Chapter Forty: Part 2

276 11 0
                                    

CHAPTER FORTY PART TWO: MY PERFECT IMPERFECTION

Jeni

MY ODD feelings were right after all. The wedding expo and exclusive event things were white lies. Nakumpira ko ang lahat nang makapasok na ako sa sinasabi ni Czarina na venue ng photo shoot. Nakasara pa ang pinto pero marami na ang naghihintay sa labas na 'di ko alam kung sino-sino.

Lumingon ako sa gawi ni Czarina at nakangiti lang siya sa akin.

“What is this?” tanong ko pero hindi siya sumagot.

Nang bumukas ang pintuan, mas naliwanagan pa ako sa kung ano ba ang nangyayari. Bahagya ako sumilip kung ano ang nasa loob at mabilis ko na nakita si Thirdy sa dulo ng aisle. Napasinghap ako dahil doon.

He's all dressed just like me, wearing the proudest smile that I've never seen before. Pinlano niya ito at kasabwat si Czarina pati ang mga taong ito na nasa aking paligid.

Nakuha ko na kung ano ang nangyayari ngayon. Thirdy planned a surprise wedding for me. I didn't notice how and when he planned all of this.

Muli akong sumilip at nakita ko na lahat ay nag-iintay na pumasok ako. Pero tumingin pa ako uli kay Czarina.

“After the wedding mo na ako sakalin,” she said.

“Thank you!” May ngiting sumilay sa labi ng kaibigan ko sa halip na takot na baka sakalin ko nga siya. I sniffed and carefully lifted slightly the hem of my wedding gown.

Maganda itong suot ko na base sa disenyo na gusto ko talaga. Hindi ko alam kung paano nila nakuha at nagawang nang mabilisan ang lahat. Ang alam ko lang ay abala sa isang kaso si Thirdy pero hindi sa ganitong bagay. And after the talked I had with my father, I was busy trying to rebuild our relationship with Ford's help.

Nakakainis talaga itong si Thirdy na maraming tinatagong surpresa sa kanyang katawan. My eyes gets teary when Ford welcomed me and held my hands. May dala siyang panyo at tinulungan ako na pahiran ang luhang naglandas sa aking pisngi.

“Papa is waiting there for us, Mama,” my son told me.

“Did you know about this too?” tanong ko.

Tumango si Ford at agad ko naman siyang niyakap. Matalino ang anak namin. Nasabi ko na mahirap siya kausap kasi nga maraming nasasabi na bihira maririnig ninoman sa mga batang ka-edad. Siguro nga dapat na ako maniwala na nasa genes talaga namin ni Thirdy ang dahilan.

“Shall we now, Mama?”

“Yes, we shall, my love.” I planted a kiss on Ford's cheek, making him to smile a giggle a bit. Hawak namin ang kamay ng isa't-isa habang naglalakad ako palapit kay Thirdy na hindi nagbabago ang itsura. He's still smiling so proudly and handsomely. Planado niya na ito at tingin ko'y hindi ko siya basta-basta mapapaiyak ngayon.

Each people I see as I walked down the aisle are smiling while other's crying. Naroon si Nanay at katabi niya si Papa. Naroon ang mga kapatid ni Thirdy at ilan pa nilang kamag-anak. Habang ang mga magulang naman niya'y nasa kanyang tabi na naghihintay rin sa paglapit ko.

And when it happened, tears freely flowed down to my eyes.

“Hey love,” Thirdy said, claiming my hands from our son.

“You did all the planning?”

“Yeah, you can say that. But a lot of people help to make this happen.” Sinapo niya ang magkabila kong pisngi at pinahiran ang luhang naglandas doon. “Proposal lang ito dapat. You know, to make everything more memorable. But I decided to go extra mile because I cannot wait to marry you. I want to marry you now, Jeni Aurelia Daria.”

Her Perfect ImperfectionWhere stories live. Discover now