ni Atty. Clarence ng maingay kapag nagta-trabaho siya."

"Wala naman siya reklamo kapag maingay ako. Nanonood pa nga ako ng Kdrama sa loob ng opisina niya." Baka nagtitimpi lang? "Anyway, ayan na siya. Ikain mo na lang ako at huwag ka na bumusangot diyan. Hihintayin kita sa condo ko mamaya."

Ngumiti ako at bahagyang yumukod ng makalapit sa puwesto ng kaibigan ko si Atty. De Luna. Nang umalis sila ay tumuloy na ako sa cafeteria at pumila na ako pagkakuha ng tray.

Bahagya pa ako nagulat dahil marami-rami ang tao ngayon sa cafeteria kaya mukhang mahihirapan ako makahanap ng upuan. At siya ngang nangyari matapos ko kumuha ng pagkain.

The only seats available are those beside Thirdy and his acquaintances. Ayoko naman na makiupo sa kanila at lalong patayin ang sarili ko sa inggit. Akala ko ay dumiretso sila sa itaas para mag-meeting. Hindi ko sukat akalain na makikita ko pa sila dito.

Her Perfect ImperfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon