Chapter Thirty-Five

105 7 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE: FIGHT FOR WHAT YOU LOVE

Jeni

“WHAT if we're not the woman we were before? Tingin mo kailangan pa natin lumayo sa mga mahal natin?” Huminto si Czarina sa ginagawa niya at tumingin sa akin ng seryoso. “What? I was just asking, Cha.”

“I am curious what happened when you spent a night at his house. Nag-sex kayo?” My eyes rolled at the back of my head. “Come on, Jeni! I'm dead curious what happened that night.”

“That night you betrayed me and let me sleep where temptation hides?”

“Worthwhile naman 'di ba? I mean, you got a chance to wake up seeing the man you love. Huwag kang mag deny diyan, Jeni. Alam ko at lahat ng nakakakilala sa 'yo na mahal mo pa si Matthias De Luna III.” Hindi ako kumibo. “Kita mo! Hindi ka magaling magtago ng nararamdaman mo.”

Marahas akong huminga. Senyales iyon na napasuko na niya ako at totoo nga 'di ako marunong magtago ng nararamdaman ko.

“Natatakot ako.”

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Czarina. “Saan ka naman natatakot?”

“That if my relationship with Thirdy go okay, his family will do something to reject me again. Okay sana kung ako lang makakaranas ng rejection pero may bata na alam kong mas masasaktan kaysa sa akin. I don't Ford experienced what we had before.”

Si Czarina naman ang nanahimik. Tingin ko ay nakuha na niya ang pinupunto ko. Kung saan nanggagaling iyong takot na meron sa aking dibdib.

“But it's not wrong to fight for what you love now. What I mean to say is you're not a nobody, Jeni. You have a college degree, bar exam top 1 and a law firm under your name. Sigurado ako na may karapatan ka na tumayo sa tabi ni Thirdy ng taas-noo sa lahat.”

“Will all I've got be enough?”

“I think?” Pareho kaming natawa ni Czarina. “Fuck all the differences and your fear, Jeni. Ang importante lang naman ay iyong sagot sa tanong na mahal mo pa ba?”

“Wala naman nagbago doon,” I answered immediately.

“Then, go say it to him. Nakapag-explain na ako sa kanya kung bakit kita inaya dito noon. He partially knew what I made that decision.” Nakita ko na tumingin si Czarina sa orasan niya. “Maaga pa. Baka nakauwi na siya sa bahay niya. Puntahan mo at mag-usap kayong dalawa.”

“Ano naman pag-uusapan namin?”

“Bahala na kayo mag-isip. Puwede niyo naman gawan ng kapatid si Ford na para may kalaro.” Ginulo ko ang tinupi niyang damit at agad ako lumayo. “Go na! May utang ka na kwento sa akin.”

“Whatever!”

“Enjoy! Uhm, not too much. Pasok pa kayo bukas kahit Sabado.”

Hindi ko na pinansin si Czarina at tuloy-tuloy na ako lumabas. Tulog na si Ford at ang balak ko at tulungan si Czarina sa tinutupi niyang labahan. Pero heto't pinalabas niya ako para makausap si Thirdy.

Ilang beses ko tinanong ang sarili ko kung tama ba itong ginagawa ko ngayon. Ano ba ang puwede ko itanong sa kanya? Tama ba talaga na nagpasulsol ako kay Czarina at lumabas ng ganitong oras?

Bahala na nga lang.

~•~•~•~

MAGANDA tingnan ang buwan mula sa porch ng bahay ni Thirdy. Wala kasing nakaharang na puno at mga halaman hindi gaya sa bahay ko. Certified plant lover kasi ang Nanay na hindi ko naman maawat dahil iyon lang libangan niya maliban sa pag-aalaga kay Ford.

Malalim akong napabuntong-hininga.

Napakatagal naman umuwi ni Thirdy. Ano pa kaya ginagawa niya sa opisina? Kasama pa rin ba niya iyong kliyente na nirekomenda ni Mr. Reyes? Dapat siguro hindi ako maaga umuwi ay binantayan silang dalawa.

Her Perfect ImperfectionWhere stories live. Discover now