Chapter Thirty-Nine

98 6 0
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE: EMBRACING HER FULLY

Thirdy

“HINDI ka si Jeni Daria,” tanong sa akin ng pulis na nasa likod ng salaming nahaharangan ng bakal.

Obvious naman na hindi ako si Jeni dahil una lalaki ako.

“You mean Atty. Jeni Daria? Mas ma-a-appreciate ko kapag i-a-address mo siya sa gano'ng paraan. And yes, I'm not her. But I'll be representing her to pick up Ricky Daria.”

Hindi na kumibo ang jail guard na kumausap sa akin.

Mukhang kilala naman niya si Jeni pero hindi ko gusto ang reaksyon na nakita ko sa kanyang mukha. Overprotective pa rin ako kay Jeni kahit hindi kami magkasama ngayon. I advised her not to come with me today. Kaya ko naman na kasi lahat ng may kinalaman sa kanyang tatay na lalaya na matapos ang ilang taong pagkakakulong.

“Paki-pirmahan ito saka ang mga ito. Pahingi na rin ng ID kopya ng ID mo.”

Inilabas ko ang mga kailangan niya na si Jeni pa ang naghanda bago ako umalis. Ang inasikaso ko lang naman ang bahay na titirhan ng tatay niya mag-aalaga dito. Kasama na roon ang personal na bodyguards na naka-assign sa labas ng property na nabili ko.

Pagkatapos ko mapirmahan ang lahat ng kailangan, nakita ko na lumabas si Ricky na nakaupo sa wheelchair. Tulak-tulak iyon ng isang jail guard na nakilala ako agad.

“Hindi ikaw ang anak ko,” iyon ang bungad na salita niya sa akin nang maglapit kami.

“Hindi puwede si Jeni kaya ako ang narito ngayon.”

“Ano'ng dahilan naman niya ngayon?” Iniwan kami ng jail guards at ang kasama ko na lang ay mga bodyguards ko. “Hindi mo na lang sana ako nilabas. Ayos na ako rito -”

“Naka-pirma na ako at hindi na puwedeng bawiin. Parte na ako na ang pamilya niyo. Abala si Jeni sa pag-aalaga sa kanyang sarili, sa sanggol sa sinapupunan niya at sa panganay namin.”

Hindi kumibo ang tatay ni Jeni kaya binalingan ko na ang mga gamit niya saka pinadala sa mga bantay ko. Pagkatapos ay nilapitan ko na siya at itinulak ang wheelchair na kinauupuan.

“Sino ka ba at may mga bantay pang nakasunod sa 'yo?”

“Kasama ko na sila sa buhay simula bata pa ako. Mahirap maging anak ng dating Presidente ng bansa.” Nilingon niya ako at patuloy ko naman siya itinulak palabas. “Ako si Thirdy De Luna. Later, you'll meet your first grandchild.”

Mukhang hindi niya inasahan ang rebelasyon ko. Hindi ko rin natanong si Jeni kung kailan ba sila huling nagkita dalawa.

Did she visited him in the past or not?

Sigurado ako na hindi dahil malaking parte ng traumang meron siya ang dinulot ng mga magulang niya sa kanya. She told me that before we part ways.

“Sinong kamukha niya?” tanong ni Ricky sa akin.

“He has your eyes. Pareho kayo ng mga mata ni Jeni. He inherited my wit and charms.”

“Gusto ko silang makita,”

“I'll arrange everything for all of you. Sa ngayon, umuwi muna tayong dalawa.”

Hindi kumibo ang tatay ni Jeni. Hudyat na iyon para sa akin na ilabas siya sa lugar na kanyang tinirhan nang matagal na panahon.

Alam ko na malaki ang magiging adjustment niya sa labas. Aasahan ko na ang mga reklamo niya na hindi puwedeng pasanin ni Jeni. Lalo ngayon na buntis siya at medyo maselan pa kanyang kondisyon.

She need my help in times like this to deal with everything on her plate. She need me especially now.

~•~•~•~

Her Perfect ImperfectionWhere stories live. Discover now